CHAPTER 3

566K 12.8K 359
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Ally, tumawag ang Daddy mo. Uuwi na raw siya next monday." Sabi ni Mommy nang pumasok siya sa loob ng silid ko.

Nasa loob ako ng silid, nakadapa at nagpe-facebook, ito kasi ang palagi kong ginagawa kapag nasa bahay. Ang mag-facebook. At makipag-wechat sa mga kaibigan ko sa Amerika. Mahilig din akong mag selfie. Dahil natutuwa ako sa mga thousand na nagli-likes sa'kin.

Sandali kong hininto ang ginagawa ko. At tiningnan ko si Mommy.

"Talaga! Buti naman at uuwi na si Daddy para may kakampi na ako rito."

Nagcross-arm si Mommy, nakataas ang kilay niya habang galit na nakatingin sa'kin.

"Ikaw na bata ka! Dalaga ka na! Wag kang masyadong palaging umaasa sa mga katulong dito. Gawin mo ang simpleng bagay na kaya mo."

Tinakpan ko ang tenga ko, nag-umpisa na naman kasing mag sermon ang Mommy ko. At ang maids na naman ang bida sa kanya at ako ang kontrabida. Hindi ko lubos maisip kung bakit gusto niya akong kumilos pa sa bahay. Samantalang marami kaming katulong para gawin lahat iyon. Nag-hired ba sila para walang gawin ang mga chimay namin. Kainis!

"Mommy! Stop na, matutulog na ako."

"Haist!? Ewan ko ba sa iyong bata ka. Bakit ka nagkakaganyan."

Nang umalis si Mommy sa silid ko. agad kong dino-double lock ang pintuan ng kwarto ko.

Mas gusto ko pang si Mommy ang nasa business trip kaysa kay Daddy. kapag si Daddy kasi ang nasa bahay. Spoiled ako doon lahat nagagawa ko. Lahat pwedeng kong i-utos sa mga maid namin, samantalang kay Mommy laging may kabit na sermon.

Dahil sabado ngayon walang pasok sa school. Tinawagan ko si Dianne.

"Hello! Dianne."

"Oh, bakit ka napatawag?'

"Ahmm, boring sa bahay gumala tayo."

"Saan naman?"

"Mag Mall tayo?'

"Sige! sige! gusto ko 'yan."

"Okay, sige! I'll fetch you later. Bye!"

Pagkatapos agad akong naligo at nagbihis ng damit. Nagmamadali akong umalis ng bahay. Hindi ako nagpaalam sa Mommy ko. Dahil magagalit iyon kapag nalaman niyang dala ko ang sasakyan namin. Pinagbabawalan kasi akong mag drive dahil hindi pa raw ako eighteen. Pero may student license naman ako. Kinuhanan ako ni Mommy, pero magagamit ko ang kotse kung kinakailangan lang. Kung kaya't itinakas ko ngayon ang isa sa mga kotse namin. Agad kong Pinaharurut ang sasakyan palabas ng subdivision. Nakangiti ako habang binabagtas ko ang daan patungo kila Dianne. Nagkataon kasi na kaka-alis lang ni Mommy kaya nagawa kong itakas ang kotse namin. Bahala na mamaya pag-uwi ko.

***

"Ally, ano ba gagawin pa natin dito? Kanina pa tayo paikot-ikot, sakit na ng mga paa ko, ang bigat pa ng mga binili ko."reklamo ni Dianne.

Nasa loob kami ng isang malaking Mall, naglalakad-lakad kami dahil kakatapos lang naming mamili ng kung ano-anong magustuhan namin.

"Maghanap tayo ng makakainan, gutom na kasi ako." sagot ko.

Palinga-linga kami sa loob ng Mall. Naghahanap kami ng masarap na fast food chain. Trip kasi naming kumain do'n. Isa pa, para maiba naman. Hindi laging sa Restaurant ang kinakainan namin. Kahit naman mayaman kami kumakain naman kami sa mga Fast food chain. Lalo na kapag gutom na.

"Ayon! do'n tayo! Balita ko mga chinese food daw pagkain do'n, try natin ang kakaibang pagkain, Ally." ani Dianne.

"Let's go!" Sagot ko.

Nagmadali kaming pumunta roon. pero dahil sobrang daming tao. Nakapila pa rin kami sa may counter.

"Ally! Di ba? si Frits Santiago iyon?" Usisa ni Dianne. Nang matanaw niya ang lalaking nasa labas ng chinese food.

Lumingon ako. "Saan?"

"Ayon oh! Naglalakad may kasamang babae."

Hinanap ng mata ko ang tinuturo ni Dianne. At nang makita ko iyon. Umusok ang ilong ko sa inis. Hinila ko si Dianne palabas ng fast food chain. Upang sundan si Frits at ang kasama niyang babae.

"Teka! Ally, wag na natin silang sundan kumain muna tayo!"

"No! Hindi pwede! Sundan natin kung sino ang babaeng pinagpalit sa sexy at Gorgeous beauty ko!"

"Wow, ha! Pinagpalit agad sa'yo. Hindi mo pa nga Boyfriend."

"Oo, magiging Boyfriend ko 'yan! at lahat ng mga sagabal sa pag-iibigan namin. Pagbabayad siya sa'kin."

Umikot ang eyeball ni Dianne,
"Hay! naku, uso talaga ang baliw ngayon, tara na nga masundan na natin."

Nagmadali kaming naglakad upang maabutan namin silang dalawa. Sinundan namin sila mula sa toy world hanggang dito sa Isang sikat na Fast food chain sa second floor ng Mall.

"Hoy! Ally, anong plano mo? Magtatago na lang ba tayo rito sa diyaryo na nagtatakip sa mukha natin habang kumakain. Ha?"react ni Dianne.

"Wag ka ngang maingay diyan, mahuhuli tayo, eh,"sabi ko habang nakatakip din ng diyaryo ang mukha ko. Pasilip-silip lang ako sa kinaroroonan nila Frits.

"Alam mo yang si Frits, casanova nga yan di ba? kaya wag kang magtaka kung lahat ng magagandang babae. nagiging Girlfriend niya, kaya wag kang magtaka kung may girlfriend 'yan. Tara na umalis na tayo rito."

"Iyon nga maganda naman ako, kaya malapit ko na 'yan maging Boyfriend."

"Ha? Alam mo ang salitang ASA? Ikaw iyon. Tigilan mo na ang kaka-fantasya mo kay Frits, kasi sa lahat ng sikat sa school siya lang ang mahirap makuha."

Hindi na ako kumibo. Pinagmamasdan ko kasi ang ginagawa ng dalawa, ang sweet nila. Nagsusubuan sila, ang gwapo ni Frits. Ngumingiti naman pala siya. Labas tuloy ang dimples niya.

"Ang gwapo talaga niya." Bulong ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong naghahalikan ang dalawa. Natuptop ko ang bibig ko upang pigilan ko ang sarili kong wag mapasigaw, pinagpawisan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung kaya't hinila ko si Dianne palabas at do'n ilang beses akong huminga ng malalim. Para kasi akong mauubusan ng hangin sa nakita ko. He kissed the girl in a public place napaka- PDA nila.

Ilang saglit pa. Nagmadali na kaming umalis. gusto ko pa sana silang sundan kaya lang baka kasi maunahan akong dumating ni Mommy sa bahay. Malaman pa niyang ginamit ko ang kotse. Baka magbuga pa iyon ng apoy sa'kin sa galit.

Kinagabihan hinanap ko sa Facebook ang pangalan ni Frits. Agad ko namang nakita at nang buksan ko ang Profile niya. Puro babae nag nasa Friendlist niya may Fanpage pa siya. At pati ang mga kaibigan niyang casanova. Pero kay Frits lang ako interesado. Pinindot ko ang Add friend sa Profile niya. Pagkatapos nag-umpisa na akong matulog.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon