12

63.4K 1.7K 355
                                    

Harmony Erdenay's


Matapos papakin ni Laito ang labi, leeg at balikat ko ay agad din siyang naligo pero hindi muna niya ako pinaalis sa kuwarto niya at hintayin ko raw siyang matapos.

Habang hinihintay ko siyang matapos ay nilibot ko muna ang sarili ko sa buong kuwarto ni Laito upang malibang ko ang sarili ko at hindi ako ma-bored sa paghihintay sa kanya. Malinis din si Laito sa kanyang kuwarto. Naka-organize rin ang mga gamit niya.

Amoy na amoy ko ang pabango ni Laito sa kuwartong ito. Black and white ang interior design ng kwarto niya. Elegante rin tingnan kagaya kay Captain.

Kung si Captain Liam ay mahilig sa mga libro, si Laito naman ay kapansin-pansin agad ang mga CD's collection niya.

Tiningnan ko ang mga 'yon at puro mga movies lang. Ang iba ay mga kanta pero bakit ang ibang mga CD's ay puro plain lang ang lagayan nila? Wala man lang picture. Hindi ko tuloy malaman kung ano'ng movie ito o kung kanta ba 'to.

"My love? Baka ibang CD ang makita mo riyan."

Nilingon ko si Laito na biglang nagsalita. Nakangisi siya habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok. Kakatapos lang niyang maligo at tanging tuwalya lang din ang nakapulupot sa beywang niya. Napalunok na lang tuloy ako sa taglay niyang kaseksihan.

He really has a muscular body. His shoulders are broad and he has a massive chest. Dumako ang tingin ko sa ibabang puson niya. Bakat ang malaki niyang umbok dahil sa tuwalya lang ang nagtatakip sa kalahati ng kanyang katawan.

Bago ko pa mapagnasaan ang yummy at hot niyang katawan ay agad na akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Ibang CD? Bakit? Ano ba itong mga CD's na walang picture sa lagayan?" tanong ko at tinuro 'yung isang CD na wala man lang picture. Plain white lang ito kaya hindi ko agad masabi kung movie ba ito o ano.

"That's a porn CD, my love."

Porn CD pala ang iba sa mga collection niya? Kaya pala walang picture sa lagayan.

"Koleksyon mo ang mga 'to?"

Lumapit siya sa akin. Nalalanghap ko na rin ang mabangong sabon na ginamit niya sa kanyang katawan. Nakakatulala masyado ang kakisigan niya. At isa pa, agaw pansin din sa akin ang tattoo niya.

'Yung butil ng tubig ay tumutulo pa pababa sa kanyang tiyan kaya malaya ko na naman siyang namamanyak sa aking isipan. Kung ganito lang kasarap ang pandesal na matitikman ko, siguro araw-araw kong titikman 'to.

"Parang gano'n na nga. I only watch that when I'm bored, especially kapag gusto kong magpainit," sagot niya. 'Pero dahil nandito ka na at dumating ka sa buhay namin, siguro naman ay tutulungan mo akong magpainit?"

He grinned mischievously. Umiwas na lang ako ng tingin pero ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"Ang landi mo. Magbihis ka na nga. Baka kanina pa sila naghihintay sa atin at baka mainip na rin sila."

Tumawa siya pero sinunod niya ang sinabi ko. Pero siyempre, humalik pa muna siya sa labi ko pati na rin sa tuktok ng ulo ko bago niya ako talikuran. Gamit ang gilid ng mata ko ay napansin kong pumasok siya sa walk-in closet niya para doon magbihis.

Napapaypay na lang ako sa sarili ko gamit ang aking kamay kahit na nakasindi naman ang aircon dito.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay natapos na rin si Laito. Sabay kaming dalawa na lumabas sa kwarto niya at dumiretso na kami sa ibaba.

Hindi namin nakita ang mga kasama namin sa sala kaya nagtungo kami sa kusina. Naabutan namin silang lahat doon na nagsisimula ng mag-almusal.

Mukhang hindi na nila kami hinintay pa. Ang tagal kasi nitong si Laito. Ang tagal pa niyang tikman at papakin ang leeg ko.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon