15

64.6K 1.5K 192
                                    

Harmony Erdenay's


Umahon na kami ni Captain Liam nang matapos naming gawin ang masarap na kiskisan. Ang ganda nga ng audience naming dalawa ni Captain eh, puro mga isda. Buti na lang ay walang nakakita sa ginawa naming milagro dahil pribado ang isla na ito at nasa loob na rin ng resthouse ang mga kasama namin.

Nakita ko naman si Laito na naglalakad palapit sa 'min at may hawak siyang tuwalya. Malaki ang pagkakangisi niya sa amin ni Captain. 'Yung ngisi na may halong nakakaloko at tila may alam siya kung bakit natagalan kaming umahon nitong kakambal niya.

"Kumusta? Bakit ang tagal niyo yatang dalawa na umahon? Kanina pa nila kayo hinahanap," sabi niya pero hindi mawala-wala ang ngisi niya. Ipinulupot niya sa aking katawan ang tuwalya at inakbayan ako bago kami nagtungo sa loob.

"Tinuruan ko lang lumangoy si mi amor."

Tumaas ang isang kilay ni Laito.

"Tinuruan lang ba?" tanong niya at tumingin sa 'kin. "O baka may iba pang matinding naganap?"

Pinamulahan ako ng mukha at umiwas ng tingin sa kanya dahil baka asarin lang niya ako. Mukhang may nalalaman nga talaga ang isang 'to tungkol sa ginawa namin ni Captain kanina sa malaking bato.

Malamang ay kilala nilang dalawa ang isa't-isa, kambal sila eh. Magkasama sila sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina sa loob ng siyam na buwan. Magkasama at sabay pa silang lumaki kaya tiyak na kilalang-kilala nila ang isa't-isa. Alam din nila ang takbo ng kanilang utak.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko sina Mommy na naghahanda na ng hapunan namin at mukhang balak nilang sa veranda kami kakain ngayong gabi. Natatakam na rin ako dahil ang dami na nilang inihahandang pagkain.

Dumiretso na ako sa kuwarto namin at agad naghalungkat ng isusuot na damit bago ako pumasok sa loob ng banyo para makapagbanlaw na. Hindi naman ako nagtagal sa banyo, natapos din ako at mabilis na nagbihis ng damit.

Kaunting ayos sa sarili bago ako bumaba ulit para tulungan sina Mommy at Ninang Aeliana sa pag-aasikaso sa mga pagkain namin.

As usual, maiingay pa rin sila at wala silang kapaguran sa pagkukwentuhan. Parang hindi na sila nauubusan ng kwento. Pati ang mga katulong ay nakisali na rin at marami rin silang naikuwento tungkol sa mga buhay-buhay nila.

Si Laito naman ay hinatak na ako paupo sa kanyang tabi. Nasa kaliwa ko siya habang naupo naman sa kanan ko si Captain Liam na nakapagpalit na rin ng damit. Siguro ay ginamit niya ang banyo na malapit sa kusina at hindi na lang siya sumabay sa akin sa pagbanlaw para siguro hindi makahalata ang magulang namin na may ginagawa kaming milagro.

Kumain lang kami habang nag-uusap usap silang lahat. Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila dahil nagugutom na talaga ako pero nakikinig lang ako sa kanila.

Napapangiti pa ako sa tuwing pinaghihimay ako nitong si Laito ng seafoods tulad ng hipon. Todo asikaso itong kambal sa akin. Pinupuno rin nila ng pagkain ang plato ko.

Pero infairness, ang sarap nitong niluto nilang mga pagkain kaya mas lalo akong natakam. Mukhang mapaparami ang kain ko nito ngayong gabi. Lalabas yata ang pagiging matakaw ko nito.

Of course, food is my happy pills! This is my favorite thing to do in this world. Eating my favorite foods makes me happy! It is blissful and heaven to me. Pagkain na nga lang ang nagpapasaya sa akin eh, pati na rin ang Hellion Twins na bigla na lang dumating sa buhay ko.

"How about you, Harmony? Ilang lalaki na ba ang nanligaw sa 'yo? Obvious naman na maraming boys ang pumipila para ligawan ka  dahil maganda at seksi ka. Napaka-charming mo ring babae," nakangiting tanong bigla ni Ninang Aeliana sa akin at lahat sila ay nabaling ang kanilang mga atensiyon sa gawi ko.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon