CHAPTER 45

383K 9K 372
                                    

FRITS'S P.O.V.

Past eight in the evening ng matapos ang movie na pinanood namin. Dahil nakakaramdam na kami ng gutom. naghanap kami ng restaurant para kumain. Nakaposas pa rin ang mga kamay naming dalawa. Ang kaibahan nga lang ngayon hawak ko ang kamay niya. Holding hands while walking kami. Hindi ko binibitawan ang kamay niya sobrang lambot kasi nito. Hindi naman siya nagagalit. O siguro hindi naman niya siguro napapansin.

"Ahmmm... Frits," Ani Ally. Nakayuko siya ng nilingon ko.

"Bakit?"

"Ahh... Kasi parang kailangan kong pumunta sa Comfort Room." Sabi ni Ally, nakayuko pa rin siya habang nagsasalita.

Napangiti ako. Habang pinagmamasdan siya. Hiyang-hiya kasi siya.

"Eh, di pumunta ka na ng CR." Tipid kong sabi.

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin, "Paano? Nakaposas pa ang kamay ko. Tanggalin mo na kasi!"

Yumuko ako ng bahagya para mapagmasdan ko ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Sasamahan na lang kita sa C.R ng mga babae. Pero bantayan mo ako. Baka ma-gangrape ako." Sabay kindat ko sa kanya.

She frowned and rolling her eyes. "You're conceited, I hate you!"

Gusto kong tumawa. Dahil nakita ko na naman ang pamumula ng tenga niya sa galit sa'kin. Muli kong inilapit ang mukha ko. Lapit na lapit. Tapos tinitigan ko siya. Ang ganda talaga ng mga mata ni Ally. Napalunok tuloy ako.

"I love you too," Sagot ko.

"I loveyooHin mong mukha mo! Tanggalin mo na kasi!" Maktol niya.

Akala ko pa naman matutuwa siya sa sinabi ko.

"Ayoko nga!" Sabi ko sa kanya.

Tinaas niya ang kamay niyang may posas. "Tanggalin mo na kasi! Please!e" Ulit niya sa'kin.

Bumuntong-hininga ako."Sige, pero doon sa tapat ng pintuan ng female CR room ko tatanggalin."

"Haist! Ikaw ang bahala, let's go!" Ani Ally. Tapos nag-umpisa nang maglakad si Ally.

Sumunod na lang ako sa kanya. Hindi naman sa takot akong mawala sa paningin ko si Ally. Gusto ko lang siyang makasama ng buong araw na ito

Nasa tapat na kami ng comfort room ng mga babae. Nakita ko agad ang mga babae na nakatingin sa'min.

"Ang gwapo noong guy na iyon oh!" Narinig ko pang sabi ng isang babae.

"Oo nga, type ko siya, tara lapitan natin." Usal pa ng isa.

"Psh! Nakakainis talaga ang mga ganoong babae. Masyadong lantaran ang kalandian. Kaya bago pa ako masira ang mood ko, kinuha ko na sa bulsa ko ang susi. In-unlock ko na sana ang posas namin ni Ally, kaya lang bigla niya akong pinigilan. Hinarang niya ang isa niyang kamay.

"Wait!" Ani Ally.

Napakunot ang noo ko. "Bakit mo ako pinipigilan?"

Sa halip na sagutin niya ako. Hinila niya ako palayo sa CR ng mga babae.

Nakangiti siya sa'kin. "Mamaya na lang ako gagamit ng comfort room. Kain muna tayo nagugutom na ako eh," ani ni Ally ng makalayo kami.

Gusto ko siyang yakapin at paliguan ng halik sa sobrang saya. Alam ko naman kahit hindi niya aminin. Inilayo niya ako sa mga babaeng balak sana akong lapitan kanina. Gustong kong isipin na nagseselos siya sa mga iyon.

"Sigurado ka ba, Ally?"

She nod. "Matitiis pa naman."

Lumapit ako sa kanya tapos pinisil ko ang pisngi niya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon