CHAPTER 76

300K 6.4K 547
                                    


ALLY'S P.O.V.

Welcome home mga Anak!" Bungad sa'min ni Mama Faith.

Pasado ala-una ng madaling araw kami nakarating ng Mansion. Niyakap niya kaming dalawa.

"Mom, kumusta na po? Where's Dad?" Tanong ni Frits.

"Hay, naku! wag mo nang tanungin ang Daddy mo'ng workaholic," lumapit sa'kin si Mama Faith. "Ally anak. Kumusta ang Wedding? Kumusta ang Honeymoon niyo? May mga regalo pala ako sa inyong dalawa."

Yumuko ako sa hiya.

"Mom, hindi kami nag honeymoon," sabad ni Frits.

"Bakit naman? Paano ako magkaka-apo niyan? Ikaw talagang bata ka! Napakahina mo."

Tumingin siya sa'min. "Di bale pwede naman to be follow iyon eh, basta wag niyo lang tagalan, alam niyo kasi excited na akong magka-apo."

"Stop it Mom! Kung ano-ano ang sinasabi niyo, magpapahinga na kami," hinawakan ako ni Frits sa balikat. "Let's go Wife!"

Tumango ako sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita dahil para akong naputulan ng dila. Very awkward kasi yung topic ni Mama Faith. It's beyond our limitation, ewan ko ba? Basta pag gano'n ang topic putol ang dila ko.

"Oo, nga pala mga anak. Yung kwarto niyo pinag-isa ko na." Tipid na ngiti ni Mama Faith,

"WHAT!" Sabay naming sabi ni Frits.

Nilamukos ni Frits ang mukha niya sa sobrang inis. "Bakit niyo iyon ginawa Mom?"

Nagcross-arm si Mama Faith. "Mag-asawa na kayo eh, so dapat lang na-iisang kwarto na kayo."

"But Mom... hindi naman siya totoong-

"Whatever! Kasal pa rin kayo." Sabay talikod ni Mama Faith sa'min.

Pailing-iling kami habang sinusundan ng tingin si Mama Faith. Kung O.A si Frits sa kasal namin? Mas O.A pala ang Mommy niya. Now i know kung kanino nagmana si Frits sa pagiging OA.

"Ano pa ba magagawa natin? Pagbigyan na lang natin si Mama Faith," sabi ko.

"You mean- gagawa na tayo ng magiging Apo ni Mommy," nakangiti pa siya habang nag spark ang matang nakatingin sa'kin.

I glared him.

He laughed. " I'm just kidding,"

I rolled my eyes. "Siguraduhin mo Boyfriend."

"Yeah, let's go!" Hinawakan niya ang kamay ko.

Sumunod ako sa kanya patungo sa kwarto naming dalawa. Sobrang laki ng kwarto iyon. Parang isang bahay na kasya nga ang tatlong kama. May refrigerator din na nasa loob ng kwarto.

"Ang laki ng kwartong ito, noh! Boyfriend." Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid.

Humiga si Frits sa malambot na kama. "Matagal na itong pinagawa ni Mommy, para kapag nag-asawa ako may kwarto na kami ng magiging asawa ko." Tumingin siya sa'kin. "At ikaw iyon Wife ko."

Ngumiti ako sa kanya.
"Wow! Ang sweet ng Husband ko." Sabi ko pa.

"Sabihin mo nga ulit iyon Wife ko."

Tumaas ang kilay ko.
"Ang alin do'n?" Takang tanong ko.

"Yung sinabi mo kanina."

"Yung sinabi kong HUSBAND?"

Tumango siya sa'kin, "Ang sarap naman pakinggan ng sinabi mo na. I'm your husband."

"Kinilig ka ba?" Tanong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon