16: 🔞

66.1K 1.6K 119
                                    

Harmony Erdenay's


Nagkayayaan na lang silang mag-inuman kaya natapos na rin ang kalokohan ng truth or dare na 'yan. Inaantok na rin ang ilan sa amin kaya nagpasya na ang iba na pumasok na sa loob para matulog at makapagpahinga na.

Pati ako ay naisipan ko na rin magpahinga na pagkatapos akong painumin ng ilang baso ng alak nina Ninang Aeliana. Ang lalakas nilang uminom alak. Nakakatatlong shot pa lang ako pero nakaramdam na ako agad ng hilo.

Iniwan ko na silang lahat doon. Hindi na rin ako nakapagpaalam kina Mom dahil dire-diretsong na akong pumasok sa loob ng rest house. Natawa pa ako nang makita ko ang ilan sa mga kasambahay na nakatulog na sa sala. Mukhang hindi na nila nakayanan na makarating sa mga kwarto nila.

Umakyat na ako at nagtungo na sa kwarto namin. Pinatay ko na rin ang ilaw sa kisame at tanging lampshade lang ang iniwan kong nakasinding ilaw. Ibinagsak ko lang ang katawan sa kama.

Niyakap ko ang unan na sobrang lambot at pumikit para makatulog na, pero mabilis akong napamulat ng mata nang marinig kong ang pagbukas-sarado ng pintuan kasabay ang pag-lock nito.

Nakita ko si Laito na pumasok na rin dito sa kwarto namin. Nginitian niya ako at humiga sa aking tabi. 'Yung ngiti niya ay parang may binabalak na gustong gawin kaya hindi ko maiwasang taasan siya ng isa kong kilay.

"Nalasing ka ba nila?" 'Yon ang una niyang tanong sa akin. Pinatong niya pa ang kanyang mabigat na hita sa legs ko para hindi ako makawala sa kanya.

"Hindi naman, medyo nahilo lang ako."

Hindi na siya nagtanong at tinitigan lang niya ako. Nakatungkod ang isa niyang siko sa kama para mas makita niya ako ng maayos habang ang isa naman niyang kamay ay marahang humahaplos sa aking pisngi.

Lakas loob kong sinalubong ang maganda niyang mata na mariin kung tumingin sa akin. Nakakapanghina ang titig niya, parang pati kaluluwa ko ay nakikita na niya. Tumatagos hanggang sa buto ko ang mainit niyang titig, para akong mapapaso.

"Please stop staring at me like that," natatawa kong pakiusap sa kanya. Natawa lang din siya at saglit na hinalikan ang aking labi.

"You are so beautiful that I can't stop myself from staring at you, my love. You look attractive and hot. I will never get tired of staring at you, and I will never get tired of kissing your soft lips."

Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili na huwag kiligin. Napapangiti talaga niya ako sa mga banat niya, nagwawala ang puso ko kapag nandito lang sa tabi ko ang Hellion Twins.

Presensiya pa lang nilang dalawa ay natataranta na ako agad. Niyakap ko na lang siya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang mabangong leeg. Inamoy-amoy ko pa talaga ang pabango niya na talagang gustong-gusto ng pang-amoy ko.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko sa 'yo kanina sa truth or dare." May pagtatampo sa tono niya. Inalis ko ang mukha ko sa leeg niya upang tingnan siya.

"Pero nag-pass ako at ininom ko pa 'yung alak kanina." Natawa siya sa sagot ko.

Hindi ko naman napigilan na umangat ang kamay ko para haplusin ang kanyang pisngi. Grabe, napaka-gwapo niyang nilalang. Talagang nasa lahi ng mga Hellion ang pagiging magaganda't gwapo.

"Gusto ko lang naman malaman kung sino sa amin ni Liam ang masarap humalik," parang bata niyang sabi na ikinatawa ko.

Sinundot-sundot ko pa ang malalim niyang dimples na nakakadagdag lalo sa karisma niya.

"Parehas lang naman kayo ni Captain na masarap humalik," pag-amin ko na hindi pinuputol ang pagkakatingin sa mata niyang turkesang asul.

"Pero kung papipiliin ka, sino sa amin ni Liam ang pipiliin mo na masarap humalik?" Nagtataas-baba pa ang dalawa niyang kilay.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon