3

78.6K 2.1K 561
                                    

Harmony Erdenay's

Parang isang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig 'yung mga sinabi ni Laito sa akin. He wants to taste and lick every corner of my body? What the? Ano'ng kahibangan ang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? At saka ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to?

Kaya ba siya nandito sa harapan ko dahil ako na ngayon ang next target niya na isasama sa toys collection niya? Hell no! Hindi ako papayag.

Hindi ako pwedeng magpa-apekto o magpadala sa alindog niya kahit na pogi at yummy siya. Hindi ako maaaring magpadala sa tukso. Kailangan kong labanan ang tukso alang-ala para sa pinakamamahal na Bataan.

"Laito?" tawag ko sa kanya.

"Mmm, yes?"

Patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa samantalang ako ay hindi man lang ako makagalaw. Napako ako bigla sa kinatatayuan ko habang hinahayaan ko siyang amuyin at halik-halikan ang aking leeg.

Bakit ganito? Bakit hinahayaan ko lang siya sa kapangahasan niya? Hindi ba pwedeng label muna? Aba't! Ang harot ng utak ko.

Pasalamat na lang ako na kaming dalawa lang ang tao sa parking lot. Nagmumukha na rin siguro akong kamatis ngayon dahil umiinit na ang buo kong mukha.

Hindi ko inaasahan ito. Para nga lang akong isang multo sa school dahil madalas umiiwas ako sa mga tao, lalo na sa mga sikat at ubod ng yaman na kagaya nila. Papasok lang ako para makinig sa boring na lecture ng titser namin at didiretso agad ako sa bahay kapag uwian na.

Sabi nga ng mga kaklase ko, para rin akong isang kabute na bigla na lang lumilitaw sa kung saan-saan at biglang mawawala.

Tapos ngayon? Harap-harapan kong nakikita si Laito at heto naman ako, hinahayaan siya na halikan at amuyin ang aking leeg na para siyang isang bampira.

"Pwede bang... t-tumigil ka na?" utal kong pakiusap sa kanya.

Baka mamaya ay may sumulpot na lang bigla rito at may makakita sa 'min, lalo na ang mga fangirls niya. Baka sugurin na lang nila ako bigla. Malakas pa naman ang tama ng mga babaeng baliw na baliw sa Hellion Twins lalo na kay Laito.

At kahit kailan ay hindi ko pa pinangarap na mabawasan ang kagandahan ko. Baka makita na lang ako ng magulang ko na palutang-lutang sa Pasig River. Grabe pa naman ang pagiging OA ng mga babae ni Laito. Gusto nila ay sa kanila lang ang lalaking 'to.

Nakahinga ako ng maluwag nang alisin na niya sa wakas ang kanyang mukha sa aking leeg. Napapikit-pikit pa ako sa gulat nang mabilis niyang halikan ang pisngi ko habang nakapaskil ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi.

"Bakit mo ako hinalikan sa pisngi?" nanlalaki ang mata kong katanungan sa kanya. Gulat na gulat ako sa ginawa niya.

"Bakit? Gusto mo ba sa lips?"

Mabilis akong umiling kaya mahina siyang natawa. Pati ba naman ang pagtawa niya ay pogi rin dapat? And dang! His laugh is manly. Mas lalo rin siyang gumuguwapo sa paningin ko.

"Sorry. I just can't stop myself." Hinaplos niya muli ang pisngi ko. "Ang bango mo kasi tapos ang ganda-ganda mo pa."

Nakita ko kung paano nangislap ang mga mata niya na parang nakakakita siya ng isang magandang diamante. There was also an amusement on his gorgeous face.

Sobrang tamis din ng pagkakangiti niya sa akin. Sobrang tamis at kaunti na lang ay pwede na kaming langgamin dito. Diretso rin ang kanyang tingin sa akin at tila parang nakikita na niya pati ang kaluluwa ko. Naninibago rin ako kay Laito.

Sunod-sunod naman akong napalunok nang halikan niya bigla ang tungki ng aking ilong at mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Kinailangan ko pa tuloy tumingala dahil ang tangkad niya. Hindi pa nga ako umaabot sa leeg niya at hanggang dibdib lang niya ako.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon