. . . ⇢ 29 ˎˊ˗

205 12 13
                                    

bawat paghakbang na ginagawa ni sunoo sa pag-akyat ng hagdanan ay siya namang pagkabog ng puso niya ng malakas dala ng kaba na nararamdaman niya sa mga oras na 'to.

hindi niya alam kung bakit siya gustong isama ni mr. choi paakyat pero may kung anong parte sa kanya na nagsasabi na kailangan niyang sumama dahil baka doon niya na makita ang matagal niya nang hinihintay.

tumigil si mr. choi sa harapan ng malaking pintuan, binuksan iyon ni nico at doon ay sumalubong sa kanila ang puting kwarto. agad ding nakakuha ng atensyon niya ang musikang nanggagaling mula sa loob.

nauna na pumasok si nico at mr. choi habang si sunoo ay nanatili lang nakatayo, pinapakiramdaman ang lakas ng kabog ng kanyang puso. hindi niya maintindihan, pero parang ayaw niyang tumuloy sa silid na ito.

pero dahil sinenyasan siya ni nico na pumasok ay pumasok na lang din si sunoo, bumungad sa kanya ang iba't-ibang uri ng musical instruments at sa may bandang unahan ay may piano kung saan may dalagang nakaupo dito.

napatitig si sunoo sa babae. nakatalikod ito at busy sa pagtugtog ng piano kung kaya't hindi makita ni sunoo ang itsura nito. pero ang pustura nito ay pamilyar sa kanya.

"may kailangan ka, sweetheart?" pananalita ni mr. choi saka lumapit sa dalaga.

"i can finally do it, dad. listen." sagot nito saka muling nagpatugtog ng piano.

si sunoo naman ay napatulala na lang. hindi niya alam kung panaginip ba 'to o hindi pero kung paniginip man ay sana hindi na siya magising pa dahil nang marinig niya ang boses ng dalaga ay iisang tao lang ang pumasok sa kanyang isipan.

danica.

napangiti lang si mr. choi habang pinapanood ang dalaga na mag-piano. pero nang mapansin niya si sunoo na tila hindi mapakali ay tumikhim siya at muling bumaling sa dalaga.

"may ipapakilala pala ako sa'yo." aniya saka naglakad palapit kay sunoo.

nanlaki ang mga mata ni sunoo nang marinig ang sinabi ni mr. choi, nagpa-panik na siya at hindi alam ang gagawin. nang lumingon ang dalaga sa pwesto nila para tingnan ang sinasabi ng ama ay agad nagtama ang paningin nilang dalawa.

natigilan si sunoo at napatitig sa dalaga, ganun din ito sa kanya. ang lakas ng tibok ng puso ni sunoo ngayon dahil after almost 5 months na parang 5 years sa kanya ay muli niyang nasilayan ang mga mata nito.

pero pansin din ni sunoo na may kakaiba dito, lalo na kung paano siya nito titigan.

"sweetheart, he's sunoo. he's a good friend."

parehong napatingin ang dalaga at si sunoo kay mr. choi nang magsalita ito. napakunot naman ang noo ni sunoo kung paano siya ipakilala ni mr. choi sa dalaga na animo'y hindi sila magkakilala noon.

pero agad din siyang napatingin sa dalaga nang lumapit ito sa kanya at tipid na ngumiti. "nice to meet you sunoo, i'm danica."

naguguluhan man ay pilit na lang na ngumiti si sunoo, iniisip na isa lang 'to sa mga pakulo ni danica bilang pa-welcome sa kanya. "n-nice to meet you too, danica.." pagpapakilala niya rin.

tinitigan niya pa ang dalaga ng diretso sa mga mata para malaman kung nagbibiro lang ba ito pero naramdaman na lang ni sunoo ang pagkirot ng dibdib niya nang wala siyang makita kundi pure sincerity sa mga mata nito.

ibig sabihin..?

napalunok si sunoo nang maramdaman niyang may nagbara sa lalamunan niya, pinipigilan ang sarili. unti-unti siyang nagbaba ng tingin sa kamay ng dalaga at mas lalo lang kumirot ang dibdib niya sa sakit nang makitang hindi niya na suot 'yon.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon