2

90.4K 2.3K 421
                                    

Harmony Erdenay's

Nagtataka ko lang na nilingon ang kinaroroonan ng sikat na kambal na 'yon at talagang pareho pa silang dalawa na nakatingin sa direksyon ko. Naghatid sa akin ng matinding kilabot ang paraan ng tingin nilang dalawa. 'Yong tingin nila na sobrang init at lagkit, isang tingin na para akong natutunaw.

Para ring tumatagos sa katawan ko ang init ng titig nila sa akin. Isang tingin na para bang isa akong masarap na pagkain. Pakiwari ko nga'y parang may hinahalukay ang kanilang tingin sa kaloob-looban ng aking katawan.

Lumunok ako at umiwas na lang ng tingin. Mas pinagtuonan ko na lang ng atensiyon ang nilalakaran ko dahil baka madapa pa ako, eh 'di napahiya pa ako.

Napahawak pa ako sa kaliwa kong dibdib. Mabilis ang kabog nitong puso ko dahil sa matinding kaba. Para tuloy akong nakipag-karera sa mga kabayo.

Nakapagtataka ang dalawang 'yon, sa dinami-rami ng pwede kong makasalubong ay sila pa. Ang weird din nilang pareho pero naiinis ako sa kambal na 'yon.

Kahit gwapo sila, hot, at ubod ng yaman ay may inis pa rin akong nararamdaman para sa kanilang dalawa. Marami kasi na babae ang nahuhumaling sa alindog nila at talagang nagkakandarapa sa kanila.

Hate ko sila, hindi dahil sa may nagawa silang mali sa akin. Hate ko sila dahil sa palikero sila at fuck boys pa. Noon palang ay may matagal na akong galit sa mga babaero. Mukha bang cool tingnan kapag pinaglaruan ang damdamin ng mga babae? Hindi naman, 'di ba?

I mean, bakit hindi man lang sila marunong makuntento sa isang babae? Parang ginawa nilang damit ang mga babae na madali lang nilang palitan at pagsawaan. Higit sa lahat, hindi dapat ginagawang laruan ang mga babae.

Siyempre, sino ang hindi nakakakilala sa kambal na 'yon? Alam na alam ko na babaero ang sikat na Hellion Twins. Usap-usapan ba naman sila sa buong Osiris Hellion Academy dahil nga sikat sila. Bukod sa kinahuhumalingan, kinababaliwan, pinag-aagawan din sila ng mga babae at binabae.

Pati nga sa ibang school ay kilala sila.

Habang ang ibang mga babae naman na patay na patay sa kanila, alam na nga nilang playboy at fuckboy ang kambal na 'yon ay sige pa rin sila lapit, habol at patol! Panay pa rin sila sa pagpapa-cute at pagpapapansin sa kanila.

Halos ilantad na nga rin nila ang mga cleavage nila para lang mapansin sila ng Hellion Twins. Kulang na lang ay maghubad na sila sa harapan ng dalawang 'yon. Eh ano ang magagawa ko? Buhay nila 'yon, gusto nila 'yon.

Tapos kapag pinagsawaan na sila ay saka naman sila maglulumpasay at iiyak na parang bata dahil matapos makuha sa kanila ang kailangan ng kambal na 'yon ay iiwan na lang sila basta sa ere.

May ibang girls naman na kahit tapos ng gamitin ay tuwang-tuwa pa rin dahil natikman daw nila kuno sina Captain Liam at Laito. Hindi ko naman kasi sila masisisi. Hindi lang basta mayaman at gwapo ang Hellion Twins, attractive talaga sila at malakas ang sex appeal.

Sino nga ba ang Hellion Twins? Sila lang naman ang tagapagmana ng magulang nila. Ang sikat na kambal mula sa angkan ng pamilyang Hellion. Sikat din ang angkan nila dahil na rin sa matunog ang pangalan nila pagdating sa business world. Isa sila sa pinakamayamang pamilya sa bansang ito.

Si Liam Aslan Hellion, ang panganay sa kambal ng Hellion Twins. Siya rin ang tinatawag na 'Captain' ng sikat na basketball team dito sa school namin, ang Demir dahil siya ang Team Captain nila.

Matalino siyang lalaki, pero siya ang tinaguriang snabero, seryoso, malamig makitungo. Palagi na lang nakakunot ang noo na para bang araw-araw na lang may dinadalang problema. Hindi man lang marunong ngumiti pero aaminin ko, attractive si Captain.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon