11

69.6K 1.7K 336
                                    

Harmony Erdenay's


Bigla akong naalimpungatan dahil sa mainit na haplos ng kung sinuman sa aking pisngi. Pagmulat ko ay bumungad agad sa akin ang mala-adonis na mukha ni Captain Liam.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang makita niyang nagising ako. Mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan kahit na tulog ko.

"Good morning, mi amor." nakangiti niyang bati at magaan na kinantilan ng halik ang labi ko.

Sumilay rin sa akin ang matamis kong ngiti at wala sa sariling yumapos sa kanya. Ang lamig kasi sa kwarto niya at ang lambot pa ng kama kaya ang sarap ng tulog ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy-amoy ang mabango niyang amoy.

Ano'ng klaseng gayuma ang ginamit sa akin ng Hellion Twins at parang napapanatag na yata talaga ang kalooban ko sa kanila? Imbes na lumayo ako ay mas napapalapit pa ako sa kanila.

Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin at dinampihan niya ng magaan na halik ang aking noo.

"Mag-ready ka na. Gising na silang lahat. Maya-maya lang ay aalis na tayo papunta sa Lilura Isla."

Nakita ko sa wall clock na alas singko na nang umaga. Ngayon na pala ang biyahe namin papunta sa Lilura Isla para sa outing namin. Dahan-dahan akong naupo sa kama at doon ko lang napansin na wala pala akong kahit na anong suot na saplot.

Umupo lang din si Captain sa tabi ko at inayos ang magulo kong buhok. Mabuti na lang ay makapal ang kumot niya at 'yon lang ang tanging nagtatakip sa hubad kong katawan.

"Lumabas ka na muna. Maliligo lang ako," utos ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng isa kilay. "Bakit? Pwede naman na dito na lang kita hintayin? Bakit kailangan ko pang lumabas?"

"Eh wala akong suot na damit. Alangan naman na dumiretso ako sa banyo na nakahubad tapos nandito ka?" nahihiya kong sabi sa kanya. Tumawa siya na parang timang at hinalikan ang balikat ko.

"Why not, mi amor? Ako at si Laito lang naman ang nakakakita sa seksi mong katawan. At isa pa, nakita na rin namin ni Laito 'yan kagabi. Wala kang dapat ikahiya. Masanay ka na dahil panigurado na araw-araw naming makikita 'yan," nakangisi niyang sabi sabay nguso sa pagitan ng hita ko.

Bigla na lang uminit ang magkabila kong pisngi. Feeling ko ay lahat ng red blood cells ko ay umakyat sa buo kong mukha kaya nagmumukha na siguro akong kamatis ngayon sa harapan niya.

Naalala ko ang nangyari kagabi na hindi ko kailanman makakalimutan.

'Yung masarap na pinalasap nilang dalawa ni Laito sa akin na halos magpabaliw sa akin. Hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang ginawa nila sa akin.

Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang bagay na 'yon. Hindi ko lubos maisip na magpapadala ako sa tukso. Eh nakakatukso naman kasi talaga ang ginawa nila sa akin kagabi. Nakakapanghina, nakakawala ng lakas at mas lalong nakakawala rin sa sarili.

"Sige na, umalis ka na muna. Mabilis lang naman akong maligo kaya hintayin mo na lang ako sa ibaba," pagpupumilit ko sa kanya.

Tinulak-tulak ko pa siya paalis sa kama. Lalong uminit ang magkabila kong pisngi nang tawanan na naman niya ako. Kahit na nakita na nilang dalawa ni Laito ang katawan ko kagabi ay nahihiya pa rin ako sa kanila.

Alam kong seksi ako pero ayoko namang maglakad papasok sa banyo na nakahubad tapos nandito pa itong si Captain. Eh 'di nasilayan na naman niya ang aking maganda at hubad kong katawan, baka maglaway pa siya.

Ang harot ng utak ko!

"Fine. Basta sanayin mo na ang sarili mo, okay?" sagot niya. "Kabibisaduhin ko pa kung saan ang mga nunal mo sa katawan."

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon