. . . ⇢ 39 ˎˊ˗

176 11 16
                                    

"anong meron kay jay? bakit napaka clingy yata ngayon kay joy?"

"ha? ganyan naman talaga siya ah?"

"uh-huh, jay being jay everyday."

"clingy talaga siya pagdating kay joy."

sina francine, jungwon, cyril at jake ang nagbubulungan. nagtataka kasi si francine kung bakit panay ang dikit ni jay kay joy kung saan man magpunta ang dalaga.

mukhang hindi naman naiinis si joy. ine-enjoy pa nga yata ang pagiging clingy ni jay sa kanya, lol.

kasalukuyan silang nasa hybe university para mag-enroll. nakapila sila ngayon para magpalista bago makapasok ng university. naiinip na nga sila kasi ang dami pang arte bago makapasok.

and thank goodness, after 123456789 years ay nakapasok na din sila. doon ay nakita nila kung gaano kalaki ang university na 'to kapag nakapasok ka na talaga. maganda din ang loob at ang daming tao.

"guys!? ni-ki!?"

napatingin doon ang gang at bahagyang nagulat nang makita si mae, lalo na si ni-ki dahil kahapon lang ay magka-chat sila pero hindi man lang sinabi ng dalaga sa kanya na nandito siya at mukhang sa hybe univ pa mag-aaral.

"maelary!"

niyakap ng girls si mae nang tuluyan itong makalapit sa kanila. kahit papano naman kasi ay naging malapit ang gang kay mae at naging kaibigan na din nila ang dalaga.

"omg, what are you doing here? dito ka ba papasok?" cyril asked.

tumango lang si mae. "yeah, kayo rin ba?"

"yup! mag-eenroll pa lang kami." sagot ni francine.

napangiti na lang si mae dahil hindi niya inaasahang sa dami ng university ay talagang same pa sila ng university na pag-aaralan. madami pang sinabi ang girls, nakikinig lang si mae habang si ni-ki ay sumusulyap sa kanya.

"lapitan mo na!" siniko siya ni jake na nasa tabi niya.

"pabebe pa ampota, na-miss mo naman." asar pa ni jungwon.

napangisi si sunoo. "yieeee, miss naman pala eh! lapit na dali!"

"huwag mo na hintayin na itulak ka namin palapit don." si jay naman ang nang-asar.

napailing-iling lang si ni-ki. "ewan ko sa inyo hyungs, mauuna na 'ko mag-enroll."

at doon ay nagsimulang maglakad si ni-ki palayo sa mga kaibigan niya. napansin 'yon ng girls at maging si mae dahilan para mapakunot ang noo nila. napatingin si joy kay jay, nagtatanong, but jay just shrugged his shoulder with a playful smile on his face.

"nahiya yata si ni-ki kay mae." si sunoo ang sumagot at napahagikgik pa.

"nagpapabebe 'yon at gustong ikaw ang mag-first move, mae." diretsong sabi ni jungwon.

namula ang magkabilang pisngi ni mae. "e-e-eh?"

natawa lang sila sa reaksyon nito.

-♡️-

jake
@simnotsimp

jake
uy nasan ka na daw?

jake
naghihintay na si mae

jake
este kami pala

ni-ki
tapos na kayo mag-enroll?

jake
noong nakaraang taon pa

ni-ki
ha ha ha

jake
HAHAHAHAH joke lang!

jake
pero tapos na kami, ikaw?

ni-ki
tapos na rin

ni-ki
kaso nasa tindahan pa ko ng fishball hehe

ni-ki
pakisabi wag na kong hanapin

jake
saang tindahan ba?

ni-ki
wag niyo na kong hanapin hyunggg!

jake
nahihiya ka pa rin ba?

ni-ki
HINDI AKO NAHIHIYA!

jake
utot

jake
kung hindi ka nahihiya edi pumunta ka dito ngayon na

jake
nasa parking lot kami

ni-ki
ayoko

jake
see? nahihiya ka nga

ni-ki
ewan ko sayo hyung

ni-ki
basta mauna na kayo

ni-ki
hindi na lang ang sasabay

jake
uulan, wala kang sasakyang dala

ni-ki
hindi pa naman ako marunong mag-drive edi malamang wala pa talaga akong sasakyan na madadala

jake
ha ha ha

ni-ki
gaya-gaya hAHAHAHA

ni-ki
basta mauna na kayo ha!

jake
bahala ka diyan

jake
si mae nga pala

ni-ki
anong meron kay mae?

jake
pupunta sa may mga tindahan para hanapin ka

jake
ni-ki?

jake
riki?

jake
eh?

-♡️-

hindi naman talaga nahihiya si ni-ki.

or maybe he is.

talagang pinagmadali pa ni ni-ki 'yung tindera para maluto na agad ang fishball na binili niya at makaalis na agad siya kasi ayaw niyang mahanap siya ni mae.

bukod sa katotohanang nahihiya si ni-ki ay wala naman siyang sasabihin kay mae. well, meron siguro pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin dahil sa chat lang naman siya madaldal.

"o-oh!"

natigilan si ni-ki nang may mabangga siya at naglaglagan ang mga gamit nitong dala. kinuha niya 'yon at binigay dito. pero bago niya pa mabigay ay natigilan siya nang makita kung sino ito.

kang kyden, hera's older brother.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon