. . . ⇢ 40 ˎˊ˗

202 11 19
                                    

kyden
@kngkydn

ni-ki
where is she?

ni-ki
tinakbuhan mo lang ako kanina

ni-ki
tinatanong kita

ni-ki
hyung?

kyden
kilala ba kita?

ni-ki
wag na natin lokohin mga sarili natin

ni-ki
alam kong kilala mo ko

kyden
kung about sa kapatid ko ang itatanong mo

kyden
wala akong isasagot

ni-ki
wdym?

ni-ki
kyden hyung gusto ko lang naman malaman kung ayos na siya

ni-ki
hindi ko naman ipipilit na makita siya

ni-ki
please

kyden
hera

kyden
isn't okay

kyden
yan lang muna ang masasabi ko ngayon

ni-ki
what do you mean she's not okay?

ni-ki
hyung?

ni-ki
hyung!

ni-ki
hyung sumagot ka

ni-ki
pakiusap

-♡️-

but he didn't reply.

kanina pa nakatitig si ni-ki sa phone niya, naghihintay sa reply ni kyden pero wala, walang reply ni-isa. napabuntong hininga na lang siya at tumayo mula sa pagkakaupo sa waiting shed.

ang daming tanong sa utak niya ngayon at lahat ng 'yon ay kailangan masagot. hindi niya alam kung nandoon pa sila pero susubukan niya. nagsimula siyang maglakad papunta sa bahay nila hera.

ganito din ang ginawa niya dati pero wala siyang naabutan at ngayon muli siyang pupunta doon. nagbabakasakaling nandoon na sila dahil nakita niya si kyden ngayon.

sana lang talaga nandoon na siya.

padilim na ang kalangitan kahit maaga pa naman. nagbabadya ito ng malakas na pag-ulan at walang pakialam si ni-ki kahit ngayon ay nagsisimula na umambon.

ang mahalaga lang ay makarating siya doon.

hindi nagtagal ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. nakarating si ni-ki sa kanyang paroroonan ngunit basang-basa na siya ng ulan. hingal na hingal siya dahil sa pagtakbong ginawa niya pero hindi na siya nag-abalang magpahinga pa.

"tao po? tao po!"

patuloy lang siya sa pagsigaw sa harapan ng gate, hindi alintana ang malakas na pag-ulan. nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang ginang. nang makita niya si ni-ki ay nagmadali itong kinuha ang payong at pinapasok si ni-ki para isilong.

"jusko kang bata ka, basang-basa ka ng ulan!"

pero hindi 'yon pinansin ni ni-ki. "s-s-si hera po?"

nang marinig 'yon ng ginang ay natigil ito. napansin 'yon ni ni-ki dahilan para makaramdam siya ng kaba. kinuhaan siya ng ginang ng tuwalya at inutusan si ni-ki na punasan ang sarili bago umupo sa sofa.

"nishimura ni-ki?"

bahagyang nagulat si ni-ki dahil alam nito ang pangalan niya. tumango lang siya at napabuntong hininga naman ang ginang. "so, ikaw pala 'yung binatang palaging kwinekwento sa akin ni hera."

nang matapos punasan ni ni-ki ang sarili ay umupo din siya sa kaharap na sofa ng ginang. "sino po ba kayo?"

ngumiti ang ginang. "ako si theresa, yaya ni hera."

"yaya? pero wala pong yaya si hera." nagtatakang sambit ni ni-ki.

"bago lang ako. simula nang umalis si hera at pumunta ng ibang bansa ay kinuha nila ako para mas maalagaan si hera ng maayos." sa sinabi nito ay mas lalong nagtaka si ni-ki.

"pero—"

"yaya, where are you—"

natigilan si ni-ki nang marinig ang boses na 'yon, ganun din ang nagmamay-ari ng boses na ito. literal pang nanlaki ang mga mata niya at nagmadaling umalis doon nang tawagin siya ni ni-ki.

"w-wait!"

lumapit si ni-ki sa kanya at hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. niyakap siya ng mahigpit ng binata habang siya ay natulala na lang. ang bilis ng tibok ng puso niya at hindi pa rin makapaniwala na nakita niya muli si ni-ki.

"saan ka ba nagpunta? sobrang na-miss kita, hera.."

"n-ni—"

"don't leave me again, please.."

sa sinabi ni ni-ki ay nabalik si hera sa kanyang sarili at ginamit ang buong lakas para makawala mula sa bisig ng binata. pero sa bawat subok niyang makawala ay mas lalo lang hinihigpitan ni ni-ki ang yakap niya.

"b-bitaw.."

pero hindi nakinig si ni-ki.

"p-please.. b-bitawan mo 'ko.."

doon ay tuluyan nang bumitaw si ni-ki mula sa pagkakayakap niya kay hera. napatingin siya sa dalaga at nakita itong nakayuko at umiiyak. lumuhod si ni-ki sa harapan ng dalaga at hinawakan ito sa kamay.

"h-hera.."

"i-i'm sorry.." basag ang boses nito. "d-dapat hindi mo na 'ko nakita pa.. d-dapat kinalimutan mo na lang ako.. d-dapat hindi na tayo nagkakilala.. d-dapat—"

"i love you."

doon ay natigil si hera at napa-angat ng tingin. nagtama ang mga mata nila at panibagong luha ang kumawala mula sa kanyang mata. inangat ni ni-ki ang palad ni hera at hinalikan ang likod non.

"n-nishimura.."

"nasaan na ang senpai sa hulian?" natawa pa si ni-ki pero muli lang yumuko si hera.

"b-bakit hindi mo pa 'ko kinalimutan.. tingnan mo 'ko ngayon, h-h-hindi na 'ko makakalakad pa.."

pinagmasdan ni ni-ki ang kabuuan ni hera. nakaupo ngayon si hera sa wheelchair pero hindi 'yon ang unang napansin ni ni-ki nang muling maglapat ang mga mata nilang dalawa.

at sa totoo lang, gusto malaman ni ni-ki ang totoong nangyari kay hera. lalo na ngayong alam na ni ni-ki na nagsinungaling si hera sa kanya. pero hindi siya galit, ang tanging gusto niya lang marinig ay paliwanag mula sa dalaga.

hinawakan ni ni-ki sa pisngi ang dalaga para i-angat ang tingin nito sa kanya. natatakot si hera sa totoo lang, natatakot ito sa posibleng sabihin ni ni-ki.

pero nakita niyang ngumiti si ni-ki.

"hindi mababago ng mga paa mo ang pinagsamahan natin. ikaw pa rin si hera, ang first love ko."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon