43

39.7K 1.2K 174
                                    

Harmony Erdenay's


LOTHAIRE UNIVERSITY. 'Yon ang nakasulat sa itaas ng school gate nang basahin ko 'yon. Ngayon lang ako nakapunta sa dating school nina Daddy. Hindi ko akalain na maganda rin pala ang dating school ng magulang ko noong college pa lang sila.

May malalaki ring building at mula rito sa pwesto ko ay natatanaw ko na may malawak pang soccer field.

Marami rin akong nakitang mga estudyante na palakad-lakad. Bumuga ako ng hangin bago ako lumapit sa security guard na nasa guard house. Sinabi ko sa kanya kung bakit ako narito kaya naman mabilis lang niya akong pinapasok sa loob.

At dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa school na ito ay nagpahatid na lang ako kay manong guard papunta sa gym dahil sinabi ni Dad sa akin na doon daw gaganapin ang picture taking na 'yan.

Hindi ko na rin pinagtuonan ng pansin ang mga estudyanteng napapatingin sa gawi ko. Nagtataka sila kung sino ako at nagbubulungan pa sila. Nagpasalamat naman ako kay manong nang madala niya ako roon.

Pumasok ako sa loob at pansin ko agad ang malawak na gymnasium ng Lothaire University. May mga bench din, pero masasabi kong mas malawak pa rin ang gymnasium sa Osiris. Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid. Ako lang ang bukod tanging tao rito. Nasaan ang iba? Akala ko ba ay may picture taking na magaganap?

"Who are you?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking gwapo at matangkad na may hawak na bola.

May kaputian ang kanyang kutis at mahaba ang pilikmata. Nakasuot din siya ng basketball jersey jacket. Bakas ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Nandito ako para raw sa taking picture kasama ang mga basketball player ng Lothaire University. Ako kasi ang kinuhang substitute ng Daddy ko," sagot ko.

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya pero pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Taga Osiris Hellion Academy ka." Nakatingin siya sa suot kong school I.D.

Tiningnan ko naman ang sarili ko. Suot ko pala ang school uniform namin. Kaya siguro pinagtitinginan ako ng mga estudyante kanina at panay ang bulungan nila.

"Uhm, yes. Taga Osiris Hellion Academy nga ako." Peke ko pa siyang nginitian.

"Anyway, sino pala ang Daddy mo? May iilan din kasing mga substitute na pupunta rito." Nagsimula na siyang mag-dribble ng bola kahit na nasa harapan ko pa rin siya.

"Owen Erdenay ang pangalan ng Daddy ko."

Bigla na lang siyang natigil sa pag-dribble ng bola. May problema ba sa sinabi ko? Gulat na gulat kasi ang mukha niya.

"Owen Erdenay? 'Yung dating sikat na MVP noon dito sa Lothaire University?" Nahihimigan ko sa tono niya ang gulat at hindi makapaniwala.

Marahan naman akong tumango sa kanya. Nabitiwan niya bigla ang bola kaya gumulong lang ito palayo sa amin habang ang lalaking ito ay mabilis na lumapit sa gawi ko.

"Hindi ko ine-expect na Daddy mo pala si Sir Owen Erdenay. That's why I see someone familiar to you because his eyes are similar to yours." May sigla sa boses niya.

"I'm his fan, by the way. Usap-usapan sa buong school namin kung gaano siya kahusay sa paglalaro ng basketball. Siya ang role model ko sa lahat ng mga naging basketball players dito sa Lothaire University." nakangiti pa niyang dagdag.

Mas gwapo pala siya kapag nakangiti, pero wala pa ring makakatalo sa pagiging mala-adonis nina Captain. Ang kambal pa rin ang mananatiling gwapo sa paningin ko.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon