CHAPTER 47

386K 9.8K 494
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Ally!"

Narinig kong parang may tumatawag sa pangalan ko.

"Nanaginip lang yata ako." Sabi ko.

"Hoy! Ally,"

"Sino kasi yang peste na yan! Alam ng inaantok pa ang tao eh,"

Pinilit kong imulat ang mata ko. Pagmulat ko. Nakita ko ang bulto ng isang tao. Hindi ko lang maaninag masyado kung sino siya, blurd kasi ang nakikita ko.

"Hey! Ally, Wake up."

"Asar naman oh! " pasigaw ko nang imulat ko ang mga mata ko.

"Waaahhhh!" Sigaw ko. Umatras pa ako sa gilid ng kama ko. "A-Anong Ginagawa mo rito? May gagawin kang masama sa'kin noh?! Help! Help!"sigaw ko pa.

"Shut up! Allyson, ang ingay mo!" Nakacross-arm pa siya habang nakatayo sa harapan ko. Nakakunot pa ang kilay niya.

Bigla akong tumahimik sa pagsigaw. Yung tingin niya kasi parang mangangain ng buhay na tao.

Bakit ba nandito si Frits? Oh, my Gosh! Walang akong Bra! Mabilis kong hinila ang kumot para itakip sa katawan ko.

"B-Bakit ka ba nasa kwarto ko? Get out!" Sabi ko pa.

Ngumisi lang siya. Tapos bigla siyang umupo sa gilid ng kama ko. Umatras ako palayo. Siya naman umatras palapit sa'kin, umatras ako nang umatras hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Anong gagawin mo?" Habang mahigpit ang kapit ko sa kumot.

Ngumisi lang siya tapos. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Natakot na ako. Lalo nang hinawakan niya magkabilang kamay ko.

"Help! Help! " sigaw ko. Ayoko pa naman ma-rape kahit gusto ko siya.

Tumawa lang siya sa'kin. Ako naman nagpupumiglas.

"Bitiwan mo ako! Rapist! Pervert!"sigaw ko sa kanya.

Tinakpan niya ang bibig ko. Hindi na tuloy ako makapagsalita. Tapos tinitigan niya ako ng matagal. Pinagpapawisan na ako sa sobrang takot. Hindi ko akalain na talagang ABNORMAL talaga si Frits. Hu-hu-hu! Sayang ang virginity ko, help!"

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pilit akong umiwas. Tinitigan niya ako tapos ngumiti. "ASA KA! feeling mo gagahasain kita? Psh! Hindi ka naman nakakaakit eh," Tapos inilayo niya ang mukha niya. Pagkatapos tumayo siya at tumawa ng malakas.

"Tse ang yabang mo! Ang dami ngang nagsasabing sexy ako eh,"

Umupo ako sa kama ko. Grabe akala ko may gagawin siyang masama sa'kin. Tss! Hindi naman ako gusto ni Frits. Asa ka talaga Ally."

"Bakit ka ba nasa silid ko?"

"Kanina pa kita rito kinakatok. Hindi mo binubuksan. Kaya ginamit ko ang duplicate ng susi namin."

"Anong dahilan? Maaga pa naman ah!"

Sumandal si Frits ng dingding ng kwarto at nagcross-arms. "Nagugutom na ako."

Umirap ako sa kanya. "Bakit mo pa ako ginising kung nagugutom ka lang pala! Eh, di sana kumain ka na lang. Tawagin mo si Yaya Chedeng," yamot ko sa kanya.

"Sinong ba ang Maid?"

"Ako,"

"Kaya dapat ipagluto mo ako ng pagkain. Si Yaya Chedeng at iba pang katulong pinagbakasyon ko na muna. Tutal wala naman sila Mommy ng two weeks. Kaya two weeks din silang bakasyon. At ikaw!" duro niya sa'kin, "Ikaw ang gagawa ng mga naiwan nila Yaya Chedeng "

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon