CHAPTER 81

329K 7.9K 426
                                    

ALLY'S P.O.V

Gising na ang diwa ko. Ngunit pakiramdam ko madilim pa rin ang buong paligid. Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala akong narinig na ingay. Napakatahimik, nakaramdam ako ng takot.

"Nasaan ako?"

Dahan-dahan akong kumilos at iginalaw ang mga kamay ko. Nang mapagtanto kong nagagalaw ko ang mga kamay ko. Mabilis kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko.

"SURPRISE!! HAPPY BIRTHDAY ALLY!" sabay-sabay bati ng mga nasa paligid ko.

Inikot ko ang tingin ko sa mga taong nasa paligid ko, nakangiti sila Dianne, Tita Sheena, ang Mommy ni Zyrus at Luke pati si Mommy Faith, at ang mga kasama ko sa Puerto naroon at masayang nakatingin sa'kin, halos lahat sila ay nakasuot ng kulay pink na damit.

"A-Anong nangyayari? B-Bakit ako nandidito?" Takang tanong ko.

Lumapit si Tita Sheena sa'kin. Ngumiti pagkatapos yumakap sa'kin. Happy eighteen birthday Ally."

"Thank you Tita. Paano ako nakarating dito? Nasa puerto ako di ba?"

Ngumiti si Dianne. "Tanungin mo 'yan sa nag-plano ng surprise birthday party mo."

"Si Frits?"

Tumango siya habang nakangiti.

Saka ko lang napansin ang suot kong damit, Napatakip ako sa bibig ng makita ko ang suot kong damit. "Oh, my God!" Nagsimula ng maging water falls ang luha sa mga mata ko.

Tumayo ako upang mapagmasdan ko ang itsura sa salamin na nasa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na naroon pala ako sa isang silid kung saan naroon lahat ang malalapit sa buhay ko.

"Thank you!" Tapos kusa ng tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Tita Sheena.

Akala ko. Walang ni-isang nakaka-alala sa'kin. Akala ko magiging malungkot ang eighteen birthday ko. Pero nagkamali ako. Binigyan nila ako ng surprise party.

"Let's go Ally, Hinahanap na nila ang birthday celebrant," ani Dianne.

"Nasaan si Frits?"

Nakita ko kung panong ngumiti sila sa'kin,

"Ally, Umpisa palang ito ang surpresa sa'yo." Ani Mama Faith.

"Mama Faith..." Usal ko.

"Excuse me Ladies, pwede ko bang hiramin si Allyson?"

Gulat na gulat ako ng mapagsino ang lalaking nagsalita.

"Paul, Akala ko may business trip ka?" Tanong ni Mama Faith sa asawa.

Lumapit siya kay Mama Faith at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Binantaan ako ng anak mo. Hindi raw niya hahawakan ang kumpanya kapag hindi ako um-attend ng debut ni Allyson." Tapos tumingin pa siya sa'kin,

Yumuko tuloy ako sa sobrang hiya. "Si boyfriend talaga!" sa isip-isip ko.

"Si Frits lang pala ang makakapag-pauwi sa'yo"

Nagkibit-balikat siya. "Maybe, gusto ko rin namang um-attend ng eighteen birthday ni Ally."

Lumapit sa'kin si Tito Paul at inilahad ang kamay. "Let's go allyson."

Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad. Napakunoot-noo ako nang lumiko ang mga kasama ko sa magkabilaang gilid ng pasilyo. Tapos kami huminto sa tapat sa isang saradong pintuan habang ako nakahawak sa braso ng Daddy ni Frits. Nilingon ako ni Tito Paul At ngumiti siya sa'kin.

"Are you ready, Allyson?"

Tumango ako at ngumiti. Nakaramdam ako ng malakas ng pagkabog ng dibdib ko. Sari-saring emosyon, excited, at kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon