CHAPTER 35

378K 9.2K 441
                                    

FRITS'S P.O.V.

Tatlong bahay mula sa bahay nila Allyson ang pinag park ko ng kotse ko. Hindi ko na talaga maintidihan ang sarili ko. Galit ako kay Ally, pero sa tuwing may nababalitaan ako tungkol kay Ally na hindi maganda lumalambot ako. Tulad na lang noong isang araw.

Nasa loob ako ng room namin. Nang makita ko si Luke na late ng pumasok.

"Bakit ka late? Di ba? Usapan natin na maaga tayong papasok ngayon, kasi magre-review tayo para sa finals." Bungad sa kanya ni Tro.

Umupo muna si Luke bago nagsalita, "Dinala ko kasi si Ally sa clinic."

Bigla akong kinabahan. Pa-simple kong inayos ang pagkakaupo ko. Upang marinig kong mabuti ang kwento ni Luke. Sa lima sa'min si Luke lang ang pinakamalapit kay Ally.

"Bakit Anong nangyari kay Ally?"

Narinig kong tanong ni Drek.

"Wala naman! Dinala ko lang siya doon. Kasi nakatulog siya sa kotse ko. Ayoko namang gisingin kasi alam kong kulang iyon sa tulog."

"Bakit nasa kotse mo si Ally? Magkasabay ba kayong pumasok?" Tanong ulit ni Drek.

"Yes, wala na siyang kotse. Nadaanan ko siyang nag-aabang ng taxi para pumasok. Sinabay ko na siya papasok ng school."

"Kawawa naman si Ally, bakit pala walang naghatid sa kanya? Umalis na ba ang driver nila?"

"Hindi, kinuha na kasi ng bangko ang lahat ng mga ari-arian nila. Lahat ng laman ng bahay nila. Bayad daw sa utang ng parents niya kaya wala na siya ng kahit ano, this week, Aalis na siya sa bahay nila."

"Paano na si Ally?" tanong ni Drek.

Napabuntong-hininga si Luke. "Ayaw niyang tulungan siya, ayaw niyang humingi ng tulong kahit kanino."

Nakaramdam ako ng awa para kay Ally, gusto ko siyang tulungan at ipakita na nandito lang ako sa tabi niya. Pero hindi ko kayang gawin iyon. Awkward lang kapag ginawa ko iyon. Pero ngayon nandito ako. Sinadya ko pang gumising ng maaga para ihatid siya.

Nakita ko mula sa di kalayuan na palabas na si Ally, dahan-dahan kong pinaandar ang kotse ko mula sa malayo. Nakita ko ang napakaganda niyang mukha. Kung dati naiinis akong makita siya ngayon gusto ko na siyang pagmasdan. Napalunok ako habang papalapit ako.

"Beep! Beep!"

Tumingin siya sa'kin. Binababa ko ang mirror ng kotse ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Oh! Ally, ikaw pala 'yan?"sabi ko.

Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. "A-Ah, kasi dumaan ako diyan kay Luke, dito ka rin nakatira?"

"Oo, sa kabilang street lang ang bahay ni Luke."

"Papasok ka na ba? Sumabay ka na sa'kin papasok na rin ako."

Umiling siya sa'kin. "No thanks! Magta-taxi na lang ako."

"Sumakay ka na kung ayaw mong buhatin pa kita papasok ng kotse ko."

Umirap siya sa'kin. "Talaga? kaya mo akong buhatin, sige nga?" paghahamon niya sa'kin. Tumawa ako at dali-dali akong bumaba ng kotse para gawin iyon. Ako pa ang hinamon. Tss!

"Joke lang!" Tapos ngumiti siya sa'kin, ambilis kasi niyang makasakay sa kotse ko, pero sayang talaga! Dapat nakarga ko na siya ngayon.

Ngumiti ako sa kanya. "Takot ka pala eh!"

"A-Ah- hindi naman malalate na kasi ako." Nauutal na sagot ni Ally.

in-start ko ang kotse ko, pero bago pa iyon. Kinuha ko ang sealt belt ng kotse at ako mismo ang nagkabit sa kanya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon