18

55.1K 1.4K 116
                                    

Harmony Erdenay's

Tapos na ang outing namin sa Lilura Isla kaya lahat kami ay naghahanda na sa pag-uwi namin ngayon. Hindi ko rin kinakausap si Captain dahil sa nasaksihan ko sa yate nila.

Isang araw ko na ring hindi kinakausap si Captain dahil hanggang ngayon ay na-shock pa rin ako sa nangyari, lalo na sa ginawang paghalik ni Andrea sa kanya.

Naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko. Bakit ako naiinis at parang nagseselos? Bakit parang gusto kong ipagdamot ang Hellion Twins? Bakit parang gusto ko na akin lang sila? Na ako lang dapat ang babae sa buhay nila? Nahuhulog na ba ako sa kanila?

"Mi amor? Bakit diyan ka sasakay?"

Narinig ko si Captain pero hindi ako sumagot. Nauna na rin akong sumakay sa sasakyan at dito ako sa Van nina Ninang Aeliana sasabay ngayon.

Didiretso na rin kami sa paliparan para ihatid sina Mommy. Kailangan na raw kasi nilang bumalik sa New York. Napauwi lang naman daw sila rito sa bansa para i-celebrate ang friendship anniversary nila ni ninang.

Sa susunod ay uuwi rin naman sila para makapag-bonding ulit kami. Sa ngayon ay kailangan na muna nilang bumalik sa New York dahil naghihintay sa kanila ang trabaho nila. Naiintindihan ko naman sila, mahalaga sa kanila ang trabaho nila. Hindi nila puwedeng pabayaan 'yon dahil iyon ang bumubuhay sa amin.

"Hindi ka ba sasabay sa amin, my love?"

I nodded. "Ihahatid pa namin sina Mommy sa airport."

Si Laito lang ang kinakausap ko pero malimit lang din akong magsalita sa tuwing kinakausap niya ako.

Minsan naman ay ako na mismo ang umiiwas para hindi na nila ako kausapin. Gulong-gulo na ang isipan ko pati na rin ang puso ko. Gusto ko ng peace of mind kahit saglit lang kaya iniiwasan ko na muna sila.

Bumuntong-hininga sila at hindi na nila ako kinulit pa. Nagsisakayan na rin ang mga kasama ko at mabilis na lumarga para hindi kami maipit sa traffic.

Tahimik lang ako buong biyahe habang walang kapaguran sa pag-iingay ang mga kasama ko. Ipinaliwanag na rin sa akin ni Captain noong gabing 'yon kung bakit siya hinalikan ni Andrea at kung bakit sila nag-uusap.

Nalaman ko na matagal na palang baliw na baliw ang babaeng 'yon kay Captain. Pinagsisiksikan niya ang sarili niya kahit ayaw ni Captain sa kanya. Pinatalsik na rin nila si Andrea sa trabaho.

Pero dahil gulong-gulo ang puso ko kaya mas pinili ko na lang na iwasan at huwag munang pansinin si Captain Liam. Dumating na nga yata ang higit na kinakatakutan ko.

Tuluyan na nga bang nahulog ang loob ko sa kambal? Kaya ba ako nagseselos? Pero bakit ang bilis naman yata? May nararamdaman na rin ba ako sa kanila kaya ako nagkakaganito?

Kung hindi pa nagsalita si Laito that time at hindi kami napansin ni Captain ay baka siguro hindi pa niya itutulak palayo si Andrea. Pero nakikita ko na hindi interesado si Captain sa babaeng 'yon.

I sighed. Pinikit ko na lang din ang aking mata. Parang kailangan ko ng taong makakausap ngayon upang malinawan ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

At sa tingin ko ay si Shawn lang ang maaaring makatulong sa problema kong ito. Magaling magbigay ng payo ang best friend kong 'yon. Siya talaga ang takbuhan at nilalapitan ko kapag may problema ako.

"Ate Harmony? May problema ka po ba?"

Napamulat ako at tumingin kay Liliana na siyang nakaupo sa tabi ko. Nagtataka siyang nakatingin sa mukha ko. Ngumiti ako at umiling.

"Napagod lang siguro ako." I lied.

Hindi ko gusto na magsinungaling sa bata. Masyado pa siyang bata at baka hindi lang niya maintindihan kung sakaling sabihin ko sa kanya kung bakit ako nagkakaganito.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon