47

42.9K 1.2K 414
                                    

Third Person's


Tinanaw na lamang ng kambal ang papalayong kotse kung saan nakasakay si Harmony. Napamura na lang din sila ng malutong. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. Mas lalong naging komplikado ang lahat.

Inis na napahilamos si Liam sa kanyang mukha habang marahas na bumuntong hininga si Laito. Nakakaramdam pa rin silang dalawa ng kaunting hilo. Kakaayos lang nila kahapon pero gusot na naman ang nangyari sa kanila ngayon.

Hindi na masama ang loob ng dalaga sa kanila, alam nilang galit na galit na ito sa kanila. Inakala nitong niloloko nila ang dalaga kahit hindi naman. Sa kakamadali rin nilang sundan ang dalaga ay muntik pa silang mabangga.

"Liam? Laito?" Biglang sulpot ng kanilang ina. Ngayon lang nila napansin na narito pala ang kanilang ina kasama ang lolo't lola nila at ang bunso nilang kapatid na si Liliana.

"Ano ba'ng nangyayari? Bakit umalis na lang bigla si Harmony at umiiyak pa?" takang katanungan ng kanilang ina. Tiyak na nasaksikan ng mga ito ang pag-alis ni Harmony sa bahay nila.

"It's our fault, fuck!" paninisi ni Liam sa sarili at galit pa niyang nasuntok ang pader na malapit sa kanya. Nanginginig ang kanyang kamao sa galit.

"Ay! Love quarrel?" tanong ng kanilang lola.

"Tiyak na babaeng higad ang dahilan ng pinag-awayan ninyo, ano?" hula nito.

Hindi naman sila agad nakasagot. Tama ang hinala ng kanilang lola na ibang babae ang naging dahilan kung bakit galit sa kanila si Harmony. Hindi nila ginusto 'yon! Hindi rin nila akalain na may droga palang inilagay ang bwisit na si Beatrice sa iniinom nilang alak.

"Damn it!" galit naman na asik ni Laito. Kulang na lang ay iuntog na niya ang kanyang ulo sa pader dahil sa tindi ng galit niya.

Paano na? Ano'ng gagawin nila? Alam nilang mahirap suyuin si Harmony. Hindi nila alam kung paano nila ito kakausapin at kung paano sila magpapaliwanag kung mainit ang ulo ni Harmony sa kanila. Mali ang inaakala nito. They didn't cheat!

Kasalanan ito lahat ni Beatrice. May pagkakamali rin sila dahil hindi nila agad tinulak ang babaeng 'yon kanina. Eh 'di sana'y hindi nakikita ni Harmony ang nangyari kanina sa resto bar at hindi rin nito inisip na niloloko nila ang dalaga!

Nagkatinginan naman si Aeliana at Larlee sa isa't-isa. Nakikita nilang dalawa na nanggagalaiti ang kambal.

"Susundan namin siya," suhestiyon ni Laito.

"O, sandali! Mga nakainom kayo, tapos susundan ninyo si Harmony? Paano kung mapahamak pa kayo sa daan?" pigil ng lola nila sa kanila.

"Kung ano man ang napag-awayan ninyo ni Harmony ay hayaan niyo na muna siyang magpalamig ng ulo," saad naman ng kanilang lolo.

"We are not drunk," ani Liam. He tried to look at them, pero parang umiikot ang paligid niya.

"Eh bakit ganyan ang itsura ninyo? Amoy alak din kayo." Nakakunot na ang noo ng kanilang lola.

"You haven't parked your car properly, Liam. Paano kung mabangga kayo?" turan naman ng kanilang ina sa nag-aalalang boses.

"It was also Beatrice's fault!" Laito blamed that girl. "I'm sure she planned it all!"

Obvious naman na planado ni Beatrice ang lahat. Bigla na lang itong sumulpot habang nag-iinuman at nagkukwentuhan sila. Pangalawa ay naroon na lang bigla si Harmony sa Idle Desire. Malakas ang kutob ng kambal na sinadya ng babaeng 'yon na mangyari ito. They are sure that she wants to ruin everything especially their happiness.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon