5

69K 2K 497
                                    

Harmony Erdenay's

Na late ako ng gising kaya nagmamadali akong tumakbo palabas sa bahay. Late na rin ako sa first class ko at hindi na rin ako nakapag-umagahan dahil na rin sa pagmamadali ko.

Dumiretso na ako sa garahe para makasakay na sa kotse pero nahinto ako bigla sa pagtakbo nang may mahagip ang dalawa kong mata. Napansin ko na may kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng bahay namin kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Sino naman kaya ang nagmamay-ari ng sasakyan na 'yon? Simula nang mag-migrate sa ibang bansa ang magulang ko ay natuto na akong maging independent na babae kaya wala rin akong nakakasama sa bahay kahit kasambahay man lang.

Susunod din naman ako sa ibang bansa kapag naka-graduate na ako para matulungan ko ang magulang ko sa ilan nilang mga business na hinahawakan nila. Ang negosyo ni Dad ay naka-base sa ibang bansa kaya wala sila ni Mommy sa Pilipinas para asikasuhin ang negosyo nila doon.

Pero minsan ay nagi-sleepover dito sa bahay si Shawn para may kasama ako. Minsan ay halos isang buwan din siyang natutulog dito sa bahay namin. Only child lang din ako kaya wala akong kahit isang kapatid.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako sinundan pa ng magulang ko. Sabagay, nabuo lang naman nila ako rahil sa alak na 'yan.

"Good morning, mi amor."

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong may nagsalita. Laglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas ng gate.

"Captain?!" gulat kong bulalas.

Ngumiti siya. "The one and only."

Ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay namin na ganitong kaaga? At paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

As usual, ang gwapo niya at napakakisig na nilalang. Kahit na anong ipasuot sa kanyang damit ay bagay na bagay sa kanya. Kahit siguro na pagsuotin siya ng basahan ay mananatili pa rin siyang gwapong nilalang.

"A-Anong ginagawa mo rito?" utal kong tanong bago ako naglakad palapit sa kanya.

Binuksan ko ang gate namin at lumabas para harapin siya. Siya nga ito, siya ang nasa harapan ko ngayon at hindi ako nananaginip.

Paano niya nalaman kung saan ang bahay namin? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nabanggit sa kanya kung saan ako nakatira.

"I told you yesterday that I would fetch you para sabay tayong pumasok sa school," ani Captain.

Kumunot pa ang noo niya. "Hindi mo ba natatandaan 'yung sinabi ko sa 'yo sa parking lot kahapon?"

"Akala ko ay nagbibiro ka lang..." sagot ko na kanyang ikinatawa ng mahina.

"By the way, flowers for you pala."

Inabot niya sa akin ang hawak niyang bouquet of flowers na ngayon ko lang napansin.

Tinuro ko ang sarili ko. "Para sa akin?"

He nodded. Oh sheesh! Nakakagulat itong ipinapakita ni Captain sa 'kin. I mean, hindi naman siya ganito sa ibang babae. Kahit nagtataka ako sa inaakto niya at kung bakit may bouquet of flowers pa siyang dala ay kinuha ko na lang 'yon.

"Uhm... thanks."

Sumilay ang matamis niyang ngiti. Hindi pa siya nakuntento at hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanyang maskuladong katawan na ikinasinghap ko.

Napalunok ako at hindi ako nakakilos nang mabilis niya akong kinantilan ng halik sa noo ko pababa sa labi ko bago napunta ang mukha niya para paulanan din ng halik ang aking leeg. Kinilabutan ako sa ginawa niya at meron din akong nararamdaman na tila nagliliparan sa puson ko.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon