44

40.8K 1.1K 318
                                    

Third Person's

Marahas na bumuntong-hininga si Captain at inis na napahilamos sa kanyang mukha. Gano'n lang din ang ginawa ng kakambal niyang si Laito. Pinangunahan na naman sila ng selos at galit kaya kung ano-anong paratang ang nasabi nila kay Harmony. Pinaghinalaan at inakusahan nila ito na nakikipagkita sa ibang lalaki.

'Putangina!' agresibong pagmura ni Liam sa kanyang isipan. This is the biggest mistake they have ever made.

Bakit ba kasi hindi man lang nagsabi ang dalaga sa kanila na pupunta ito sa Lothaire University. Mabilis pa namang umandar ang pagiging possessive nila kay Harmony. Talagang seloso sila at matindi ang pagkaka-obsessed nila sa dalaga. Mabilis silang atakihin ng matinding selos kapag may ibang lalaki lang itong kausap.

Gusto rin nilang suntukin ang kanilang sarili dahil sa paghihinala nila sa dalaga. Hindi na sila magtataka kung magtanim ng sama ng loob si Harmony sa kanila. Nasaktan nila ang damdamin nito at kasalanan nila iyon.

Seryosong tiningnan ni Laito si Beatrice. "Sigurado ka ba na tama ang nakita ng kaibigan mo?" tanong niya rito.

Si Beatrice ang nagbalita sa kanila na may kasamang ibang lalaki si Harmony. Si Beatrice rin ang nagpadala sa kanila ng picture at mismong kaibigan daw nito ang nakakita na naroon ang dalaga sa Lothaire University, kasama ang Captain ng basketball team ng Lothaire Hawks na si Rhys Salas.

Nagalit sila agad at hindi na napigilan ang sarili nilang emosyon. Kalaban nila ang Lothaire Hawks at sila rin ang makakalaban nila sa grand finals.

Inakala nilang niloloko sila ni Harmony kaya nagpadala sila sa bugso ng damdamin nila. Natakot sila na baka mawala ang dalaga sa kanila at naghahanap na ito ng iba.

"Oo, Laito. Talagang nakita sila ng kaibigan ko. Kitang-kita naman sa mga kuhang picture ang mga ebidensya, 'di ba?" sagot ni Beatrice sa kanila na halatang naninindigan.

"Siguraduhin mo lang na tama ang pinagsasabi mo sa 'min. Dahil once na malaman naming nagsisinungaling ka, alam mo na kung saan ka pupulutin kasama ang kaibigan mo," malamig na pagbabanta ni Liam sa babae.

Namutla si Beatrice sa narinig niya at nakaramdam siya ng matinding takot. Kilala niya ang Hellion Twins. Walang sinasanto ang mga ito. Kahit babae ay binibigyan nila ng mabigat na parusa lalo na sa mga nagkasala sa kanila.

Paano na nga lang kung malaman ng kambal na nagsisinungaling lang siya at si Harmony ang nagsasabi ng totoo?

Paano kung malaman nila na wala naman talaga siyang kaibigan sa Lothaire University at siya lang mismo ang nagmanman kay Harmony? Iniisip pa lang niya ang mga 'yon ay alam niyang may kalalagyan siya. Masamang magalit ang sikat na Hellion Twins.

Gusto lang naman niya na masira si Harmony sa kambal. Kaya naman sinundan niya si Harmony kung saan ito nagpunta. Nagsinungaling siya sa security guard na kasama siya ni Harmony kaya siya nakapasok sa loob ng Lothaire University.

Saktong may kausap na ibang lalaki si Harmony kaya palihim niya itong kinuhanan ng litrato. Ginamit niya ang pagkakataon na 'yon upang siraan si Harmony sa Hellion Twins. Gusto lang naman niyang ipaghiganti ang Ate Andrea niya na ngayon ay nakakulong pa rin sa bilangguan dahil sa ginawa nito sa bahay ni Harmony.

Gusto rin niyang magalit ang kambal kay Harmony at magkaroon ng lamat kung ano man ang relasyon na meron ang mga ito. Alam at nararamdaman naman ng lahat na nagbago na talaga ang Hellion Twins.

Hindi na sila tulad ng dati. Si Harmony lang ang palagi nilang kasama at hindi na rin sila tumitingin sa iba kahit na seksi pa ito o maganda. Kitang-kita nila ang malaking pagbabago ng sikat na kambal at kay Harmony lang palagi nakapukaw ang kanilang oras at atensiyon.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon