CHAPTER 39

373K 9.1K 610
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Dianne, mauna ako sa'yo ha! Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko. Nang dumating na ang driver niya.

Nagbeso-beso kami. "Girl, sigurado ka bang? Hindi na kita ihahatid?"

Tumawa ako. "Ano ka ba! Konting tumbling lang ang bahay ko rito sa school, oh!"

"Pero gabi na kasi..."

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang ako, Dianne, sige na umalis ka na. Magkita na lang tayo bukas ha!"

"Hatid na kaya kita? Mabilis lang naman ang kapag sumakay tayo ng kotse." Aniya.

"Okay lang ako. Sige na, mag-ingat ka Dianne."

Tumango si Dianne. Pagapos sumakay na siya sa kotse. Inantay ko siyang makaalis bago ako nag-umpisang maglakad pauwi. Medyo madilim na kahit alas singko pa lang ng umaga. Habang naglalakad ako may nakita akong isang ADs na nakadikit sa poste ng meralco.

Urgent hiring.
Maid in cafe
Part time job.
Can speak english,

Agad kong nilagay sa phone ko ang numero ng dapat tawagan sa work na iyon. Sini-save ko rin ang pangalan ng store. I-sesearch ko kasi ito para alamin kung totoo. Kapag makakapasok ako, may part time job na ako. Na pwede ng pagtustos sa mga pangangailangan ko.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad.

"Hi, Miss beautiful!"

"Hi sexy!"

Mahigpit ang pagkapit ko sa bag ko. At nagmamadali akong naglakad. Halos takbuhin ko na nga. May tatlo kasing lalaki ang na-daanan ko sa may tindahan. Estudyante sila ng Saint Paul dahil sa suot nilang uniform. Kinabahan ako. At nakaramdam ako ng takot.

"Hey, Miss! Wag kang tumakbo!" Habol ng lalaki.

Tumakbo ako nang tumakbo. "Bakit ba ako sinusundan ng tatlong iyon. God help me." Bulong ko.

Sundan natin siya dali!" Narinig kong sabi ng isang lalaki.

Lalo akong natakot. Nagmadali akong tumakbo hanggang isang street pa ang layo ng apartment ko.

"Tulong!" Sigaw ko habang nagtatakbo ako. Pero wala man lang nakakarinig. Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa may nabangga ako.

"F-Frits!"Garalgal kong sabi tapos umiyak ako sa kanya sa sobrang takot.

Kumunot ang noo niya. "Anong nangyari, Ally?"

"F-Fritss... tulungan mo ako, may humahabol sa'king mga lalaki." Sabi ko.

Niyakap ako ni Frits at umiyak ako sa bisig niya. Takot na takot ako. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalamig ang mga katawan ko sa sobrang takot.

"It's okay Ally, wag kang matakot andito na ako." Pag-aalo niya sa'kin.

Tinitigan ko siya. Nakita ko ang pag-aalala niya sa'kin. Tumango na lang ako.

"Ayon ang babae!"

Napalingon kaming dalawa ni Frits. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Frits.

"Tara na Frits, tumakbo na tayo." Sabi ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag kang mag-alala."

"Pare, ibigay mo na sa'min ang girlfriend ko." Sabi ng lalaki.

Girlfriend? Ang kapal naman ng mukhang niya sabihing girlfriend niya ako. Napakapangit niya naman. Tiningnan ko si Frits. Bakas dito ang matinding galit. Kuyom ang kamao niya.

"Girlfriend? She's my girlfriend she's only mine!" sabi ni Frits.

Ang sarap sanang pakinggan ang sinasabi ni Frits. Kung hindi lang sa ganitong sitwasyon baka kinilig na ako.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon