CHAPTER 50

373K 8.8K 606
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Mag-usap nga tayo Frits!" Sigaw ni Luke sa'kin, nasa tambayan kaming lima. Siguro nabalitaan na niya ang eksena namin ni Ally.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Layuan mo si Ally!" Diretsong sabi ni Luke.

Titigan ko siya ng masama. "Psh! Bakit ko naman iyon gagawin."

Gigil na hinawakan ni Luke ang kwelyo ko. Hinayaan ko lang.

"Luke, Frits itigil niyo 'yan!" ani Drek.

"I'm warning you. Wag si Ally!"

Ngumisi ako. "Paano kung ayoko?"

"Fvck you!" Sabay suntok sa'kin ni Luke, inawat kami ng tatlo.

"Wag mong isali si Ally sa mga niloko mo. Ilang beses mo na siyang sinaktan. At hindi na ako makakapayag na saktan mo siya ulit."

Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. At sino siya para husgahan ako. Tinitigan ko siya ng masama.

'Bakit ka nagkakaganyan? Mahal mo ba si Ally?" Tanong ko kay Luke.

"Oo, mahal ko si Ally, Alam mo 'yan di ba? Wag mo siyang paglaruan! Lumayo ka sa kanya kung ayaw mong magkagulo tayo."

Psh! Ang dami ko pa lang kaagaw kay Allyson. Si Luke, si Teo at si Zyrus! Pero ang pag- aari ko na. Hindi ko ibibigay kahit kanino. Co'z Ally is mine.

"Mahal ko si Ally! Kaya wala kang karapatan na pakialaman ako." sabi ko.

Muli akong sinuntok ni Luke. Sa pagkakataong iyon sinuntok ko rin siya.

"Tama na 'yan!" Sigaw ng tatlo habang awa't-awat kami.

"Gago ka Frits! Hindi mo siya mahal! Hindi mo naman siya minahal naghihiganti ka lang sa kanya dahil kay Yaya Chedeng di ba?! G*go ka layuan mo siya!"

"Fvck! Wala kang alam sa nararamdaman ko! Kaya wag mo akong husgahan!" Tapos kinuha ko ang bag ko. At sumakay ng kotse. Pupuntahan ko si Ally sa school.

***

ZYRUS'S P.O.V.

Napadaan ako sa tambayan ng mga limang epal sa buhay ko. Naiinis kasi ako sa kayabangan nila. Lalo na kay Frits. Dahil simula ng magustuhan siya ni Ally, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong ma-ipakita kay Ally ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi na ako napapansin ni Ally ngayon.

Huminto ako ng mapansin kong nagkakagulo sila. Gayon na lang ang pagtagis ng bagang ko at pagtikom ng kamao ko sa galit ng marinig ko ang pinagtatalunan nila.

"Si Frits at Luke! Inlove kay Ally? Ang dami ko pa lang karibal? Pero hindi na ako papayag na manahimik na lang. Kailangan kong lumaban sa kanilang dalawa. Si Ally na lang ang bahalang pumili sa'min." bulong ko sa isip.

Agad akong umalis. Pupuntahan ko si Ally. Kailangan kong makausap si Ally. Agad akong sumakay ng kotse ko.

"Zyrus!" Napalingon ako.

"Ikaw pala Patrick."

Lumapit si Patrick sa'kin. "Kanina pa kita gustong lapitan. Buti hindi nakisali sa away ng dalawa."

Umiling ako. "Problema na nila 'yan Sige alis na ako!" Paalam ko sa kanya.

Ngumiti si Patrick. "Pupuntahan mo rin ba si Ally sa school? Bilisan mo baka maunahan ka ng dalawa."

Pagkasabi niyang iyon agad kong pinaharurut ang sasakyan ko. Papuntang school.

***

ALLY'S P.O.V.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon