37: 🔞

53.5K 1.3K 138
                                    

Harmony Erdenay's

Nagising ako kinaumagahan na wala na si Captain Liam sa tabi ko. Siguro ay maaga na siyang umalis para walang makakita o makapansin sa kanya na dito sa tent ko siya sa nagpalipas ng gabi. Subalit nag-iwan naman siya ng sticky note.

'Good morning, mi hermoso amor. Sorry kung hindi na kita ginising. I left before anyone saw me in your tent. See you later, gorgeous. I love you!' - Your Captain.

Napangiti na lang ako ng matamis na halos kulang na lang ay mapunit na ang aking labi. 'Yon lang ang nakasulat sa note pero ang ngiti at kilig ko ay abot hanggang langit.

Ang ganda tuloy ng gising ko ngayong umaga habang hawak ko ang iniwang sticky note ni Captain sa akin. Infairness, maganda at malinis ang sulat-kamay niya.

Mabuti ay nakita ko itong nakadikit sa bag ko habang kinukuha ko ang tuwalya at damit na isusuot ko. Para tuloy akong timang na nakangiti habang paulit-ulit kong binabasa 'yung note na iniwan ni Captain sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang minuto ko na itong binabasa pero hindi pa rin mawala-wala ang kilig ko.

Iniling-iling ko ang ulo ko para maka-get over na ako. Nilagay ko 'yung sticky note sa bag ko para may remembrance ako bago ako lumabas sa tent.

It's past six in the morning. Maaga akong gumising ngayon dahil dapat alas otso pa lang ay gising na kaming lahat. May ilang mga estudyante at titser namin ang gising na at nagluluto na sila ng agahan. Pero karamihan pa sa 'min ay mahimbing pa ring natutulog sa mga tent nila.

Talagang magiging masarap ang tulog namin dahil malamig dito at payapa. Isa sa mga dahilan kung bakit maaga akong gumising ay para hindi ako maunahan sa banyo. Tiyak na hahaba ang pila mamaya at mag-uunahan ang mga estudyante na maligo.

Dumiretso na ako sa banyo ng mga babae para makaligo na agad. Marami namang mga public restroom dito sa camping site na sinadya yata talagang ipatayo.

Pero dahil sa dami namin ngayon na estudyanteng nagka-camping, isama pa ang mga titser namin at ibang mga taong nagka-camping din ay hindi malabong may mag-unahan sa paggamit ng banyo mamaya.

Papalapit pa lang ako sa banyo ng mga babae nang makita ko ang paglabas ni Captain sa banyo ng mga lalaki. Magkatabi lang ang banyo ng mga babae sa lalaki. Basa ang kanyang buhok at halatang kakatapos lang niyang maligo.

Meron pang tuwalya na nakasabit sa kanyang balikat. May hawak din siyang isang supot na plastic na sa tingin ko ay naglalaman ng marumi niyang damit.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-eye contact kami. Nagwawala na naman ang puso ko. Ganito ang nararamdaman ko kahit sino sa kanilang dalawa ni Laito.

"Maliligo ka na?" Siya ang unang nagsalita at humakbang palapit sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

Hinapit niya agad ang beywang ko palapit sa kanyang katawan at akma akong hahalikan sa aking labi nang pigilan ko siya na kanyang ipinagtaka. Hindi pa ako nakakapaghilamos at sipilyo, tapos hahalikan niya na ako? May kaunting hiya pa naman ako para sa sarili ko.

Samantalang itong si Captain, nalalanghap na agad ng ilong ko kung gaano siya kabango. Baka nga mamaya ay may tuyong laway pa sa gilid ng labi ko na hindi ko. Sobrang nakakahiya at baka ma-turn off sa akin si Captain.

"There's something wrong?" tanong niya nang mapansin niya ang ginawa ko sa kanyang pag-iwas.

"Galit ka ba sa akin?" Nakakunot na rin ang kanyang noo at bakas sa gwapo niyang mukha ang labis na pagtataka. Nahihimigan ko rin sa tono ng boses niya ang takot.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon