CHAPTER 8

456K 10.3K 531
                                    

ALLY'S P.O.V.

Hindi ko akalain na si Yaya chedeng pala ay dating katiwala ng mga Santiago, kaninang makita ko sila sa Mall, kitang-kita ko ang katuwaan sa mukha ni Frits, habang kasama nila si Yaya Chedeng.

Umupo ako sa kama ko at nag-isip ng magandang plano, after a minutes may naisip na akong plano, agad kong hinanap ang contact number ni Dianne, tapos tinawagan ko siya.

"Ikaw ang pagibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw ang pagibig na binigay
sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pagibig ko'y ikaw!"

"Pss! Ang baduy ng ringtone."

" Hello, Ally! Baket ka napatawag?" Tanong ni Dianne.

"Bigay mo sa'kin ang bagong number ni Frits."

"Kailan pa kami naging close ng ultimate crush mo? Di ba? ikaw ang laging updated sa kanya?"

Sumimangot ako, totoo naman kasi, lagi akong updated sa kanya, pero sa tuwing nalalaman ko ang bagong number ni Frits, agad siyang nagpapalit ng number.

"Oo, alam ko, Bago na kasi ang number niya."

"Wala akong number niya."

"Hanapin mo ngayon!"

"Hoy! Ally, Hindi ako ang Yaya mo para utus-utasan mo!"

"Ibibili kita ng bag na gusto mo, sa chanel kapag naibigay mo sa'kin agad." suhol ko, alam ko namang hindi makakatanggi si Dianne sa offer ko.

"Talaga! Chanel bag, sure ka?"

"Yap! Hanapin mo na ngayon, hihintayin ko, bye!"

Humiga ako sa kama ko. habang nag-aantay ng tawag ni Dianne, sa offer ko na iyon, siguradong hindi na iyon makakatanggi, favorite kasi no'n ang chanel bag, kaya maghahanap iyon ng paraan para makuha ang bagong number ni Frits.

Ilang minuto lang tumunog na ang cellphone ko. "Dianne."

"I got his number, i'll send it to you later, don't forget your promise,"

Sumilay ang ngiti ko. "Okay,"

"Good, See you tommorow."

Hinanap ko agad ang inbox ko at napangiti ako ng mabasa ko do'n ang text ni Dianne kalakip ang number ni Frits, agad kong tinawagan ang number, pero ilang beses ko ng tinatawagan hindi pa rin sinasagot ang tawag ko.

"Fuck this guy!" Bulong ko. Kaya nagtext nalang ako.

"Nakita kita sa isang Mall with my Yaya Chedeng, gusto mo ba siyang bumalik sa inyo? I will give you. Just answer my call, or else hindi mo na siya makikita kahit kailan. isasama namin si Yaya Chedeng sa Amerika para hindi mo na makita ayos ba?"

Hindi ko pa napipindot ang dial call. Tumunog ng cellphone ko, si Frits na ang tumawag sakin napangiti ako.

" Hello!"

"What do you f*ckin want?"

"Hey! Hey! Calm down."

"I dont have time for talking to a strangers, just tell me what do you want?"

Ngumiti ako. "We can talk tommorow after class at starbuck cafe, bye!"

Hindi ko na siya pinagsalita, halata kasi sa kanya ang galit. Tuwang-tuwa ako akalain mo, after one year kong pagsunod-sunod sa kanya at panliligaw. Gano'n ko lang pala siya kadali makukuha.

Naalala ko pa...

Hindi ako sumama sa kahit anong kawang gawa sa school namin. Pero no'ng nabalitaan ko na ang mga casanova ang magre-represent ng school namin upang pumunta sila sa isang charity.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon