CHAPTER 21

382K 9.4K 495
                                    

ALLY'S P.O.V.

Gabi na ng ihatid ako ni Frits, buti na lang wala ang Mommy at Daddy ko. Dahil kung hindi? siguradong mapapagalitan ako dahil gabi na ako umuwi.

"Thank you, sa paghatid Frits!" Sabi ko,

Nakapamulsa si Frits Habang nakatingin sa'kin. "Thank you rin. ahmm... Ally, Susunduin kita rito bukas ng umaga ha! Wag kang aalis kapag hindi ako dumadating."

Tumango ako. "Sige, bukas na lang. Salamat."

Ngumiti siya sa'kin."Bye! Ally." Pagkatapos lumapit siya sa'kin at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa Lips. Hindi ko nagawang kumilos. Nakatayo lang ako habang si Frits ay dire-diretsong umalis at sumakay sa kotse.

"Bye! Frits." sabi ko sa Mahinang boses habang nanatili akong nakatayo kahit wala na si Frits, nakatulala  ako habang hawak ko ang labi kong ninakawan ng halik ni Frits.

"Totoo ba ito? Hinalikan niya ako sa lips? Oh, my gosh! I cant believe it, i'm gonna die now! "Bulong ko sa sarili.

"Senyorita, Allyson, bakit nandiyan po kayo sa labas ng bahay? Pumasok na po kayo." Sabi ng katulong namin.

Para akong zombie na naglalakad papasok ng Bahay. Nakalutang ang utak ko.

"Senyorita, okay lang po ba kayo?" Tanong muli ng katulong namin.

Lumapit ako sa katulong namin at tinitigan ko siya.

"Ahm... sorry po Senyorita Ally kung may nasabi akong mali." Tarantang sabi ng katulong namin.

Ngumiti ako sa katulong namin.
"Thank you po, Manang. Thank you sa pag-iintindi sa'min nila Mommy." Dumukot ako sa bag ko. May chocolate kasi akong binili sa Mall kanina, "Sa inyo na po 'yan! Bigyan niyo na lang po 'yung iba. Sige po Yaya, Matutulog na po ako." pagkatapos pumihit ako patalikod sa kanya at umalis sa harapan ng katulong namin.

"Huh? Anong nangyari kay Senyorita? Mukhang ibang tao. Naihipan yata ng hangin, Diyos ko! Baka mag end of the world na talaga. May signus na eh," naririnig kong binubulong  ng katulong namin habang papalayo ako sa kanya.

Padapa akong humiga sa kama ko, pagkatapos muli kong hinawakan ang labi ko. he kissed me! he Kissed me! Kyaaahh!" Nagtitili pa ako sa kwarto ko, pagulong-gulong ako sa kama at tumalon-talon pa ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss sa lips ng mahal mo? Sobrang happy!" Bulong ko pa.

Bigla kong naalala ang nangyari sa bahay nila Frits.

"Thania? Sino kaya si Thania? At bakit galit na galit si Frits kay Maddison?"

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ko ang number ni Frits, nang makita ko ang number niya. Nag-isip muna Ako. kung tatawagan ko siya para tanungin. Hanggang lumipas na ang sampung minuto saka ko lang naisip na wag na siyang tawagan.

"Hahayaan ko na lang na siya ang magsabi sa'kin. Baka magalit pa siya sa'kin." bulong ko.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko, tapos nag-umpisa na akong matulog upang makasama ko si Frits sa Dreamland ko.

Kinabukasan

"Allyson, anong oras na? Bakit hindi ka pa umaalis? Tanghali na! Ma-late ka na niyan." Galit na sabi ni Mommy.

Pasado-alas otso na kasi ng umaga, hindi pa rin ako nakakaalis ng bahay, maaga pa naman akong nagising, ang totoo hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi.

"Ano hindi ka pa ba aalis?" Muling tanong ni Mommy. Nakapa-meywang  pa siya sa harapan ko.

Sumimangot ako. "Nasaan na kasi  si Frits, sabi niya susunduin niya ako dito." Sabi ko sa isip.

"Aalis na po." Kinuha ko ang bag ko at umalis na ako hinatid ako ng driver namin sa pagpasok ng School.

Nang makarating ako sa Classroom namin. Agad na lumapit sa'kin si Dianne.

"Bakit late ka?"

"Nakita mo ba si Frits?" Tanong ko kay Dianne.

"Oo, ang aga niyang pumasok eh, bakit?"

Nakaramdam ako ng inis para kay Frits, kahit pala mamuti ang mata ko sa kahihintay sa kanya. Wala pa lang Frits na susundo sa'kin.

"Gano'n ba?"

"Bakit ka ba late?'

"Ah, wala! Tinamad kasi akong pumasok, kaya lang hindi pala aalis ng bahay sila Mommy kay no choice pumasok na lang ako kaysa naman sermonan lang ako." Alibi ko.

"Sabi na nga ba eh, tinamad kang pumasok."

Hindi na lang ako umimik hinayaan kong iyon ang isipin ni Dianne,

"Humanda ka sa'kin Frits Santiago!" Sabi ko.

Nang mag-umpisang magbreak time. Agad kong hinanap si Frits, nakita ko siya sa tambayan nila kasama niya ang mga kaibigan, malayo pa lang naririnig ko ang usapan nila. Kaya hindi agad ako nagpakita sa kanila. Nagtago ako kung saan hindi nila ako makikita pero naririnig ko ang
Pinag-uusapan nila.

"Frits, Bakit hindi mo sinundo si Ally? Kawawa naman." tanong ni Patrick,

"Hayaan mo siya! Masyado siyang assuming."

"Kala ko pa naman gusto mo na siya." sabad ni Luke.

"Tss! In her dreams, she's not my type!"

"Bakit ka ba nagagalit sa kanya? sa tingin naman namin nagbago na siya.

"Naniwala naman kayo."

"So, hindi ka nagseselos kapag kasama niya si Zyrus Villan?"

"Hindi, Bakit ako magseselos? malandi na nga masama pa ang ugali ni Allyson, siya ang babaing hindi dapat minamahal at siniseryoso" ani Frits.

"Gano'n pala ang tingin mo sa'kin, Frits!" Pasigaw kong sabi.

Lumingon silang lahat sa'kin kitang-kita ko ang pagkagulat nila ng bigla akong sumulpot sa harapan nila.

"Ally!"

Matalim kong sinasalubong ang mga titig niya sa'kin. Habang papalapit ako sa kanya pagkatapos gigil na gigil ko siyang sinampal sa pisngi.

"Lahat pala ng ito pagpapanggap mo lang." Ngumisi pa ako habang nakatitig sa kanya. "Ang tanga-tanga ko naniwala ako sa'yo."

"It's not my problem. Mahilig ka kasing maniwala eh," sagot ni Frits.

"How dare you!" Muli kong sinampal si Frits, "Ano bang kasalan ko sa'yo? Bakit mo ako sinaktan ng ganito ha! Frits. Akala ko totoo ka! Iyon pala sasaktan mo lang ako. I hate you!" Pinagsusuntok ko siya. Habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko.

"Stop it! Hindi kita gusto! Alam mo kung bakit? Dahil ayoko sa mga katulad mong masama ang ugali. Maldita ka! Ayoko sa'yo. Kaya lang ako lumalapit sa'yo dahil gusto mo, di ba? kaya lang naman ako naging boyfriend mo dahil kay Yaya Chedeng! Ikaw! Ikaw lang ang may gusto ng relasyon na ito. Kaya wag kang umasa na magugustuhan kita."

Huminto ako sa pagsuntok sa dibdib ni Frits. Ang sakit pala, ang sakit pa lang marinig sa kanya ang totoo,  pagkatapos tumakbo ako ng tumakbo palayo sa lugar na iyon.

"Ally!" Tawag ni Luke.

Hindi ako lumingon, tumakbo ako ng tumakbo, hanggang sa may dumaang taxi at doon ako sumakay.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon