CHAPTER 44

403K 9.2K 279
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Take this!" Sabi ni Frits. Habang inaabot sa'kin ang dalawang can ng softdrinks. nasa may counter kami ng isang supermarket na malapit sa sinehan. Bumibili pa kasi ng pagkain si Frits. Although may free popcorn kapag bumili ka ng ticket, gusto niya kasing bumili ng extra foods. At dahil naka-posa kami, nahihirapan tuloy kaming magbitbit ng mga bibilhin namin.

"Tanggalin mo na kasi ang posas na ito!" Irita kong sabi.

Hindi ako pinansin ni Frits. Nagpatuloy siya sa paglalakad upang pumili pa ng iba pang pagkain.

"Hoy! Frits, tanggalin mo na kasi ito!"

"Shut up! Ang ingay mo!" Pasigaw niya. Tapos muling binaling ang pansin sa paghahanap ng iba pang pagkain.

Nanahimik ako. Ikaw ba naman sigawan eh. "Tse! Suplado!" bulong ko.

Dahil naka-posas  kami. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nang sumunod na lang sa kanya.

"Girl, look that Couple ang sweet nilang tingnan, naka-posas pa sila Ayaw nilang maghiwalay." Usal ng isang babae na kasunod namin sa loob ng supermarket.

"Kaya nga, artista yata sila ang gwapo at maganda eh, bagay na bagay sila." Usal ng isa pang girl.

"Let's go! magpa-picture tayo. Dali!"

Mayamaya lumapit na ang dalawa. "Excuse me."

Napalingon ako. Samantalang si Frits hindi man lang pinansin ang dalawa.

"Ahmm... pwede ba'ng magpa-picture sa inyong dalawa?" Tanong ng babae.

"Ha? Pa-picture? Pero hindi naman kami artista?"

"Okay lang,  you look perfect couple kasi."

"Pero—?"

"Picture, sure!" Sabad ni Frits.

"Talaga! Kyaahh! Thank you." Tuwang-tuwa na sabi ng babae. Nanghila sila ng tao na magpi-picture sa'min. Mga tatlong  kuha ng larawan bago pa natapos. May kuha pa nga doon na nakataas ang kamay naming may posas.

"Abno!" Tawag ko kay Frits habang naglalakad kami papuntang sinehan.

"Anong tawag mo sa'kin?" Inis na sabi ni Frits.

"Abno!" sabi ko.

Tinitigan niya ako ng masama. Parang gusto na akong kainin ng buhay sa asar niya sa'kin, victory naman para sa'kin iyon, dahil sa wakas na-aasar na naman siya sa'kin, kanina pa niya ako iniinis eh,

"Subukan mo'ng tawagin ulit ako ng ganyan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Warning niya sa'kin.

Palapit siya nang palapit sa'kin. Napa-atras naman ako, tapos dinikit niya ang bibig niya sa tenga  ko at bumulong siya. "Patatahimikin ko ang bibig mo gamit ang mga labi ko. Kiss from the Cassanova. Well, pangarap mo naman iyon di ba?"

Bigla na lang akong nakaramdam ng mga boltahe ng kuryente sa katawan. Ang biglaang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya, dahan-dahan niyang inilayo ang mukha niya at tinitigan niya ako. Ilang segundo rin iyon. Tapos mabilis siyang tumalikod sa'kin.

"Let's go! Mag-u-umpisa na ang movie."

Tumango na ako at sumunod sa kanya. Nakakainis! Palagi ng kumakabog ang dibdib ko dahil kay Frits. tsk!

Saktong pagpunta namin sa sinehan. Mag-u-umpisa na ang movie. Agad kaming pumasok. Pero hinarang kami ng guard.

"Sir, pwede po bang tanggalin niyo po ang posas sa inyong dalawa?" Tanong sa kanya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon