CHAPTER 36

410K 9.4K 310
                                    


ALLY'S P.O.V.

Natapos ang klase ng buong araw. Halos laking tuwa ng mga professor namin dahil first time kong nakompleto ang buong araw na pumasok ako. This is very new for me. Kung dati lagi akong bored kapag nagle-lecture ang professor namin. Ngayon kahit gusto ng pumikit ang mata ko. Pinipilit kong gisingin ang diwa ko. At intindihin ang tinuturo ng professor namin. dahil kailangan, Determination ang kailangan ko.

"Ally, sumabay ka na sa'kin sa pag-uwi." Ani Dianne

"Mauna ka na. May gagawin pa akong assignment eh,"

lumapit sa'kin si Dianne. At nagcross-arm. "Ally, Sa bahay mo na 'yan gawin. Let's go!"

"Okay lang ako, Dianne. Sige na mauna ka na."

"Aish! Ang tigas talaga ng ulo mo. Sige ipapahatid kita sa driver namin mamaya."

"Dianne, wag na!"

"Hindi pwede, bye! Hintayin mo ang driver namin."

Nagbeso-beso kami. "Ingat ka, ha!'

"Ikaw din. Mag-ingat ka rito."

Tapos umalis na si Dianne.
Nilabas ko ang libro at nagsimula na akong balikan ang tinuro kanina ng professor namin. Habag nagbabasa ako ko, hindi ko mapigilan ang paghikab ko. At pagpikit ng mata ko, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Naramdaman ko na lang ang pagtapik sa mga balikat ko.

"Hey! Ally, wake up!"

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

"Luke?"

Nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa ang isang kamay at nakangiti sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hinintay kang magising, sabay na tayong umuwi."

"Pero, Ihahatid na ako ng driver ni Dianne."

"Past seven na at wala ng tao rito, buti na lang dinaanan kita, 'yung driver ni Dianne, pinauwi ko na,"

"Kanina ka pa?"

Tumango siya. "Hinihintay kita ng Almost one hour. Hinintay kong magising ang sleeping beauty." Tapos may dinukot siya sa bulsa niya. Susi ng room nila. "Tayo ang magsasarado ng Classroom niyo," ngumiti siya sa'kin.

Tumayo ako. At isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko.

"Hindi ka naman yata nakapag-aral eh, natulog ka lang." ani Luke.

Hindi nga ako nakapag-aral dahil nakatulog ako. Paano ba ako matuto kung sa tuwing mag-aaral ako, aantukin lang ako. Hindi naman ako katulad ni Luke na matalino. Kahit hindi magsunog ng kilay kayang ipasa ang lahat ng exam. Isang sipat lang nito sa libro kabisado na.

"Nakatulog na kasi ako. Sa bahay ko na lang ito tatapusin."

"Let's go!"

"Ally, nabalitaan ko nangyari sa'yo kanina. Bakit hinayaan mo silang saktan ka?" Ani Luke habang nasa daan sila.

"Wag mo nang isipin iyon. Okay na ako."

"Next time, lumaban ka. Hindi ibig sabihin na wala na ang lahat sa'yo. Hahayaan mo lang na tapakan ka nila. Hindi ganyan ang Ally na kababata ko."

Pinikit ko ang mga mata ko. Ayokong makita ni Luke ang pagpatak ng luha ko. Simula kasi ng mawala sila Mommy parang naging mahina na ako. Parang araw-araw na lang akong umiiyak.

"I'll take a nap, gisingin mo na lang ako kapag nasa tapat na tayo ng bahay namin." Pag-iiwas ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Luke. Pero hindi ko na lang pinansin. Alam ko namang nag-aalala siya sa'kin. Pero ayoko na munang idamay sila sa problema ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon