CHAPTER 42

396K 9.3K 772
                                    


ALLY'S P.O.V

"Hi! Good afternoon. I'm looking to Mr, Paul Andress Santiago." Sabi ko sa information ng company.

"May i know your name please?" Sabi ng isang babae sa information.

"Allyson Ramirez."

"Allyson Ramirez." Tapos nag dial siya sa phone. Tapos may kinausap siya. Pagkatapos muli siyang bumaling sa'kin.

"Miss Ramirez. Nasa Meeting pa si Mr, President. okay lang bang maghintay ka ng ilang minuto?"

Tumango ako. "Yes Ma'am sabi ko.

"Thank you, pwede kang maghintay doon." tinuro niya sa'kin ang waiting area.

"Thank you," sabi ko.

Habang naghihitay ako inikot ko ang paningin ko sa building na pagmamay-ari ni Paul Andress Santiago, Sobrang ganda, fourty one floor ang isang buong company. Puro salamin ang paligid nito. Marmol ang mga dingding. At sobrang lambot ng upuan. Napansin ko rin na puro mga pormal ang mga suot ng lahat na pumapasok at lumalabas do'n.

"Ano kaya ang business nila?" Sabi ko sa isip ko.

"Miss Ramirez, please follow me." Tumayo ang isang babae na pinagtanungan ko. Sumunod ako sa kanya, nag-elevator kami twenty one floor ang pinindot ng babae. So ibig sabihin mahaba haba pa ang hihintayin ko dahil nasa ten floor kami ng galing.

Ngumiti sa'kin ang babae.
"Anong kailangan mo kay Mr, President?"

"It's confidential." Sabi ko. Napaka-tsismosa kasi ng babaeng ito. Kailangan pa ba niyang tanungin ang sadya ko.

"Ting!"

Sa wakas nasa twenty one floor na rin kami. Nakakainis kasi ang babae. Kanina pa tingin ng tingin sa'kin,

Agad kaming lumabas ng elevator. Sinundan ko ang babae. Hanggang sa makarating kami sa isang office nakalagay do'n ang pangalan ni Mr, Santiago.

"Here we are."

"Thank you."

"You're welcome." Tapos umalis na ang babae.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Tapos pumasok na ako. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng office na iyon.

"Come in!" Narinig kong sabi.

Pumasok ako. Nakita ko sa table ang pangalan na Mr, President Paul Andress Santiago. Nakatalikod siya. Ngunit halata sa kanya na kasing edad siya ng Daddy ko. Sana hindi siya matapang at masungit. Hinintay ko siyang humarap sa'kin. may kausap pa kasi ito. Habang nakaupo ako. Nilalamig ang kamay ko. At kinakabahan.

"How are you Miss Allyson Ramirez?" Bungad sa'kin ng humarap siya.

Namilog ang mga mata ako dahil sa pagkagulat. Dahil hindi ko inaasahan na siya pala ang kaibigan ni Daddy.

"Kayo po si Mr, Paul Andress Santiago?"

Ngumiti si Mr, Santiago. "Yes, ako nga. You look familiar, Miss Ramirez. nagkita na ba tayo?"

Tumango-tango ako. Ilang beses na kaming nagkita niyan. Siya kaya ang may-ari ng Saint Paul International Academy at siya rin ang Daddy ni Frits. Bakit hindi ko man lang naisip na maaring Daddy ni Frits ang kaibigan ng Daddy ko. Grabe! Napaka slow ko talaga.

"Student po ako ng SPIA."

Sinuri niya ako. Parang iniisip kong saan kami nagkita. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Kaya yumuko ako.

"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang kasama ng anak ko noong nasa bahay?"

"Opo," Pagsang-ayon ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon