8

62.3K 1.8K 251
                                    

Third Person's


Marahas na bumuntong hininga si Liam at nilagok ang natitirang alak sa baso niya. Sariwa pa rin sa alaala niya ang malungkot na mukha ni Harmony. Nasaktan siya nang makita niya ang pagluha nito dahil sa pag-iwas ng matalik nitong kaibigan na si Shawn.

They can't help but blame themselves. Kung hindi lang sila pinangunahan ng selos at inggit ay hindi sana mangyayari 'yon. Parang gusto tuloy nilang iuntog ng malakas ang sarili nila sa pader. Hindi pa sila nagsisimulang ligawan ang dalaga, pero nasaktan na agad nila ang damdamin nito. Hindi pa sila nagsisimula pero palpak na agad sila.

"Kasalanan ko ito. Sana hindi ko na lang binantaan 'yung kaibigan niya," inis na turan ni Laito na nakaupo sa kanyang tabi.

Napahilamos pa si Laito sa sarili niyang mukha bago ininom ang alak sa kanyang baso. Ang buong Demir naman ay nagpapakiramdaman. Hindi rin nila alam kung sino ang unang magtatanong kung bakit tila problemado ang Hellion Twins.

Kasalukuyan  silang nasa Idle Desire, isa itong restobar na pagmamay-ari ng magulang ng kaibigan nilang si Kael. Dito rin sila madalas magpunta kapag kailangan nilang magpalamig ng ulo o 'di kaya'y kapag gusto lang nilang mag hang out.

"Is there something wrong? Spill it, guys. Baka sakaling makatulong kami," si Kael na ang unang naglakas ng loob na magtanong sa kambal.

Sabay na umangat ang ulo ni Liam at Laito upang tingnan ang mga kaibigan nila. Nakatuon sa kanilang dalawa ang atensiyon nilang lahat. Kapwa sila mga nagtataka sa inaakto ng kambal at ang iba sa kanila ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.

"It's about Harmony, I guess." hula ni Alix sa seryosong boses bago niya tinungga ang alak sa hawak niyang baso. Bumuga ng hangin si Liam at lumagok naman ng alak si Laito.

Tama si Alix, si Harmony nga ang dahilan kung bakit problemado sila ngayon. Dinaig pa nila ang lalaking inagawan ng asawa. Namomroblema sila kung paano nila mapapa-amo si Harmony at kung paano sila mapapatawad ng dalaga.

Parang ang laki ng galit nito sa kanila. Para sa kanila ay kakaiba si Harmony, hindi siya basta-basta. Hindi rin siya tulad ng ibang babae na nakilala nila na kaunting kalabit lang nila ay bibigay na.

Masasabi nila na malaki ang pinagkaiba ni Harmony sa ibang mga babae. At 'yon ang dahilan kung bakit hindi nila titigilan ang dalaga hangga't hindi sa kanila siya mapapasakamay. Liligawan nila siya kahit ito ang unang beses na may liligawan sila.

Seryoso sila kay Harmony at hindi nila siya pinaglalaruan o pinagtitripan. And if they ever get into a serious relationship, they want Harmony to be their first girlfriend.

"Galit yata si Harmony sa 'min dahil sa pagbabanta ko sa kaibigan niyang si Shawn." Si Laito na ang umamin.

Umiling-iling si Tyrell. "Ayan, selos pa more kahit wala pa namang label."

"Ang possessive niyo kasi. Kakakilala niyo pa lang kay Harmony, hindi niyo pa nga nililigawan tapos binabakuran niyo na agad. Siyempre, sino'ng hindi maiinis at magagalit doon?" natatawa namang salita ni Remus sa kambal.

"Loko! Paano liligawan ng Hellion Twins si Harmony, eh nasanay sina Liam na sila ang nililigawan ng mga babae," saad ni Perston at mahina silang nagtawanan.

"Mukhang alam ni Harmony na mga playboy kayo at maraming babaeng nai-kama kaya siguro hindi siya natatamaan ng alindog ninyong dalawa," wika naman ni Gavriel na sinang-ayunan naman ng buong miyembro ng Demir.

Isa 'yon sa iniisip ng kambal. Paano nga kung alam ni Harmony na playboy sila? Paano kung alam ng dalaga na marami na silang babaeng naikama kaya parang mainit ang ulo ng dalaga sa kanila?

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon