9

65.4K 1.9K 393
                                    

Harmony Erdenay's


Kagat ko ang hinlalaki kong daliri at hindi na rin ako mapakali. Hindi talaga ako mapakali mula pa kanina nang malaman kong anak pala nina Ninang Aeliana ang Hellion Twins. Wala man lang akong kaalam-alam o ideya man lang. Dapat sinabi man lang sa akin ni Mommy para at least ay may alam ako.

Bumuntong hininga na lang ako at nag-isip ng paraan. Isang paraan para iwasan sila. Bakit ba ako natatakot na makita ako ng kambal na 'yon dito sa bahay nila? Pero gusto ko lang silang iwasan eh. Naiinis pa rin ako sa kanila dahil sa ginawa nila kay Shawn. Dahil sa kanila kay iniiwasan ako ng matalik kong kaibigan.

"Ate Harmony? What's wrong po?"

Tumingin ako kay Liliana na nagsalita. Ngumiti ako at hinatak siya palapit sa akin. Yakap niya ang paborito niyang teddy bear.

She's 10 years old at nakababatang kapatid ng kambal. Nalaman ko rin na may isa pa silang kapatid na lalaki sila. Nag-aaral sa high school at ang pangalan niya ay Letifer na isang 16 years.

Nakilala ko na kanina si Letifer at kagagaling lang din niya sa school pero agad din siyang pumasok sa kwarto niya dahil aasikasuhin pa raw niya ang mga assignment niya. Medyo may pagka-cold siya at parang introvert na lalaki, pero mukha naman siyang mabait.

"Wala naman akong problema. Iniisip ko lang kasi kung paano ako makakaiwas sa Kuya Liam at Kuya Laito mo," sagot ko sa kanya at bahagyang natawa.

Mas napangiti ako nang makita ko kung paano rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. Ang inosente at cute ng batang ito. Ang sarap panggigilan ang pisngi niya na medyo namumula at may pagka-chubby.

"Bakit niyo naman po sila gustong iwasan? May malaki po ba kayong pagkakautang na pera kay Kuya Liam at Kuya Laito? How much po ba? Sasabihin ko kay Dada Lucian para makahingi tayo ng tulong. Mabait naman po si Dada Lucian kahit na mukha siyang parang may galit sa mundo," mahaba niyang sabi kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na kurutin siya sa pisngi.

Parang gusto ko siyang iuwi sa bahay at itabi sa pagtulog. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa kwarto niya. Nang makita niya ako kanina ay bigla na lang siyang lumapit sa akin at yumakap.

Gusto raw niya kasi makipagkaibigan sa 'kin dahil ang ganda ko raw at mukha akong mabait kaya dinala niya ako agad dito sa kuwarto niya para ipakita sa akin ang mga toys niya.

Nakilala ko na rin sina Ninong Lycus at Ninong Lucian kanina na kakarating lang galing sa pagsundo kay Liliana. Pati ang grandparents nina Captain Liam na sina Lola Larlee at Lolo Lars ay na-meet ko na rin.

Lolo at lola na lang daw ang itawag ko sa kanila, sabagay ay malapit naman daw kaming kaibigan ng pamilya nila. Agad daw silang napasugod dito nang mabalitaan nilang nandito si Dad at Mommy.

"Wala naman akong utang sa mga kuya mo." Tumawa pa ako. "Gusto ko lang silang iwasan."

Kahit ano'ng iwas ko ay tadhana pa rin ang gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa Hellion Twins. Lalong nagtaka si Liliana sa sinabi ko at parang naguluhan. Nagtaka ako nang tumalikod siya at may kinuha sa cabinet ng bedside table niya. Bumalik din naman siya agad sa harapan ko at may inabot sa akin na isang litrato.

"Ito po oh, picture po nila Kuya Liam yan kaya sayo na lang po yan. Akala po kasi nila Mommy at Daddy hindi na sila magkakaroon ng anak na babae kaya ganyan ang ginawa nila kay Kuya Liam at Kuya Laito. Pwede niyo rin pong ipanakot sa daga yan." aniya at mahinang napabungisngis.

Nagtataka kong kinuha ang picture na 'yon at hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa nang makita ko ang nasa litrato. Halata na ang Hellion Twins ito dahil sa mukha pa lang nilang dalawa.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon