CHAPTER 63

344K 7.4K 566
                                    

MADDISON'S P.O.V.

Inis kong binato ang Cellphone ko sa galit. Kahit kailan talaga walang kwenta 'yang si Teo, hindi ko man lang maasahan na tumulong.

Kinuha ko ang alak na nasa bote at tinungga ko iyon, sukdulan ang galit ko sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Frits. Lalo na ngayon masaya siya.

"Hindi ako makakapayag na maging masaya siya! Hinding-hindi!" Sigaw ko. Pagkatapos binato ang hawak kong bote na may lamang alak.

Kinuha ko ang Picture ng kakambal kong si Thania sa drawer ko. Pagkatapos muli kong inalala ang nakaraan noong nabubuhay pa si Thania.

Saint Paul International Academy.

"Maddison, sa wakas nakapasok na rin tayo sa school na ito, makikita ko na palagi ang crush kong si Frits," tuwang-tuwa na sabi ni Thania.

Ngumiti ako sa kakambal ko. At hinawakan ko siya sa balikat.

"Tandaan mo Si Frits Santiago Casanova iyon, kaya hindi nakapagtatakang maraming babae ang mahumaling diyan, Crush lang Thania. Dapat hanggang do'n lang."

Tumango si Thania, "Yes, Twin."

"Kyaahh!" Dumating na si Frits Santiago!" Tiling sigaw ng mga estudyanteng babae.

Nang nilingon ko si Thania. Wala na sa harap ko, napabuntong-hininga ako, pagkuway umiling na lang, at sinundan ang mga estudyanteng pinagkakaguluhan ang Casanova ng school.

"Maddison, ang gwapo talaga niya." Kilig na kilig na sabi ni Thania.

Sinipat ko si Frits. Gwapo nga siya. Pero masyadong babaero. Napasimangot ako ng makitang kong may bigla itong ni-lips to lips sa mga babaeng nag-aabang sa kanya.

"Eeww!" Bulong ko.

"Ayyiehh! Kaiinggit naman sila, sana ako rin ang hinalikan." usal ng isang babae

"Sino pa ang gustong halikan ko?" Tanong ni Frits.

"Tss! Kailangan talaga pinagsisigawan iyon grabe yabang!" bulong ko.

Ang daming sumigaw ng "AKO!"
pero ang nakatawag pansin sa'kin ay ang boses ni Thania.

"Ako!" Aniya.

Nilapitan ko si Thania. "Thania wag please!"

"Maddison, gusto ko siya."

"Pero hindi siya nagseseryoso."

"Sino sa inyong dalawa? Kambal kasi kayo eh," ani Frits ng makalapit siya sa'min.

Tinaas ni Thania ang kamay niya.
"Ako! I want to taste your lips."

Ngumiti si Frits. "Transferee kayo dito?" Tanong Frits.

Tumango si Thania, habang ako nanonood lang sa kanila.

"I see..." tapos bigla na lang hinila ni Frits si Thania. At sinibasib ng halik, napatakip ako ng bigbig ko sa sobrang pagkagulat ko.

Ang ibang estudyante kilig na kilig ang iba ay na-iinggit kay Thania.

"Whoo! Great taste Lady, thanks!" Ani Frits tapos umalis na siya.

Naiwang nakatulala si Thania, pula-pulang nilapitan ko siya.

"Okay ka lang? Ano ba yang pinaggagawa mo, Thania?"

"He kissed me... he kissed me Maddison, ohh, God! Pwede na akong mamatay!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon