30

53.4K 1.3K 101
                                    

Harmony Erdenay's


Agad akong tumayo nang i-dismissed na ng aming titser ang klase. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil tapos na ang class namin kaya makakauwi na ako. Mabilis ko ring niligpit ang mga nakakalat kong mga gamit sa arm chair at pinaglalagay lang 'yon sa loob ng aking bag. Atat na akong makauwi.

Pero bago pa kami makalabas lahat ng classroom ay narinig namin ang malakas na palakpak ng titser namin.

"By the way, class. Don't forget about your upcoming camping next week," paalala niya sa aming lahat.

"Make sure na wala kayong makakalimutan na mga important things lalo na ang mga nakalista ang mga pangalan sa sasama. Three days and two nights din tayo doon at ang mala-late, for sure maiiwan ng bus. Understood?"

Kanya-kanyang namang sagot ang mga kaklase ko bago sila lahat nagsilabasan ng room. Next week na pala ang camping namin?

I sighed. Magiging boring na naman ang mga araw ko nito. Bakit ba kasi nilista pa nitong mokong kong kaibigan ang pangalan ko sa mga sasama. Imbis na hayahay at nakahilata lang ako sa kama sa loob ng tatlong araw eh. Pasaway talaga kahit kailan si Shawn.

"'Yung camping, ha? Sumama ka para hindi ako mabored doon," paalala nitong si Shawn sa akin.

Ang sarap niyang batukan. Hindi nga siya mabobored dahil nandoon ako pero ako naman ang papatayin sa labis na pagkabagot. Alam naman niyang wala talaga akong kahilig-hilig sa mga outdoor activities na 'yan katulad na lang ng camping.

I took a deep breath. "Oo na," walang gana kong sagot. "As if naman na may choice pa ako."

Ngumiti siya bago kaming dalawa na lumabas sa room. Pero nagtaka ako kung bakit nagbubulungan ang mga estudyante sa labas. Parang may pinagkukumpulan din silang lahat hanggang sa mapadako ang tingin ko sa lalaking naghihintay sa labas ng room namin.

Ano'ng ginagawa ni Laito rito? I mean, parehas lang naman kami ng building department pero sa pagkakaalam ko, sa 7th floor sila naka-room at nasa 5th floor naman itong room namin. Parang kanina pa siya may hinihintay.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang tumingin sa akin si Laito at matamis akong nginitian. Oh sheesh! Nakakatulala talaga ang angkin niyang kagwapuhan. Dagdag pogi points pa sa kanya ang malalim niyang dimples sa magkabila niyang pisngi na talagang gustong-gusto kong masilayan sa tuwing ngingiti siya.

Hindi naman maiwasang magtilian ang mga kababaihan nang makita nila ang pagngiti ng isang Laito Intare Hellion.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Iyon agad ang una kong tinanong nang humakbang siya palapit sa akin.

Ni hindi man lang niya pinansin ang mga babaeng nagpapa-cute sa kanya, samantalang noon ay halos hindi siya magkamayaw sa pag ngiti kapag may nagpapapansin sa kanya.

Kinuha niya bigla ang bag ko at siya na ang nag bitbit nito. Hinawakan din niya ang kamay ko at literal na hinalikan ang likod ng palad ko.

Take note, harap-harapan pa niya iyon ginawa sa mga estudyanteng narito lalo na sa mga fangirls niyang baliw na baliw sa kanya.

May ibang kinilig kasama na itong kaibigan kong si Shawn na wagas kung makangiti. May naiinggit at siyempre may naiinis sa akin. Ang tatalim na naman ng tingin nila sa akin.

Oh, no. Malalagot na ako nito sa mga fans niya. Kailangan ko na yata sigurong magpahukay ng sarili kong libingan bago pa nila gawin sa akin 'yon. Mas mabuting ako na lang ang gagawa kaysa sa mga kamay ng mga fans niya ako malalagutan ng hininga.

Kay Captain pa nga lang ay halos pinapatay na nila ako sa masasama nilang tingin, dito pa kaya kay Laito na talagang kilalang heartthrob sa school namin?

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon