20

55.8K 1.4K 191
                                    

Third Person's


Magkasalubong na ang dalawang kilay ni Liam habang nagdi-dribble siya ng bola. Nasa harapan niya si Alix na isang center sa kanilang basketball team at pilit bina-block ang kanyang daan para hindi siya makalapit o maka-shoot sa basket.

Kasalukuyan din silang lahat na nasa gymnasium at kapwa nagpapakapagod mag-practice ng basketball, ngunit ang isip ni Liam ay lumilipad papunta kay Harmony. Kahit saan man siya magpunta o kahit ano'ng ginagawa niya ay si Harmony pa rin ang laman ng kanyang isipan.

Ni hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit binabalot ng kaba ang puso niya. Pakiramdam niya ay parang may masamang nangyayari at hindi naman niya mawari kung ano 'yon.

Marahas na bumuntong-hininga si Liam at ginamit agad ang kanyang technique sa tuwing naglalaro sila ng basketball. Mabilis lang siyang nakawala sa harapan ni Alix kahit na mas matangkad ito sa kanya.

Nang makakuha siya ng tiyempo ay hinagis na niya ang bola papunta sa basket. Nagpalakpakan naman ang kanyang mga team nang maka-shoot ulit siya.

"Time out na muna!" hinihingal na sigaw ni Perston at napahiga na lang ito sa lapag dahil sa sobrang pagod.

Wala silang kapahinga-pahinga at diretso ang oras na nilaan nila sa pagpa-practice ng basketball. Nalalapit na rin kasi ang grand finals ng laro nila at kailangan nilang matalo ang kanilang kalaban na taga-ibang school.

Hindi nila pwedeng madala sa kahihiyan ang pangalan ng kanilang school lalo pa't dadayo ang mga kalaban sa eskwelahan nila para sa darating na grand finals, kaya naman todo praktis sila at para na rin mapaghandaan ang darating na championship.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo? Kanina ka pa nakakunot-noo," nagtatakang tanong ni Alix sa kanya.

Naupo sila sa bench at mabilis na uminom ng tubig. Kapwa hinahabol nila ang kanilang mga hininga at halos naliligo na rin sila sa kanilang mga pawis.

"Tingnan mo naman itong si Laito, parang pasan na rin niya yata ang problema sa buong mundo," natatawa namang turan ni Remus sa kanila.

Sabay-sabay naman silang napatingin kay Laito at magkasalubong din ang dalawa nitong kilay. Malayo ang tingin habang umiinom ng tubig.

"Ang lakas talaga ng tama ninyo kay Harmony, 'no?" sambit naman ni Ace at bahagyang tumawa. Natawa rin ang ilan sa kanila at alam naman nilang lahat na tanging si Harmony lang ang magiging dahilan kung bakit ganito kalukot ang mukha ng kambal.

"I don't know, but it looks like something bad is happening right now. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na ewan," naguguluhan na saad ni Liam sa kanyang mga kaibigan.

Bigla na lang siyang hindi mapakali at gan'on din ang nararamdaman ni Laito. Hindi nila maintindihan kung bakit bigla na lamang sila sinaklob ng matinding kaba o takot. Bigla na lang din nila naisip si Harmony kaya mas lalo silang nakadama ng kaba. Halos hindi na tuloy sila makapagpokus sa practice nila sa kaiisip sa dalaga.

"Baka naman namimiss niyo lang siya kaya kayo nagkakaganyan," turan ni Tyrell sa kanilang dalawa pero sabay na napailing ng ulo si Liam at Laito.

Oo, namimiss na nga nila ang dalaga. Namimiss na nila itong makasama dahil halos nasa tabi lang nila ito at hindi sila umaalis. Buong araw nga lang nilang hindi nakasama si Harmony dahil sa kinailangan nilang mag-praktis ngayon, pero hinahanap-hanap na nila ang presensiya niya. Ngunit iba ang nararamdaman nila ngayon. Pakiramdam nila ay mas masamang nangyayari.

"Do you think she's ran away?" kunot noong katanungan bigla ni Laito sa kakambal niya.

Liam shook his head. "No, she's not. Hindi siya makakatakas sa atin, Laito. I will not let her get away from us."

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon