33

53.3K 1.3K 298
                                    

Harmony Erdenay's


10 a.m na nang tingnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Nakabukas ang kurtina sa bintana kaya nasisilayan kong bumubuhos pa rin ang ulan sa labas pero hindi na ito gaanong kalakas hindi katulad kagabi. Babangon na sana ako nang mapansin kong may dalawang poging nilalang ang nakayakap sa akin.

Walang iba kundi ang Hellion Twins. Kulang na lang ay maipit nilang akong dalawa, pero mabuti na lang ay nakakahinga pa ako kahit papaano. Pinaggigitnaan pa naman nila ako at bukod sa malaki silang tao ay maskulado pa sila kaya talagang mabigat ang kambal na 'to.

Napasarap ang tulog namin dahil malamig ngayon. At isa pa, napuyat din kaming tatlo dahil sa digmaang naganap kagabi. Hindi nila ako tinigilan at naka-ilang rounds din kami hanggang sa inabot na kami ng madaling araw.

Hindi ko kinaya ang stamina nilang dalawa. Hindi sila titigil hangga't may natitira pa silang lakas. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kumikirot na naman ang aking pechay na walang sawa nilang dinidiligan. Hayok talaga sila magpaligaya, walang tigil at wala ring kapaguran.

Maingat kong tinanggal ang kamay nilang nakayakap sa 'kin. Hindi sila nagising kaya dahan-dahan na akong bumangon sa kama. Dumiretso ako sa banyo kahit na wala akong suot na saplot.

Naligo muna ako para mapreskuhan ang katawan ko. After ng ilang minutong pagbabad sa shower ay sinuot ko na agad ang natuyo kong undergarments na nilabahan ko kagabi. Mabuti na lang ay natuyo na ito agad dahil sa dryer.

Lumabas ako sa banyo at naabutan kong mahimbing pa ring natutulog ang kambal. Tumungo ako sa walk-in closet nil para pumili ng isusuot na damit. Boxer shorts at itim na t-shirt ang sinuot ko na halos maging daster ko na dahil sa laki nito. Malaking tao sina Captain, kaya malaki rin itong mga damit nila.

Nagsuklay na rin ako at nag-ayos lang kaunti. Paglabas ko sa walk-in closet ay gising na si Captain. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya ngumiti ng matamis. Nginitian ko rin siya at lumapit sa kanya. Agad niyang hinapit ang beywang ko at paharap niya akong pinaupo sa kanyang kandungan.

"Ang ganda mo namang dilag, kaya ako'y in love..." mala-mais niyang banat na nagpabungisngis sa akin.

"Good morning, mi amor." nakangiti niyang bati. Humalik ako sa labi niya dahilan para lalong lumawak ang pagkakangiti niya.

"Good morning din, Captain."

Masuyo niyang hinaplos ang mukha ko. Nakakatuwa lang dahil ramdam kong masaya siya habang nakatitig sa aking mukha. Kitang-kita ko rin kung paano mangislap ang mga mata niya.

"Bakit naligo ka na agad? Mas maganda kung sabay tayong maliligo," aniya na nagpataas sa isa kong kilay.

"Talaga lang, ha? Maliligo lang? Huwag ako, kabisado ko na ang takbo ng utak ninyo ni Laito."

Nakakabisado ko na ang takbo ng utak ng Hellion Twins. Lalambingin nila ako tapos may iba na pala silang balak sa akin. Tulad ng ginawa ni Laito sa akin kagabi.

Napahalakhak siya. "Bakit, mi amor? Gusto mo bang may iba tayong gawin habang naliligo tayo? 'Yung masarap na magpapahiyaw sa 'yo?" maloko niyang tanong at nginisian ako.

Mahina ko siyang hinampas sa matigas niyang braso kaya natawa siya ulit. Dahil sa pagtawa ni Captain ay nagising namin si Laito. Ngumiti rin siya nang makita niya ako.

"Wala ba man lang akong good morning kiss diyan, my love?" malambing niyang tanong at ngumuso pa.

Tinawanan ko siya at siyempre hindi ako madamot kaya pinagbigyan ko siya sa good morning kiss na gusto niya. Smack kiss lang 'yon pero halos mapunit na ang labi niya sa lapad ng kanyang ngiti.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon