CHAPTER 82

313K 6.6K 413
                                    

DIANNE'S P.O.V.

Pinunasan ko ang huling patak ng luha ko habang pinanonood namin si Ally at Frits. Magkakatabi kami sa isang row ng upuan. Naroon ang malalapit na kaibigan ni Ally at Frits. pinagmasdan ko ang mga nasa likuran ko. Luke and Mhady, parehong may luha sa mga mata nila.  Hindi ko rin maintindihan kung bakit lahat kami napa-iyak. dapat masaya ang birthday ni Ally. Ngunit bakit para kaming nanood ng drama sa mga itsura namin. Halos lahat kami umiyak sa eksena nila Ally at Frits, I saw Patrick and Bernadette at the right side next to me, napangiti ako habang pinupunasan ni Patrick ang mga luha ni Bernadette, kaya naman pala hindi ako makita-kita ni Patrick may mahal pala siyang iba. No'ng nalaman ko 'yon. Umiyak ako secretly. Ikaw ba naman magka-crush ng ilang taon. Tapos malalaman mo may iba palang mahal. ouch! Pero ngayon tanggap ko na. I believe, God has a plan for me. Kaya mag-hihintay na lang ako, hindi ko na hahanapin. Hindi naman siguro hahayaan ni God na maging single ako forever. At the left side next to me nakita ko naman si Troy and Angelica, napapangiti ako. Last week lang sila naging magkakilala. No'ng School Festival. Hindi ko aakalain na mag-click silang dalawa. Troy is a sweet guy syempre playboy magaling bumanat ng mga the moves, kaya itong si Angelica, lagi kong nahuhuling namumula ang pisngi.

Natatanaw ko rin si Drek & Julianne, para silang hot couple. Hot kasi mahilig sa music palibhasa parehong nasa banda. Nakita kong nakasimangot si Drek dahil nilagyan siya ng kiss mark ni Julieanne sa pisngi, hindi kiss mark literary. Bakat tuloy ang lipstick nito sa mukha ni Drek, natatawa tuloy ako sa itsura ni Drek. Hindi ko nga alam kung talagang napapaluha si Drek sa sweetness nila Ally or dahil may lipstick siya sa pisngi.

"Dont hold me tight."

Napalingon ako ng marinig ko si Teo. Hindi ko mapigilang hindi tumawa. Kasi naman. Nakayakap ng mahigpit si Yurielainne kay Teo ng sobrang higpit. Alam mo 'yon, ang hot gangster ng Saint Paul. Nababahag ng buntot sa isang babae. Hayss! Man has a differents attitude talaga. Hindi mo alam kung paano sila nagiging sweet. I saw Zyrus and Jamie, nakangiti na si Zyrus habang nakatingin siya kay Jamie. Napukaw din ang tingin ko sa kamay nila. At napansin ko nakaholding hands na sila.

Rhina&Alfred, are in good relationship na. Hindi bilang mag-couple kundi bilang magkaibigan, hindi pa sila muling nagkakabalikan but they talk each other na. Aceshelle and Nikko, kanina ko pa nakikitang sinusuyo ni Nikko si Aceshelle. Dini-deadma siya ni Aceshelle pero nakikita ko sa mukha ni Aceshelle na kinikilig siya. I know that, kasi babae rin ako, sa harap ko nakita ko si Joshua at Katerina, mukhang may bagong couple na mabubuo. Pero siguradong matagal pa. Kasi kulang na lang mag-suntukan ang dalawa.

Ako naman kasama sila. Nicoleanne,Maria Emma, Marinell, Marianne, Lhei magkaka-hilera kami. Puro single ang mga katabi ko, muli kong tinuon ang pansin ko kay Ally at Frits, grabe lalanggamin na yata ang dalawa. Nakaka-bitter Para sa mga single.

Malayo na ang tanaw ko ng makita ko mula sa likuran ng stage ang Familiar na bulto ng katawan. Nakatago ito sa gilid. Kinabahan ako, si Maddison, naka-black dress ito habang naka-shade, pa-simple akong umalis sa pwesto ko upang sundan siya.

"Nasaan na kaya iyon? Bakit nawala?" Tanong ko nang hindi ko siya makita sa labas.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Biglang sumulpot sa likuran ko si Maddison. Tinanggal pa niya ang suot na shade.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Nilalaro niya ang hawak na shade. "Well! Hindi kasi ako invited eh, kaya ako na lang nag-invite sa sarili ko," ngumisi pa siya.

"Anong gagawin mo? Tatawag ako ng pulis," agad kong kinuha ang Cellphone ko upang makahingi ng tulong. Ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit sa batok at unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon