"baka ma-late ka, hindi ka pa ba aalis?"
nakangiting napatingin si ni-ki kay hera na nakaupo sa sofa. nakapatong ang mga paa nito sa binti ni ni-ki na kasalukuyang pinupunasan ng binata.
of course, pinigilan ni hera si ni-ki dahil kaya naman niyang punasan ang sariling mga paa pero namilit si ni-ki kaya ngayon, heto si ni-ki at marahang pinupunasan ng maligamgam na tubig ang paa ng dalaga.
"11 pa ang first subject ko, 7 pa lang kaya masyado pang maaga para pumasok." sagot niya dito.
napatango-tango lang si hera at hindi maiwasang mapasimangot na siyang napansin ni ni-ki. "gusto ko rin pumasok.." mahinang usal ni hera ngunit sapat para marinig ni ni-ki.
napahinto si ni-ki sa ginagawa at dahan-dahang ibinaba ang mga paa ni hera saka umupo sa tabi ng dalaga. "mas magandang dito ka lang, kailangan ng pahinga ng katawan mo."
"i know.."
saglit na napatitig si ni-ki sa dalaga na nakasimangot pa rin. unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni ni-ki. "ganito na lang, after class ko pupunta ako dito para ituro din sa'yo 'yung mga lesson namin. and yep, ako ang magiging teacher mo."
sa sinabi ni ni-ki ay bahagyang nagulat si hera. "h-ha? 'wag na. pagod ka sa klase kaya imbis na turuan mo 'ko, magpahinga ka na lang sa inyo. mahirap maging college student, you know?"
"pero paano ka?"
umiwas ng tingin si hera. "i'll be fine."
hindi sumagot si ni-ki at tinitigan lang ang dalaga. mahahalata mong malungkot ito at gusto niya talagang pumasok kaya kahit ayaw ni hera, susubukan pa rin ni ni-ki na dumaan sa kanila para maturuan ang dalaga.
hindi nagtagal ay nagpaalam na din si ni-ki para pumasok. ngayon ang first day ni ni-ki as a college kaya hindi pwedeng ma-late siya. si hera ay nakangiti lang pinanood si ni-ki na umalis.
"hindi mo pa sinasabi sa kanya?"
napalingon si hera doon at nakita ang yaya theresa niya na kakatapos lang mag-ayos sa kusina. umupo ito sa sofa na kaharap ng wheelchair ni hera at diretsong tinitigan ang dalaga sa mga mata.
sinusubukan namang iwasan ni hera ang mga titig nito sa kanya. "h-h-hindi pa."
"kailan mo sasabihin sa kanya?" muling tanong nito at hindi nakasagot si hera. "hindi sa nangingialam ako pero kung mahalaga sa'yo si ni-ki, siguro dapat mo na sabihin sa kanya ang about diyan."
"h-hindi ko po kaya.." mahinang usal ni hera, may isang luhang kumawala sa kanyang mata. "a-ang hirap magsabi ng totoo."
"mahirap pero ang mahalaga alam niya na, makakapaghanda na siya habang maaga pa."
hindi sumagot si hera at napayuko na lamang. nanghihina siya sa totoo lang at nararamdaman niya na naman ang paninikip ng dibdib niya dala ng sakit na dinaramdam niya.
i'm sorry ni-ki..
-♡️-
mae
@maelarymae
ni-ki!ni-ki
mae?ni-ki
bakit?mae
classmate pala tayo sa english classni-ki
eh?ni-ki
paano mo nalaman?mae
kasama sa schedule natin, hindi mo ba binasa yung likod?
BINABASA MO ANG
the real tragedy. enha
FanfictionCOMPLETED. as they celebrated their graduation, they believed that the challenges they had overcome were enough- unaware that this was merely the beginning to the real chapter of their stories. little did they know, the real tragedy was poised to un...