6

67K 1.9K 322
                                    

Third Person's


Kung nakamamatay lang siguro ang masamang tingin ay kanina pa siguro nakabulagta at pinaglalamayan ang kasamang lalaki ni Harmony. Parang sasabog na yata sa sobrang inis at galit ang kambal habang tahimik lang nila na pinapanood kung paano mag-usap ang dalaga at ang kasama nitong lalaki.

Gwapo ito, maputi, maganda ang katawan at matangkad na lalaki subalit hindi nila kilala kung sino ang lalaking 'yon na tuwang-tuwa at masaya pang nakikipagharutan kay Harmony.

Liam's fist clenched and he looked like a volcano about to erupt. Nag-uusap pa lang ang mga ito at tila close ang dalawa pero kinakain na siya agad ng matinding selos!

Oo, nagseselos siya kahit alam niya sa sarili niya na wala naman siyang karapatan na magselos. Sino nga ba siya para magselos? Ni hindi naman siya boyfriend ni Harmony. Wala silang relasyon, pero kinakain siya ng matinding selos.

Hindi lang din siya basta nagseselos, nakakaramdam din siya ng matinding inis at inggit. And he has never been jealous in his whole life! Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng selos at inggit. Kanina pa nga lang nang marinig niyang tinawag na sweetheart si Harmony ay nagsalubong agad ang kanyang kilay.

Kahit hindi niya pukulan ng tingin ang kanyang kakambal na si Laito na tahimik lang din na nakaupo sa tabi niya ay alam naman niyang gano'n din ang nararamdaman nito. Naiinggit at nagseselos silang dalawa.

But Laito just smirked habang pinapanood niya si Harmony na kinakausap ang lalaking 'yun. Tahimik lang din niyang iniinom ang tubig habang mariin siyang nakatingin sa dalaga at ang kasama nitong lalaki. They have never been jealous for pete's sake!

Pero ngayong nararamdaman na nila ang selos na never nilang naranasan noon, na realize nilang dalawa na ganito pala ang pakiramdam nito. Malakas na nga talaga ang tama nila sa dalaga. Parang anytime ay makakapatay sila.

Masyado ring humihigpit ang pagkakayukom ng kamao nila at parang may sumasakal sa kanilang leeg. Gusto nilang ilayo si Harmony sa lalaking kasama nito. Naiinis din sila dahil ang lapit-lapit nilang dalawa sa isa't-isa na halos nagkakadikit na rin ang kanilang katawan.

Nagsusubuan pa ang mga ito na animo'y may relasyon kaya hindi mapigilan na tumaas ang kilay ni Liam habang pinagmamasdan niya si Harmony at ang kasama nito. They wonder if he is Harmony's boyfriend. But the Hellion Twins don't care if she has a boyfriend or not.

Harmony belongs to them. Walang pwedeng magmay-ari sa dalaga kundi silang Hellion Twins lang. Wala silang pakialam kung masyado silang nahuhumaling sa dalaga. They own her, and they will do everything to get Harmony into their arms. Hindi nila idadaan sa dahas, pero sisiguraduhin nila na mapupunta sa kanila ang dalaga.

Kung pwede nga lang nilang suntukin ang lalaki na kasama ni Harmony ay baka kanina pa iyon ginawa ni Liam. That guy is too close to their girl and they hate that. Sila lang dapat ang malapit sa dalaga. Sila lang dalawa dapat ang dumidikit kay Harmony. Wala namang masama kung gusto lang din nilang protektahan si Harmony.

"Hoy, kayong kambal. Hindi ba kayo kakain?"

Sabay na napunta ang atensiyon nina Liam at Laito nang marinig nila ang boses ni Tyrell. Ngayon lang nila napagtanto na lahat ng kaibigan nila na ka-basketball team din nila ay nakatingin na sa kanilang dalawa.

Halatang nagtataka ang mga ito kung bakit hindi na maipinta ang kanilang mukha. Sinundan nila ng tingin kung saan nakatingin kanina ang Hellion Twins.

Sabay-sabay naman silang napangisi nang makita nila si Harmony na may kasamang kumakain sa kabilang table at isang lalaki. Halos parang hindi na ang mga ito mapaghiwalay. They look really close and they are sweet to each other.

HELLION #1: TWINS OBSESSION (R-18) ✔ [PUBLISHED UNDER EPP] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon