41: 🔞

51.2K 1.3K 163
                                    

Harmony Erdenay's


Madilim na sa labas nang magising ako. Wala rin akong naabutan na Hellion Twins sa tabi ko. Napahaba-haba pa yata ang tulog ko. Kinapa ko ang sarili kong noo at leeg. Medyo mainit-init pa rin ako at may kataasan pa ang lagnat ko, pero hindi na masakit ang ulo at katawan ko.

Sinubukan kong bumangon, success naman kahit na nahihilo pa rin ako ng kaunti. Dahil nakabukas ng bahagya ang zipper ng tent ko ay malaya kong nakikita ang mga nasa labas. May mga estudyanteng kumakain at meron namang nakatambay lang. Nagsindi ulit sila ng campfire kaya nagbibigay 'yon ng liwanag sa paligid kahit gabi na.

Pero hindi lang 'yon ang napansin ko.

Naningkit ang dalawa kong mata para tingnan nang mabuti kung sino ang nakikita ko. Alam kong si Captain 'yon at hindi ako pwedeng magkamali. Rebulto pa lang ng katawan niya ay kilala ko na agad pero bakit magkausap silang dalawa ni Doc Amanda?

Mas naningkit lalo ang dalawa kong mata nang hawakan ni Doc Amanda ang braso ni Captain. Hinaplos niya 'yon at pinisil pa. Bakit may pahawak-hawak pa siyang nalalaman?

Samantalang itong si Captain ay walang pakialam. Malamig lang siyang nakatingin kay Doktora at agad na inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.

Mukhang napansin ni Captain na may nakatingin sa kanya kaya naman luminga-linga siya hanggang sa magtama ang aming mga mata.

Bumuka ang kanyang bibig na tila may sinasabi siya kay Doc Amanda at walang lingon-lingon siyang umalis doon.

Hindi rin niya inaalis ang kanyang pagkakatingin sa akin habang naglalakad siya palapit dito sa tent ko. Namalayan ko na lang na nakapasok na siya at nasa harapan ko na siya ngayon.

"Buti naman ay gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin. Sinarado niya muna ang zipper ng tent bago siya naupo sa tabi ko.

"Medyo masama pa ang pakiramdam ko."

Pinanood ko lang siya nang kapain niya ang noo at leeg ko para i-check kung may lagnat pa ba ako o wala. He sighed when he realized I still had a fever.

"May lagnat ka pa," aniya. "Matatapos na si Laito sa niluluto niya at makakain ka na rin ng hapunan bago ka uminom ulit ng gamot mo."

"Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Doc Amanda?" Hindi ko napigilan na magtanong.

Wala naman sigurong masama kung itatanong ko 'yon sa kanya, 'di ba? Depende na 'yon sa kanya kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. Curious lang talaga ako kung bakit magkausap silang dalawa at ang Doktora na 'yon ay may pahawak-hawak pa sa braso niya. Halatang nananatsing lang kay Captain.

"She was just saying sorry. She also apologizes for what she said to you earlier. Hindi na raw uulitin ni Doc Amanda ang inasal niya sa 'yo kanina."

Tumaas ang isa kong kilay. Really?

"Talaga lang, ha? Nagso-sorry si Doktora? Bakit hindi siya mismo nag-sorry sa 'kin kung talagang sincere siya sa paghingi ng sorry."

Kumunot pa ang noo ko. Kung talagang sinsero si Doc Amanda sa paghingi ng sorry at kung gusto talaga niyang humingi ng sorry sa ginawa niya, pwes dapat sa akin siya humingi ng sorry ngayon dahil sa akin lang naman niya pinakita kaninang umaga ang pangit niyang ugali.

"May paghawak pa siya sa braso mo," bulong ko pa dahil sa inis.

Mukhang malakas ang pandinig ni Captain dahil halata kong arinig niya ang binulong ko. Nginisian niya ako ng malawak. Isang ngisi na nakakaloko kaya mas lalo lang akong nainis.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon