CHAPTER 16

382K 9.5K 185
                                    

LUKE'S P.O.V.

Kanina pa namin pinagmamasdan si Frits. habang pinagdidiskitahan niya ang punching bag. Habang kami Umiinom ng Red horse. Bawal kasi kaming makita ng Mommy at Daddy ko na umiinom ng Hard na alak. Okay lang naman sa'min uminom ng redhorse dahil para makapasok pa rin kami sa School bukas.

"Psstt! Drek, Anong problema ni Frits?" Tanong ni Troy kay Drek.

Tiningnan namin si Frits. Tapos nagkibit-balikat si Drek. "Ewan ko! " sabay inom sa alak na nasa baso niya.

"Eh, Bakit ganyan ang Trip niya? Pinagdidiskitahan na naman ang punching bag." Tanong ni Troy.

"Na-iinlove na kasi siguro 'yan kay Ally." Sabad ko.

"Anong ebidensiya mo para maniwala kami, Luke?" Baling sa'kin ni Drek.

"Nothing! Ramdam ko lang." Simpleng sagot ko.

"Yan na ba ang bago mong trip! Ha? Luke, Ang maging si Madam Auring?" Ani Troy.

Tumawa si Patrick ng malakas, "Mahilig kasi sa mga matatanda si Luke kaya ganyan ang nangyari sa kanya ha-ha-ha!"

Binato ko ng sigarilyo si Patrick, "Ulol! Suntukin kita diyan. Narinig ko lang sa mga Sexy at Magagandang babae sa school na may bagong nanliligaw kay Ally."

"At anong kinalaman naman no'n kay Frits? Baka nga mag pamisa pa 'yan si Frits kapag nalaman niya." ani Drek.

Tiningnan ko sila. "Alam niya iyon. Nakita ni Frits ang manliligaw ni Ally Kanina sa school." Sagot ko pa.

"Paano mo nalaman? Wag mong sabihin narinig mo lang din?" Muling tanong ni Drek.

Tumingin ako kay Luke. "Nang marinig ko iyon. Pupuntahan ko sana kaso nahuli ako. Umalis na sila Ally. Nakasalubong ko naman si Frits, hindi niya ako nakita kasi nakayuko siya."

"So what do you mean? Nagseselos si Frits kaya nagkakaganyan siya? That's very imposible." Sagot ni Drek.

"Bakit hindi niyo tanungin? Para malaman niyo ang sagot." sabi ko.

"Tawagin niyo si Frits, tanungin natin." ani Patrick.

"Ikaw na ang tumawag baka gawing punching bag ang mukha ko eh, mainit nga ang ulo!" Sagot ni Troy.

"Hayaan niyo na lang. Mapapagod din 'yan. Tanungin na lang natin siya mamaya kapag okay na siya." Sabi ko.

"Mabuti pa nga, uminom na lang tayo." ani Patrick. Nagbukas pa siya ng isa pang alak.

Muli naming pinanood si Frits.
Walang tigil ang pagsuntok niya sa punching bag. Hingal na hingal na siya at kitang-kita namin na sobrang pagod na si Frits sa ginagawa niya. Hindi naman namin pwedeng awatin si Frits. Kung sa ibang tao ginagawang exercise ang pagsuntok sa punching bag. Si Frits kapag badtrip iyon ang Trip niya. Doon niya binubuhos ang galit niya. Kaya hinahayaan na lang namin.

Nang mapagod si Frits. Lumapit siya sa'min. Kinuha niya ang pitsel na may lamang tubig at kumuha siya ng baso at uminom.

"Frits, Okay ka na?" Tanong ni Drek.

Sa halip na sagutin ni Frits ang tanong ni Drek. tiningnan lang niya kami at umupo siya. Pagkatapos Inumpisahan niyang uminom ng redhorse.

"Silent means no " Dagdag pa ni Luke.

"Ano bang iniisip niyo? Bakit ganyan ang mga tingin niyo sa'kin?" React ni Frits.

"E-Eh, kasi badtrip ka. Kanino ka ba galit?" Muling tanong ni Drek.

"Wala naman!" Tipid na sagot ni Frits.

"Psh! Are you sure?" Tanong muli ni Drek.

Matalim niya kaming tiningnan.
"Sinagot ko na ang tanong niyo. Wag kayong paulit-ulit!"

"Woah! Kalma lang Frits, masyado kang mainit eh, " ani Patrick.

"Tss! Para kayong mga babae. Ang daming tanong!" Ani Frits.

Napailing na lang kami ng Ini-straight ni Frits ang kalahating bote ng redhorse. Bottoms up, pagkatapos. Walang sabi-sabi siyang umalis.

Tinanaw namin si Frits Habang palabas ng Mansyon namin. "Tsk! Kung hindi natin 'yan kilala baka nasuntok ko na 'yan. Ano naman kaya ang problema non?" ani Drek.

"Basta ang hula ko. Si Allyson ang Dahilan ng magiging bad mood niya ngayon."Sabi ko.

"Bahala ka nga! Madam Auring." Birong sabi ni Troy.

Tinitigan ko ng masama si Troy. "Last mo na yan! Kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa!" Inis kong sagot.

"Whoah! Puro kayo maiinit eh, mag-inom na lang tayo!" Awat ni Patrick.

Umiwas ako ng tingin kay Troy. Upang mabawasan ang asar ko sa kanya. Pag ganito ang usapan, namin nagkakapikunan kami. Gano'n kami pareho-parehong may maikling pasensya at may volcanic temper. Kaya nga kami Naging magkakaibigan pare-pareho kaming nagkakaintindihan.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon