27

55.8K 1.4K 199
                                    

Harmony Erdenay's


Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa nang matapos magturo ang titser namin. Hinihintay na lang din namin ang sunod na magtuturo habang nagdadaldalan ang mga kaklase ko. Hindi ko na rin pinansin pa si Shawn na pilit akong kinukulit na magpunta raw muna kami sa canteen para bumili ng makakain pero tinatamad ako ngayon.

Parang bigat na bigat ang katawan ko ngayon. Inaatake na naman siguro ako ng katamaran. Malapit na rin kasi ang lunch break kaya nagugutom na itong kaibigan ko. Pero may isa pa kaming subject na dapat pasukan bago mag-alas dose.

"Ano ka ba, samahan mo na ako please. Saglit lang naman. At saka kanina ka pa parang tamad na tamad diyan. Gumalaw-galaw ka naman. Baka mamaya, hindi ko namamalayan ay hindi ka na pala humihinga riyan," dinig kong sabi ni Shawn.

Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko. Bored ko namang inangat ang ulo ko at inaantok ko siyang tiningnan. Hindi ba obvious sa kanya na wala ako sa mood ngayon? Siguro naman napapansin niya na mula kaninang pumasok ako sa school ay matamlay na ako.

"Ikaw na nga lang. Tinatamad talaga ako ngayon," nababagot kong sabi.

I even gave him a long and weary sigh. Nagtataka niya akong tinitigan. Hindi na rin ako magtataka kung kanina pa niya napapansin ang kinikilos ko ngayong araw. Ako naman ngayon ang nagtaka nang kapain niya bigla ang noo at leeg ko.

"Hindi ka mainit, wala ka rin namang lagnat. Ano'ng nangyari sa 'yo?"

I sighed. Niyakap ko lang din ang braso niya at sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Mabigat lang ng pakiramdam ko ngayon. Parang wala akong ganang kumilos. Tinatamad na naman siguro ako."

Dahil ba sa masakit pa rin ang nasa pagitan ng hita ko? Ayaw pa sana nila Captain na pumasok ako para raw makapagpahinga ako pero naisip ko na lang na pumasok kaysa manatili sa bahay dahil wala naman akong gagawin doon.

Pero ngayon nagsisisi na ako kung bakit hindi ko sinunod ang sinabi ni Captain na huwag na muna akong pumasok ngayon. Eh 'di sana nakahilata ako sa malambot kong kama at bumawi sa tulog para at least nakapagpahinga ang katawan kong ito. Gosh, it still hurts down there.

"May nangyari ba? Baka may ginagawa ka na hindi mo sinasabi sa akin!" mahina ngunit may diin niyang sabi.

Hindi ako sumagot at napapikit na lang ako ng mata. Masyado na ring private 'yon kung sasabihin ko pa kay Shawn na wala na ang Bataan ko at ang kambal ang nakakuha no'n. Mag pagka-tsismoso pa naman ang isang 'to. Bawat detalye ay gusto niyang malaman.

Sa susunod ko na lang siguro sasabihin sa kanya ang mga nangyari sa 'min ng Hellion Twins kapag nagkaroon na ako ng lakas na loob na mag kuwento.

"Dumilat ka riyan, umayos ka rin ng upo. Papalapit si Nicolai sa direksyon natin," bulong ni Shawn kaya mabilis akong napamulat ng mata.

Nakita ko si Nicolai na pumasok sa room namin at malawak siyang nakangiti sa akin. Ang mga kaklase ko namang babae ay napapatingin sa kanya at sa akin.

Alam nilang lahat na naging boyfriend ko siya at alam na alam din nilang lahat na ex boyfriend ko na si Nicolai. Ngayon ko lang din napansin na may hawak siyang bouquet of flowers na paborito ko.

"Hi," nakangiting bati ni Nicolai sa akin.

"Flowers for you nga pala." Inabot niya sa akin ang bulaklak.

Ilang segundo ko pa siyang tinititigan at doon sa hawak niyang bulaklak. Kung hindi lang ako siniko ni Shawn ay hindi pa ako matatauhan. Kahit nahihiya at nagtataka ay kinuha ko pa rin ang bouquet of flowers.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon