26

64.8K 1.3K 143
                                    

Harmony Erdenay's


Maaga kaming nagising para sa pag-alis namin. Bahagya na ring humupa ang baha at pabugso-bugso na lang ang ulan. Nakatulog ako kagabi na alam kong hubad ang aking katawan, pero paggising ko ay suot ko na ang damit ko at wala ring bahid na dugo ang foam mattress nina Elijah para hindi nila malaman na may ginawa kaming kababalaghan dito kagabi sa sarili nilang bahay.

Napag-alamanan ko rin na ginamit pala ni Captain ang panyo niya para hindi mamantsahan ang bedsheet ng dugo na isang palatandaan na isinuko ko na ang mahal kong Bataan sa Hellion Twins.

Hindi ko akalain na masyado pala silang wild. Hanggang ngayon nga ay pinapamulahan pa rin ako ng mukha dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako lubos makapaniwala na magagawa namin 'yon at sa ibang bahay pa talaga namin ginawa.

Halik at haplos pa nga lang ng kambal ay natutukso na ako agad. Pero hinding-hindi ko magagawang kalimutan ang nangyaring kagabi. Wala rin akong pinagsisisihan na isinuko ko ang sarili ko sa kanilang dalawa. Buong-buo ako nang angkinin nila ako at paninindigan ko itong ginawa ko.

Napabuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng kuwartong tinulugan namin. Ang sakit ng buo kong katawan, lalo na ang ibabang bahagi ko. Dalawang malaking tarugo ba naman ang sumalakay sa akin at unang karanasan ko pa kagabi, kaya tiyak na masakit. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ito at sobrang hapdi ng aking pagkababae.

Naabutan ko sina Captain at Laito na kinakausap si Mang Martin sa sala. Nakaupo sila sa upuan na gawa sa kahoy. May pandesal at mainit na kape rin ang nakalapag sa lamesita.

"Ate Harmony! Kain na po tayo ng almusal," nakangiting aya ni Chase sa akin na siyang unang nakapansin sa paglabas ko.

Ngumiti ako at medyo paika-ika pa akong naglakad dahil masakit pa rin talaga ang pearly shell ko. Buti na lang talaga ay nakayanan ko pang tumayo pero hindi naman maayos ang lakad ko. Sobrang kumikirot at humahapdi talaga ang aking hiyas. Pakiramdam ko ay para akong nasugatan o napilayan.

"Kumain na muna kayo ng almusal bago kayo umalis. Bumili si Elijah nitong pandesal," salita ni Mang Martin.

Nginitian ko siya at nagpasalamat. Tiningnan ko naman ang Hellion Twins. Mariin silang nakatingin sa akin bago bumaba ang ang kanilang tingin sa pagitan ng aking hita.

Nag-init ang buo kong mukha dahil alam ko na alam nila ang dahilan kung bakit ako paika-ikang naglalakad ngayon. Pansin ko namang bigla silang nag-alala.

Masakit talaga itong pagkababae ko dahil talaga namang malaki at mataba ang pagkalalaki nina Captain at Laito. Swak na swak pa silang nakapasok kagabi. Baon at sagad silang sumalakay na halos ikatirik ng aking mata.

Mabuti ay hindi ako nahimatay sa sobrang sarap. Gano'n pala ang pakiramdam n'on, masarap ngunit nakakapanghina naman.

Tumayo si Captain at nilapitan ako. Nahuli kasi akong lumabas ng kwarto dahil inayos ko pa ang pinaggamitan naming kwarto. Dinouble check ko talaga baka sakaling maiwanan namin na may bahid ng dugo wng foam mattress. Buti na lang maagap na naisip ni Captain na ilagay ang panyo niya sa ilalim namin kagabi.

Wala na ang aking pagka-birhen at nakuha na 'yon ng kambal na hayok akong paligayahin. Pasalamat na lang ako dahil walang alam sina Elijah na may nangyari kagabi sa loob ng bahay nila.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Captain sa akin. Mabilis niyang hinalikan ang noo at labi ko. Punong-puno rin ng pag-aalala ang mata niyang nakatingin sa akin.

Tipid akong ngumiti. "Medyo, sumasasakit lang 'yung ano ko..." mahina kong sagot sabay nguso sa pagitan ng hita ko.

Naintindihan naman niya agad kung ano ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya at inalalayan akong makaupo sa tabi nilang dalawa ni Laito bago ako kumain ng agahan.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon