CHAPTER 23

359K 8.3K 167
                                    

MADDISON'S P.O.V.

"Cheers! sister," Sabi ko sa kapatid kong si Maureen.

Ako nga pala si Maddison Kim, nineteen years old, graduating na ako next year ng business management, matagal ko ng kakilala ang limang casanova especially si Frits, nag-enrol kami sa Saint Paul International Academy para makipaglaro sa kanila.

"Ate Maddison, Ang bilis mo naman magtrabaho. Nasira mo na agad ang love life ni Frits," Ani Maureen iyon.

Ininom ko muna ang alak na nasa baso ko. "Ofcourse! Bago ka sumugod sa kalaban mo. Alamin mo muna ang mga kahinaan nila."

"Ha-ha-ha! The best ka talaga! Hindi pa tayo nakakapasok sa SPIA knock out na sila. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na araw."

"Hmm... maghintay ka lang sister. Mas maraming mga araw. Mas maraming kasiyahan, di ba?" Ngumiti pa ako.

"Yeah, right! Cheers!" sagot ng kapatid kong si Maddison.

"Ate, paano mo pala nakuha ang mga picture na iyon?"

"Marami tayong mata sa loob ng school. Kaya hindi iyon mahirap gawin."

Ang totoo, matagal ko ng binabantayan si Frits, alam na alam ko kung sino-sino ang mga babaeng umaaligid sa kanya, nag-iintay lang ako ng pagkakataong makapili si Frits sa mga babaeng nagpapakita ng pagkagusto sa kanya, at 'iyon nga si Allyson Ramirez, nag-umpisa akong mangalap ng mga impormasyon na maaring makasira sa babaing gusto ni Frits.

"Kawawa naman ang babaeng iyon ate Maddison." sabi ni Maureen habang umiinom sila ng alak.

"No, sister! Kawawa ang mga babaeng mamahalin ni Frits, dahil hinding-hindi ako papayag na maging masaya si Frits Santiago!"

"Gusto ko 'yan, Ate Maddison."

"Ohh! Cheers!" Sabay ngiti ko sa kapatid ko.

"Mukhang nagkakasiyahan kayong magkapatid."

Lumingon kaming dalawa ni Maureen. At napangiti ako nang makita ko kung sino nagdumating. Si Teo,

"Cousin!" Tumayo si Maureen at niyakap ang pinsan namin.

"Teo, anong masamamg hangin ang pumasok sa'yo at naparito ka?" Tanong ko.

Teo Kim Lugen, twenty years old, isa sa mga gangster ng Saint Paul International Academy, Pinsan namin si Teo  sa side ng mother ko, isa si Teo sa mga taong nagbibigay ng impormasyon sa'kin. Sabi niya, hindi raw siya naniniwala sa love, kaya ang trip ng pinsan ko Ay ang pagtripan ang mga baduy na couple, geez! Kung may cupido si Teo naman ang kabaliktaran ni cupido.

"Well, gusto ko lang makita ang mga pinsan kong magaganda."

"Oh, really! Tell me ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

Umupo si Teo at nagshot ng alak.
"Gusto ko lang malaman kung anong plano niyo kay Allyson Ramirez?"

I rolled my eyes, "Bakit mo tinatanong? May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ko kay Teo.

"Ako?" sabay tawa niya ng malakas. "Hindi ako naniniwala sa love Maddison. Bakit 'yan ang naisip mo?"

"Gusto ko lang makasigurado."

"Hindi ko siya gusto. Kung 'yan ang iniisip mo. Gusto ko lang malaman dahil gusto kong ibalato mo na sa'kin si Ally."

"Huh? Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dahil kapag hindi mo ginawa iyon? Isusumbong kita kay Tita."

Tinitigan ko ng masama si Teo, "Tinatakot mo ba ako, Teo?"

Ngumisi si Teo sa'kin, tapos sinaid ang alak na nasa baso niya. "Nope! binabalaan kita."

"Fvck you Teo!"

"Si Frits Santiago ang paglaruan mo. wag na wag mong gagalawin si Ally, co'z Allyson Ramirez is my toy."

Gigil na gigil kong tinitigan ng masama si Teo, pero nakikita ko sa mga mata niya na wala itong pag-aalinlangan sa mga sinasabi, sabagay. Si Frits lang naman ang gusto kong gantihan. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos muli ko siyang tinapunan ng tingin.

"Okay! Sige hindi ko papakialaman si Allyson Ramirez. Sa isang kondisyon? Wag na wag kang makikialam sa mga gusto kong gawin!"

"Deal! Tumayo siya. Bye! Cousin."

"Ate Maddison, Mukhang nagsisinungaling si Teo. Mukhang gusto niya si Ally, Ano sa tingin mo?"

"Siguro, pero hindi niya ako mapipigilan." Nilaro-laro ko ang alak na nasa loob ng baso ko, bukas na ang simula Maureen.

"Umpisahan na ang laro kung saan tayo ang mananalo at sila ang talunan." Biro ni Maureen.

Nginitian ko siya at pinagpatuloy ko ang pag-inom ng alak.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon