CHAPTER 55

383K 9K 633
                                    

ALLY'S P.O.V.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa gate.

"Tok! Tok!"

"Ma'am Ally," binuksan ng guard ang gate. "Bakit ngayon lang po kayo?" Ani guard.

"Eh, kasi po, may pinuntahan  po ako. Ahmm... si Frits po?"

"Nandiyan na po siya Kanina pa."

"Gano'n po ba? Sige po papasok na ako,"

Pinindot ko ang doorbell ng ilang ulit. Pero walang Frits na lumalabas para pagbuksan ako.

"Haist! Tulog na yata."sabi ko sa isip ko.

Tumalikod na ako. Bukas na lang siguro ako babalik. Tulog na siguro si Frits, hindi ko rin naman dala ang susi nasa kwarto ko.

"Ally..."

Napalingon ako, nakita ko si Frits. Namumula ang mukha.

"Ally," bigla niya akong niyakap, napayakap na rin ako sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura mo, Young master?"

Ngumiti si Frits. "Wala ito, wag mong intindihin ito, salamat at bumalik ka."

"Kailangan kong magstay hanggang five years eh."

"I miss you, Ally."

Ito naman ang drumer sa puso ko may fiestahan na naman yatang tutugtugan.

"Hindi mo ba ako nami-miss?" Tanong ni Frits.

"Siyempre na-miss din naman." sabi ko.

"Ako na miss na miss kita." Tapos niyakap niya ulit ako.

"Ano ba 'yan Frits my love. Naka-register ka ba sa Unli hugs? Nakakadami ka na eh, gusto ko 'yan." Sabi ko sa isip ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na kumain na tayo."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka pa kumakain?"

Umiling siya. "Yap! One day na akong hindi kumakain."

"Bakit?"

Tiningnan niya ako. "Hindi kasi ako makakain kapag wala ka."

"Ayiee! Kilig much. Gusto na kitang I-super kiss at i-power hug! Ang Sweet mo." Sabi ko sa isip ko.

"Kapag hindi pala ako umuwi rito. Hindi ka kakain?"

Tumango siya. "Bakit naman? Magkakasakit ka niyan."

"Ikaw kasi ang buhay ko. Kung wala ka hindi ako mabubuhay. Hindi ako makakain."

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko na mapigilang kiligin, nakakainis kasi itong si Frits kung ano-ano ang pinagsasabi. 'Yan tuloy i'm blushing,

"Anong nakain mo?"

Kumunot ang noo niya.
"Huh? Hindi pa nga ako kumakain. Last kong kain noong magkasama tayo."

Ngumiti ako. "Ganyan pala ang epekto sa'yo ng gutom nagiging sweet ka."

"Kinilig ka ba?"tanong niya.

"Hindi noh!" Pagtanggi ko,

"Hindi raw, tingnan mo nga! Pulang-pula mukha mo, kinikilig ka eh,"

"Tse! Ewan ko sa'yo!" Nauna na akong pumunta sa kusina. Hinabol niya ako. Pero hindi ko siya pinapansin. Pinaghanda ko na lang siya ng pagkain.

"Ikaw ba nagluto nito?" Tanong ko sa kanya. Pritong porkchop kasing niluto.

"Yap! Ayokong bumili ng pagkain sa labas."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon