13

66.2K 1.5K 266
                                    

Harmony Erdenay's


Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami sa tinatawag nilang Lilura Isla. Pagkaparada ni Captain sa sasakyan ay agad na akong bumaba.

Tumama sa katawan ko ang malamig na hangin, kaya pati buhok ko ay tinatangay na rin. Namangha ako sa ganda ng tanawin nitong isla. May puting buhangin at may asul na karagatan. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala na kagandang isla sa bansa. Malinis at mahahalata na inalagaan ng mabuti ang isla.

Ang sabi nina Dad sa akin ay pagmamay-ari raw nina Ninong Lorcan ang isla na 'to. Mukhang private island ito dahil kami lang ang nandito ngayon at walang ibang tao ang pagala-gala.

Napansin ko rin ang two-storey house. Sa tingin ko ay doon kami tutuloy sa loob ng tatlong araw naming outing. Hindi ko mapigilan na mamangha. Ang sarap magbakasyon sa mga ganitong klaseng lugar. Nakaka-relax at refreshing ang ambiance.

Naunang pumasok sina ninang sa loob ng bahay. Kukunin ko na sana ang bag ko sa trunk compartment pero naunahan na ako ni Captain at siya na ang nagbitbit n'on, habang si Laito ay niyakap ang beywang ko. Para siyang linta na laging nakadikit sa 'kin.

Ilang minuto nga lang akong lalayo sa kanya ay nandiyan na agad siya sa tabi ko. Ang hilig din niyang amuyin ang leeg at buhok ko.

"Bakit ba ang hilig mong yumakap? Para kang linta. Kanina pa tayo tinitingnan nina ninong, o? Baka gusto mong mahiya? Suggestion ko lang naman," sabi ko sa kanya.

Kanina pa kami tinitingnan nina Ninong Lorcan. Si Ninong Lycus naman ay parang natutuwa pa na nakikita niyang clingy itong anak niya. Nahihiya pa naman ako, baka kung ano pa ang isipin nila.

Nginitian niya ako. "Ano namang mali kung nakayakap ako sa 'yo at ayaw kong umalis sa tabi mo? Masanay ka na, my love. Balang araw ay ganito na palagi nating gagawin."

Humalik pa siya sa aking pisngi. Natawa na lang ako at hinayaan na lang siya. Kahit ano pang tutol nitong isip ko, taksil naman itong katawan ko. Siyempre, gusto ko rin na laging nakadikit sa kanila.

Minsan lang mangyari ito. Nasisiguro ako na kapag nakabalik na kami sa school ay parang hangin na lang ako na dadaanan nila tulad ng ginagawa nila sa ibang babae.

Magsasawa rin siguro sila sa akin tulad ng pagkakasawa nila sa mga babaeng nagdaan sa kanila. Kailangan ko lang ingatan ang puso ko dahil baka mahulog ako sa kanila.

Sumunod na kami sa mga kasama namin at pumasok na rin sa loob ng two-storey house. Kung maganda sa labas ng bahay na 'to ay mas maganda naman sa loob.

Sakto lang din ang laki nitong bahay bakasyunan nila. Dalawang palapag lang 'to ngunit malawak. Mahahalata rin ang mga gamit na mukhang antique na, pero maganda pa rin at matibay.

"Okay, guys. Dahil marami tayo ngayon kaya kayo na ang bahala kung saan ang gusto ninyong kwarto. 'Yung iba ay mag-share na lang sa iisang kwarto para magkasya tayong lahat dito," salita ni Lola Larlee.

Nagdesisyon naman agad ang mga kasama namin kung sino ang magkakasama sa mga kwarto. Siyempre, magkasama sa iisang kuwarto ang mag-asawa.

"Liliana? Gusto mo na ba maki-share ng room kay Ate Harmony mo?" rinig kong tanong ni Lola Larlee sa apo niya.

"Ayoko po. Gusto ko po na maka-share ni Ate Harmony sa room sila Kuya Liam at Kuya Laito para masaya!" nakangiting sagot ni Liliana at nag-thumbs up pa siya sa amin.

"Good girl," sabay na sambit ng kambal.

Nakipag-apir pa silang dalawa sa bunso nilang kapatid. Kung makakasama ko sa isang kwarto ang kambal, baka may mangyari na namang masarap na kababalaghan. Bigla pa naman nila akong sinusunggaban. Nagiging marupok pa naman ako at mabilis sa kanila bumigay.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon