CHAPTER 77

342K 7.3K 355
                                    

ALLY'S P.O.V.

Ilang beses kong pinakikinggan ang ni-record ko kaninang pag-uusap namin ni Maddison,.

"Pwede na kaya itong maging ebidensya laban kay Maddison?"

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad kong pinindot ang cancel ng record ng cellphone ko,tapos mabilis ko iyong itinago sa bag ko, nakita kong papasok si Frits.

Lumapit siya sa'kin. At tumabi sa'kin. "Anong pinagkakabalahan ng wife ko?hmm."

"Wala naman,"tipid kong ngiti.

Tumingin siya sa'kin, tapos nangunot ang mukha niya.

"Nagsisinungaling ka."

Masyado ba akong obvious para hindi maitago sa kanya ang nalaman ko. Darn! Bakit gano'n?

"Wala naman akong tinatago sa'yo ah?" Sabi ko sa kanya.

"See? Ikaw na rin ang nagsabi na wala? But you lied, "

"Bakit naman?"

"Dahil wala naman akong sinabi na may tinatago ka. Pero ngayon alam ko ng meron. Tell me ano ba iyon?" Tinitigan niya pa ako.

"Ang shunga mo, Ally! I hate my self na talaga!"sabi ko sa isip.

Gusto kong kurutin ang sarili ko sa katangahan ko. Nahuli tuloy ako. Bakit ba hindi ko magawang magtago pagdating kay Frits.

"Ano kasi——

"What?"

Tiningnan ko si Frits. Bakas sa mukha niya ang pagnanais na malaman ang nagpapabagabag sa kalooban ko. At kahit anong gawin kong pagtatago. Mahuhuli pa rin niya ako, huminga ako ng malalim tapos kinuha ko ang cellphone ko. Nakamasid lang siya sa'kin, tapos inabot ko sa kanya.

"Pindutin mo ang PLAY."
Sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang cellphone ko.

Ginawa naman ni Frits iyon. Narinig niya ang conversation namin kanina ni Maddison, habang pinakikinggan ni Frits. Nakita ko sa mga mata niya ang galit. Napansin ko rin ang pagtiklom ng kamao niya.

"Wag ka nang lumapit sa kanya, mapapahamak ka lang Wife ko."

"Anong gagawin natin?"

"Wag mo ng isipin ang mga bagay na iyan, ako ng bahala do'n. Isipin mo ang BIRTH—— ang pag aaral mo."

"Anong sabi mo?" Para kasing may iba pa akong narinig sa kanya.

Umiwas siya ng tingin.
"Sabi ko isipin mo ang pag-aaral mo."

"Sigurado ka?" Muli kong tanong.

Tumango siya sa'kin.
"Muntik ko ng makalimutan. Ayusin mo pala ang gamit mo ngayon Wife. May get together tayo nila Drek siyempre kasama si Dianne tomorrow morning."

"Huh?eh, di ba? kakapasok pa lang natin?"

"It's okay. Malapit naman ng mag sembreak. Kaya okay lang iyon." Ngumiti pa siya sa'kin.

"Sige ikaw bahala. Ahmm... Frits alam mo ba kung anong petsa ngayon?"

Alam ko naman ang araw ngayon. Gusto ko lang may maalala si Frits.

Humiga siya sa kama at naglaro sa cellphone niya.

"March 28 bakit?"

"28? March 30 ang birthday ko. At mag eighteen na ako." Pabulong ko.

"May sinasabi ka Wife?"

"Ha? Wala-wala!" Saglit lang aayusin ko muna ang gamit natin."

"Sige, hihintayin na kita, sabay tayong matutulog,"ani Frits

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon