CHAPTER 10

420K 10K 520
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Tok! Tok!

Sino kayang maagang nambu-bwiset sa beauty rest ko? Lagot siya sa'kin kung sino man iyon." Bumangon ako sa pagkakahiga at inis na binuksan ang pinto.

"Sino ka bang isto—"

"Ally? Anong oras na? Hindi ka pa rin nagbibihis?" Sabi ni Mommy nakataas ang kilay at nakacross-arm.

" M-Mommy?" Gulat na gulat kong sabi.

"Hindi ka ba papasok sa school at hindi ka pa rin nagbibihis?" Galit na sabi ni Mommy, bakas sa mukha niya ang pagtitimpi ng galit.

"P-Papasok po, Mommy, B-Bakit po kayo ang nang gising sa'kin? Nasaan po yung ibang katulong? Ang aga-aga ang tamad nila."

"Allyson!" sigaw ni Mommy.

Tumahimik ako, galit na si Mommy magbubuga naman 'yan ng apoy sa'kin. "Ano naman ba kinagagalit ni Mommy?"

"Kanina ka pa ginigising ng mga katulong natin! Hindi ka magising-gising. What do you expect?! Ano! Hindi ka ba mag-aasikaso!" Umaalingaw-ngaw na sigaw ni Mommy.

"O-Opo, Mommy mag-aasikaso na ako." Tarantang sabi ko, pag galit na kasi si Momny tiklop na ako, kahit nga si Daddy hindi uubra kay Mommy pagnagagalit.

"Bilisan mo at naiinip na ang naghihintay sa'yo sa labas, kanina pa siya dito."

"Ha? Pakiulit nga po Mommy ang sinabi mo?"

"Bingi ka ba Allyson? Sabi ko may naghihintay sa'yo! Kanina pa siya dito. isang oras na!"

Oh, di ba? ganyan si Mommy magsalita kapag galit, paanong hindi ako matatakot walang kalambing-lambing unlike sa ibang Mommy sweet.

"Si Dianne po ba?"

"Hindi lalake Frits daw ang pangalan,"

"H-Ha! Si Frits? Bakit hindi niyo agad sinabi?"

Tumaas ang kilay ni Mommy,
"Paano sasabihin sa'yo tulog ka?"

Natapik ko ang noo ko. Oo nga pala, "Teka! si Frits kanina pa nandito? Gosh! Siguradong galit na galit na iyon."

"Sige, Mommy, magbibihis na ako."

Nagmamadali akong naligo at nagtoothbrush at nagsuklay hindi nag ako ng lipstick nagpulbo na lang ako, maganda naman ako kahit hindi maglagay ng kahit anong pampaganda, tapos agad akong bumaba, nakita ko si Frits na nakaupo at naglalaro sa cellphone niya, lumapit ako sa kanya.

"Good morning Frits!" Bati ko sa kanya.

Tumayo lang siya at lumabas na. hindi niya ako pinansin, nauna siyang lumabas at naglakad.

"Mommy, alis na po kami."

"Sige mag-ingat kayo!"

Umalis na kami, siyempre sa kotse ako ni Frits sumakay.

"Sorry pala Frits, kung naghintay ka ng matagal. Yung mga katulong namin kasi hindi sinabi na may nag-aantay sa'kin, nakakainis! Lagot sila sakin."

"Masama talaga ugali mo, noh?" Sabi niya na hindi man lang tumingin sa'kin.

Kumunoot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Sinisisi mo sa katulong niyo ang katamaran mo! Tsk! Walang kwentang babae."

Abah! grabe naman siyang magsalita. quota na.

Sumimangot ako. "Obligasyon nila iyon, binabayaran sila para pagsilbihan kami."

"Psh! Maganda ka nga, pangit naman ng ugali mo, kahit siguro magbo-bote kapag nalaman ang pangit mong ugali aayawan ka!"

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita. Pakialam ko sa kanila ikaw lang ang gusto ko, nakuha na kita kaya wala na akong pakialam sa iba!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon