CHAPTER 5

468K 12.2K 497
                                    

ALLY'S P.O.V.

Pagkatapos ng eksena namin sa tapat ng classroom ng section A. Hindi na ako muling lumapit doon. Naging Big issue kasi iyon sa ibang mga estudyanteng mga tsismosa at ingetera sa'kin. Mas lalo tuloy akong nainis.

Nasa loob kami ng cafeteria ni Dianne, upang mag breaktime. Umupo kami sa Bakanteng lamesa na malapit sa counter.

"Ano, Ally? suko ka na ba kay ultimate crush mo? Balita ko pinahiya ka raw sa classroom ng section A." tanong ni Dianne.

Gigil na gigil kong pinaghati-hati ang hotdog na nasa tray ko."That bulshit guy! Grrrr! I hate him! Akala mo kung sinong pogi, si Allyson Ramirez pinahiya niya. Badtrip! Badtrip!" Halos pasigaw ko dahil sa sobrang galit.

"Hey! Hindi 'yan si Frits, parang itsurang giniling na ang hotdog na 'yan calm down." Kampanteng sagot ni Dianne habang patuloy siya sa pagkain.

"Makikita niyang Frits Santiago na 'yan. Magbabayad siya sa'kin!"

"Girl, speaking of Frits Santiago, look who's coming the five Casanova, there, oh!"

Lumingon ako sa Entrance ng Canteen. At halos gusto kong bitbitin ang Tray ko at ihampas sa mukha ng Hambog na Frits na 'yan! matalim ko siyang tinitigan habang paparating ang limang Casanova.

"Kkyyaaaahhhhhh!" tilian ng mga babae. Parang laging may one Direction. kapag dumarating ang lima. Nagkukumpulan kasi ang mga estudyante para lang makita sila.

"Tsk! Bwiset siya! Magbabayad ang Frits Santiago na 'yan!" bulong ko.

"Hi, Ally! "Bati sa'kin ni Drek. Nang lumapit siya sa table namin.

"Hello!" Plastik kong tugon kay Drek.

"Can we join?" tanong pa ni Drek.

Tiningnan ko muna ang mga tao sa loob ng Canteen at halos lahat sila sa'min nakatingin.

"Hmp! Mga ingeterang mga panget!"bulong ko pa.

Tinitigan ko si Drek. "Hindi kayo welcome sa table namin. Ayokong makasama kayo sa lamesa namin." Nakataas pa ang kilay ko. Habang nakatitig ako sa kanila.

"Pero gusto namin dito. Baka kasi sa ibang table pagsamantalahan nila kami."ani Drek.

"Psh! Lahat mayabang!"sabi ko pa.

Nagsalubong ang kilay ko nang magsalita si Dianne. "Oo, okay lang sa'min dito na kayo umupo sa table namin kasya naman tayo. Di ba Ally?" Pinandilatan ako ng mata ni Dianne upang warningan ako na wag na akong kumontra pa.

"Haist! May magagawa pa ba ako."

Kung kailan naman ayokong makita ang si Frits saka naman lumalapit.

"Thank you girls, tara na mga brad, dito na tayo umupo." Pagyaya ni Drek. Nagsipag-upuan naman ang lima sa table namin.

Kung hindi ka nga naman mamalasin eh. Kaharap ko pa ang kina-iinisan kong lalaki si Frits. gusto ko ng tusukin ng tinidor sa sobrang inis ko sa kanya. Kaya bago pa tuluyang masira ang buong araw ko, tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap kay Drek at Dianne. "Ahm... guys! Excuse me. Mauna na ako sa inyo. may klase pa ako eh," tumayo ako na hindi tumitingin sa kaharap kong impakto.

"Di ba Ally? Mamaya pa iyon?" Sagot ni Dianne.

Pinandilatan ko si Dianne ng mata."Diba nga? dapat maaga ako kasi may gagawin pa ako. Alam mo 'yan!" Mariin kong sabi kay Dianne.

Agad namang na gets ni Dianne ang ibig kong sabihin. "Aayy! Oo nga pala. Sige mauna na kami, Bye!" Bigla namang tumayo si Dianne mula sa pagkakaupo niya.

"Bye, guys!" sabi ko. Pagkatapos umalis na kami.

***

FRITS'S P.O.V.

Malayo pa lang natatanaw ko na ang Table ni Allyson at ang Kaibigan niya. Pagpasok namin sa Cafeteria. Walang patid ang tili ng mga babaing nahuhumaling sa'min. Hindi naman kami mga Artista Or k-pop na dapat Habulin at tilian. Simpleng estudyante lang kami ng school na ito. Mga babae kasi masyadong O.A sa kalandian. Aish! Pati tuloy Private life ko apektado na.

Umupo kami sa table nila Ally. Ngunit Agad na Tumayo ang dalawa. Ramdam kong galit na galit sa'kin si Allyson. Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang. Parang gusto ko siyang tawagin at mag-explain sa kanya. Pinigilan ko lang ang sarili kong gawin iyon. Habang naglalakad sila Allyson papalabas ng Cafeteria. Hindi alam ng dalawa na tinatanaw namin sila.

"Oh? Bakit umalis ang dalawang pretty girls?" Tanong ni Luke. Dala-dala ni Luke ang order naming pagkain.

"Dahil siguro kay Frits kaya umalis yung dalawa." Sagot ni Drek.

Huminto ako sa pagsubo. "Anong kinalaman ko diyan?"

Tinitigan ako ni Luke. "Balita kasi namin. Pinahiya mo si Ally sa Classroom natin kanina?"

"Tss! Dapat lang sa kanya iyon!" Tipid na sagot ko. Tapos nagpatuloy ako sa pagkain.

"Kahit kailan talaga Frits. Napakasama mo sa mga babae, lalo na kay Ally." sabi ni Drek.

"Ang mga gano'ng klaseng babae. Hindi dapat kinaka-awaan, hayaan mo siyang magalit." Sagot ko.

"Ikaw na nga bahala Frits! Pag ikaw na karma sige ka lagot ka." Sabi ni Luke.

Nagsalubong ang kilay ko. Pagkuway bahagya akong ngumiti. "Bakit naman ako kakarmahin wala naman akong nilolokong Babae. Kayo ang kakarmahin kasi hindi na mabilang ang mga babaeng niloloko niyo."

Tumawa ang apat. "Friendly lang kami sa kanila, pinagbibigyan lang namin ang hiling nila ang makasama kami sa lugar na walang kusina. ha-ha-ha!"

Pailing-iling ako. Wala talagang kupas ang apat. Pagdating sa mga babae parang nagpapalit lang ng damit, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. habang kumakain ako. Pa-simple akong nakatanaw sa may pintuan ng canteen. Hindi ko maintindihan kung bakit inaasam kong makita na bumalik ulit dito si Allyson Ramirez.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon