CHAPTER 51

346K 9.4K 688
                                    


FRITS'S P.O.V.

HALOS gusto kong itapon ang cellphone ko. dahil hindi ko ma-contact si Ally, kanina nang susunduin ko si Ally, halos magkakasabay kaming dumating nila Zyrus at Luke sa classroom ni Ally, pero ang sabi ng professor nila. Halfday lang daw ang section B. Agad akong. Sumakay sa kotse ko, hinanap ko si Ally. Sinusubukan kong i-text at tawagan pero nakapatay ang phone niya.

"Damn it! Where are you Ally?" Wag kang sasama sa dalawang gunggong na iyon!" Bulong ko.

Tinawagan ko ang security guard namin sa bahay. Pero wala pa raw si Ally do'n, isa na lang ang pwedeng makaalam kung nasaan si Ally, si Dianne. Pero tulad ng kay Ally patay rin ang cellphone niya. tinawagan ko ang number nila sa bahay, buti na lang ando'n si Dianne.

"Kasama mo si Ally?" Bungad ko ng makausap ko siya.

"Oo, kanina pa siya umalis mga thirty minutes na. Baka nakauwi na iyon." Sagot ni Dianne.

"Gano'n ba? thanks!" Tapos end call ko na agad. Nagmadali akong umuwi ng bahay pero sa kamalasan. Naipit ako ng traffic almost one hour na akong naipit sa traffic. Naisipan kong tawagan si Ally.

"Damn! Patay pa rin. Bakit hindi mo ba binubuksan ang phone mo. Nakakainis kang babae ka!" Bulong ko.

Muli kong tinawagan ang security guard sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niyang kanina pa nasa bahay. Atleast hindi nagkaroon si Luke at Zyrus ng pagkakataong makausap si Ally.

Kaya nang makalampas ako sa traffic mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Pauwi ng bahay. Siguro five minutes lang nakarating na ako ng bahay.

"Where's Ally?" Tanong ko sa guard.

"Nandiyan sa loob sir."

Dire-diretso akong pumasok ng bahay agad kong pinuntahan si Ally sa kwarto niya halos masira ko ang pintuan niya.

"Ano bang problema? Sisirain mo na ang pintuan, ah!" Bungad ni Ally ng buksan niya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko na bukas ang laptop niya at nagpe-facebook lang.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na hintayin mo ako! Halfday ka pala hindi ka man lang nagsabi sa'kin." Pasigaw ko.

"Nakalimutan ko. Lowbat na kasi ako." Yumuko pa si Ally.

"Tanga ka talaga! Pagtext lang nakalimutan mo pa. Ano bang pinagkakaabalahan mo? Yang paglalandi sa FACEBOOK!"

Nakita ko ang pag-agos ng luha ni Ally, parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit ba ako galit na galit?

"Sorry tanga talaga ako. Sa susunod hindi na mauulit YOUNG MASTER!"

Tinitigan ko siya pero umiwas siya ng tingin sa'kin, gusto kong humingi ng sorry pero nahiya na ako, tumalikod na si Ally sa'kin at humiga na siya sa kama niya.

Napabungtong-hininga ako. It's my fault sumobra ako sa limitation ko. Bakit ba ako nagalit. Dahil ba natakot akong mawala siya sa'kin.

Lumabas ako ng kwarto niya. Nagtungo ako sa sarili kong kwarto. At nagpalit ng damit.

Kasalan ko kung bakit umiiyak si Ally ngayon. Kasalan ko, dapat akong humingi ng sorry sa kanya. Lumabas ako ng kwarto. Magluluto pala ako dahil hindi pa kami kumakain, nang magtungo ako. Nakita ko ang isang maliit na papel na nakapatong sa lamesa. Binasa ko iyon. Reciepe iyon sa pagluluto ng sinigang, tiningnan ko yung rice cooker. May sinaing na, may ulam na rin na niluto. Sinigang iyon tinikman ko, masarap siya.

"Ang sama ko talaga. Nag-aral pala siyang magluto. Sinabihan ko pa ng masasamang salita." Bulong ko.

Muli akong pumunta sa kwarto niya. Kumatok muli ako. Sa puntong iyon naging kalmado na ako, nakailang katok na ako pero hindi niya binubuksan. Kaya kinuha ko ang duplicate ng susi ng kwarto ni Ally, pagpasok ko do'n. Tulog na si Ally, pero bukas pa ang facebook niya. Saglit kong binasa ang message ni Dianne para kay Ally, lalo akong nakonsensya nang mabasa ko ang sinabi ni Dianne.

Girl, galit yata si Frits sa'yo kanina. Bakit hindi mo kasi agad sinabi. na kaya ka hindi nagtext sa kanya kasi nag-aral kang magluto. See... Marunong ka na."

Lalo tuloy akong na guilty.

"Babawi ako sa'yo, Ally." Bulong ko.

"Ally," Tawag ko sa kanya habang ginigising ko siya.

"Cinderella ko, gumising ka diyan. Kailangan ka ng Young Master mo."

"Ally, gising!"

Mayamaya dumilat na siya napangiti ako. "Sorry, Ally! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Nag-aalala kasi ako sa'yo."

Bumangon siya. "Sorry din kasi hindi agad ako nakapagtext sa'yo. Nag-alala ka tuloy sa'kin."

Ngumiti ako sa kanya. "Tara na! Kumain na tayo! Nagugutom na ang Young master mo. Ipatikim mo na ang sinigang mo!"

"Nakita mo na pala."

Tumango ako. "Let's go mukhang masarap ang luto mo."

Tumayo na siya at ngumiti na sa'kin, agad kaming bumaba at nagtungo sa kusina. Hinain niya ng sinigang na niluto niya. Mainit pa iyon. At sabay kaming kumain.

"Hmmm... Saraapp! Pwede ka ng maging asawa ko. Sabi ko.

"Ha? anong ang sinabi mo?" Tanong niya.

"Hindi ko na uulitin, binge ka eh,"

Umirap siya."Hmpt! Binge agad."

Tiningnan ko siya. Ang cute talaga niya kapag naiinis. "Pero ang galing mong magluto ah!"

"Siyempre ako pa!" Tapos ngumiti siya sa'kin.

Pinagpatuloy namin ang pagkain. At nang matapos kaming kumain. Ako na ang naghugas ng plato. Bayad ko na sa kanya dahil pinaiyak ko siya. Pagkatapos tumambay muna kami sa living room doon kami na nood ng movie.

"Anong nangyari sa labi mo? Bakit may sugat?" Hinawakan niya ang labi ko.

Tinitigan ko siya, tapos may naisip ako. "Ang Sakit nga masyado eh, gamutin mo."

"Sige, kukuha lang ako ng gamot. Teka lang."

Hinila ko ang braso niya. Muntik na na siyang sumubsob sa dibdib ko. Sayang dapat pala. Nilakasan ko pa ang paghila para sakto sa labi ko ang labi niya.

"Bakit, Young Master?" Tapos bumangon siya at umupo sa tabi ko.

Tinitigan ko siya. Lagi ko iyon ginagawa ang titigan siya, ang ganda kasi ni Ally, kahit saang angulo mo siya tingnan maganda pa rin siya.

"Wag mo nang gamutin ng medicine. Yakap at kiss mo na lang gagaling na." Sinasabi ko iyon habang nakatigtig ako sa kanya.

"Pero, Young Master," Ani Ally.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Ally, para siyang kamatis sa sobrang pula.

"Please!" Nag puppy eyes pa ako sa kanya.

"Haist! Sige na nga," Ani Ally.

Pero hindi ko na siya hinintay na yakapin niya ako. Hinila ko siya. At niyakap ko siya ng mahigpit. Gulat na gulat si Ally sa ginawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Nakapikit ako habang niyayakap ko siya. Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagyakap niya rin sa'kin.

"Ally..."

"Hmm...

"Payakap muna kahit ilang minuto lang." Sabi ko.

Hindi niya ako sinagot. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng yakap niya sa'kin bilang tugon sa request ko.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto sa'kin ni Ally, habang tumatagal mas lalong nagiging selfish na ako sa iba. Parang ayoko na siyang palapitin sa iba. Gusto ko ako lang palagi ang nakikita niya tulad dati.

"Ally!" Tawag ko.

Pero hindi siya sumasagot. Sinilip ko siya. At Napangiti ako.

"Tinulugan mo na ako Cinderella ko." Dahan-dahan akong tumayo at binuhat ko siya patungo sa kwarto niya. Nang makarating ako do'n, dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama niya. Pinagmasdan ko siya,

Napabungtong-hininga ako. pagkatapos kinumutan ko siya. Saglit akong umupo sa tabi niya. Tapos muli ko siyang pinagmasdan. Haist! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang pintig ng puso ko hindi na nagiging normal sa t'wing nasa tabi ko si Ally.

"Sweetdreams, Cinderella ko. I love you." Tapos hinalikan ko siya sa noo niya bago ako umalis na ako sa silid niya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon