48

42.8K 1.1K 327
                                    

Harmony Erdenay's

Gulat ko lang silang tiningnan. Kahit hindi nila sabihin ay nakikita ko ang galit at selos sa mata ng Hellion Twins. Mariin din silang nakatingin sa akin, pero hindi lang 'yon ang napansin ko.

Tatlong araw ko lang silang hindi nakita pero medyo parang wala silang maayos na tulog. Magulo rin ang kanilang buhok at magusot ang damit, pero hindi pa rin mawala-wala ang angkin nilang kagwapuhan.

Sumeryoso ang mukha ko bago pa ako matulala sa mala-adonis nilang mukha. Paano kaya nila ako natunton dito? Paano rin nila nalaman kung saan ako tumutuloy ngayon?

"Paano niyo nalaman kung saan ako tumutuloy?" seryoso kong tanong sa kanilang dalawa.

"We are a Hellion. We can and will still find you no matter where you are, mi amor." Captain's voice was also serious.

I secretly gulped. Isa nga pala silang Hellion. Mayaman sila at maimpluwensya ang kanilang pamilya. Tiyak na ginawa nila ang lahat para mahanap ako. Sigurado ako na ginamit din nila ang kanilang koneksyon para matunton nila kung nasaan ako.

"Ano'ng ginagawa niyong dalawa rito? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na ayaw ko na kayong makita?" May bahid na inis sa tono ko. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa.

"Let's talk, my love. Please, nakikiusap kami sa 'yo." pagsumamo ni Laito sa akin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan kaya makakaalis na kayong dalawa," malamig kong turan at naglakad na papunta sa pintuan.

Kinalkal ko agad ang sling bag ko para hanapin ang susi. Hangga't maaari ay ayoko muna silang makausap, o pakinggan ang mga paliwanag nila. Natatakot ako na baka maniwala na naman ako sa mga kasinungalingan nila.

Natatakot ako na baka mapatawad ko sila agad. Gusto ko munang lumayo sa kanila kahit mga ilang araw lang. Gusto ko munang maging payapa ang buhay ko. I want to free myself from stress and pain.

"Mi amor, please? Mag-usap naman tayo. I'm begging you."

Halos kulang na lang ay lumuhod na silang dalawa sa harapan ko at umiyak. But hell no! Hindi ba pwedeng sarili ko naman ngayon ang isipin ko? Hindi ba pwedeng maawa naman ako para sa sarili ko?

Huminga ako ng malalim at galit ko silang hinarap.

"Para saan pa ang pag-uusapan natin?" pagalit kong sigaw sa kanila.

"Magpapaliwanag kayo? Tapos ano? Kaunting lambing niyo lang sa 'kin, tapos okay na naman ang lahat? Sa tingin niyo ba gano'n lang kadali 'yon? Niloko niyo ako!"

Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili kong emosyon at muli na naman akong napaiyak. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nila. Nakatatak na sa isipan ko 'yung araw na nasaksikan ko ang panloloko nilang dalawa sa akin. Halos minu-minuto ko ring naalala ang gabing 'yon. Para akong binabangungot. Ayaw maalis sa isipan ko kahit ano pa ang gawin ko.

"Mali ang nasa isip mo. Hindi ka namin niloloko. Plano lang lahat ito ni Beatrice para masira kami sa 'yo. Please, maniwala ka naman sa 'min. Hindi namin magagawa sa 'yo na lokohin ka," ani Laito sa nagmamakaawang boses dahilan para matawa ako ng pagak.

Sinubukan pa niya akong yakapin pero lumayo ako. Akma naman akong hahawakan ni Captain pero iniwas ko agad sa kanya ang sarili ko.

"Really? Plano? Kung plano lang pala ng hayop na 'yon ang lahat ng ito, bakit kayo nagpadala sa tukso? Bakit hindi niyo man lang sila tinulak palayo? Parang gustong-gusto niyo pa yata ang ginagawa ng mga babaeng 'yon sa inyo, eh!"

"Hindi namin ginusto 'yon, mi amor. Believe us. Nagsisisi kami kung bakit hindi namin sila agad tinulak at hinayaan lang namin sila sa ginagawa nila pero may nilagay si Beatrice sa ininom naming alak. May nilagay siyang droga," paliwanag ni Captain.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon