CHAPTER 25

372K 9.4K 572
                                    

FRITS'S P.O.V.

Maaga pa lang Marami ng naka-abang sa Entrance ng School, maraming sasakyan ang pumasok, mga estudyanteng anak ng kilalang tao sa lipunan. Maraming mga estudyante ang nag-aabang sa mga sikat na estudyante ng school dahil maraming nagkakagusto sa kanila at palihim na minamahal sa realidad Or kahit sa panaginip. Ngunit ang mga estudyanteng nagkumpulan doon, isa lang ang nais nilang makita kaming limang Casanova ng School.

Sabay-sabay na huminto ang sasakyan namin sa tapat ng mga naka-abang na mga estudyante.

"Kyaahh!"

"Andiyan na sila!"

"Tara girls doon tayo sa unahan."

"Nandiyan na ang limang Casanova."

Halos 'yan parati ang maririnig ko sa mga estudyante ng Saint Paul International Academy, sa tuwing dumarating kaming limang sikat na sikat na casanova ng School. Akala mo palaging may kpop na dumarating sa school namin kung makatili sila sa'min. Minsan naiinis na talaga ako sa mga babae. Minsan kasi nababalitaan kong nag-aaway-away sila dahil sa'min. Para tuloy buwis buhay na sila sa pagtitili at sobrang kilig sa'min.

"Good morning, Girls!" Bati ni Luke ng makababa siya ng kotse, kumaway pa siya sa mga babaeng nag-aabang samin.

"Kyaaa! Kinawayan ako ni Papa Luke."

"Hindi ako ang kinawayan no'n. Kyaahh!" Sabi pa ng isang girl.

Sunod-sunod na bumaba si Drek, Patrick, Troy, at panghuli ay ako. halos gumuho ang mundo ng mga babae ng makita nila ako. Kinindatan ko sila. Dahilan para himatayin sila sa kilig sa'kin.

"Hi girls! Ngumiti pa ako habang may ka-akbay akong dalawang babae, nakapalupot pa ang dalawa sa'kin.

"Oh, my Gosh! Si Frits Santiago ba talaga 'yan?" Gulat na gulat na sabi ng isang estudyante.

"Namamansin na siya, laya lang may kasama siyang girls."

"Certified casanova na talaga. Kyaaa! It means may chance na tayo mga girls!"

"Oo nga,Kyaaa!"

"Frits, anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Drek ng lumapit siya sa'kin.

"Nothing, masarap pala maging playboy. Hinalikan ko pa ang dalawang babae sa lips.

"Oh, Noo! He kissed them!" Sigaw ng isang estudyanteng nakatingin sa'min. halos mawalan naman ng ulirat ang mga estudyante ng makita ang ginawa ko.

Pinagmasdan ako ng apat kong kaibigan. "Siguraduhin mo lang na masaya ka sa ginagawa mo."

"Umiwas ako ng tingin sa apat. "Ofcourse!"

"Oh, my Gosh! si Allyson Ramirez ba iyon?"

"Allyson, my love!"

"Si Allyson ba iyon?"

Napalingon ako sa babaeng papasok ng campus, si Allyson, she look very seductive girl, pati ang pagsuot ng uniform, binago na rin niya, bago na rin ang hairtsyle niya, korean hairstyle na. Nagpa-blonde pa siya ng buhok, lalong bumagay sa kanya. Lumitaw lalo ang kulay niya, napansin kong halos lahat ng estudyante. Lalaki at babae napanganga habang nakaabang sa pagdating niya.

"Hi, Ally! Bati ni Luke ng papalapit siya sa'min.

Huminto si Ally at Ngumiti siya kay Luke. "Hello Luke!"

"Mukhang lalo tayong gumanda ngayon ah," ani Luke.

"Hindi naman." sagot ni Ally.

"Kamusta na pala pakiramdam mo? Balita namin nagkasakit ka raw?" sabat ni Troy.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon